Chapter 9

21 5 1
                                    

Maegan's POV

Pagdating sa Rest House nila Zaira sinalubong agad kami ng taga-bantay nila. Tinulungan nila kami sa gamit namin lalo na sa gamit ni Michelle.

Dinala niya ata yung buong Aparador niya, Kulang nalang pati bahay nila dalhin niya narin.

"Hoy! bakit tawa ka ng tawa?"tanong ko kay Reyna.

Nakaupo kami sa buhanginan sa tapat ng kubo. Hindi masyadong mainit kasi puro puno sa paligid.

Humarap siya at pinakita niya yung cellphone niya "Loko si Mavy tignan mo mukha ni Razz Hahaha" tinignan ko yung picture ni Razz puro sulat ng marker yung mukha niya.

Nakalagay pa sa baba ng picture. Yung Pagod kayo lahat sa basketball tapos yung isa niyong kasama natutulog lang. Paalala: wag matutulog na kasama ang kaibigan may Emoji pa na tumatawa.

Natawa narin ako sa kalokohan nila.

Siraulo.

Tawa rin ng tawa yung apat habang nakatingin sa cellphone ni Zaira. Siguro yung pic rin ni Razz yun.

"Hindi paba nakikita ni Razz?"tanong ni Trisha.

Umiling si Zaira at pinunasan pa yung luha sa katatawa "Hindi pa ata. Hindi pa siya nagseseen eh" sagot niya

"Hahaha! Siraulo talaga si Mavy" dagdag ko.

Doon nagsimula yung kwentuhan namin tungkol sa boys. Minsan minsan nag pipicture kami at sinesend yun sa Gc para daw mainggit yung mga boys. Inantay namin yung paglubog ng araw.

"Mga Ineng kumain na kayo" tumingin kami kay aling Lisa yung tagabantay nila Zaira.

Nauna nang pumasok si Reyna,Michelle at Zaira. Naiwan kami nila Juliana at Trisha.

Tumingin ako sa relo magse-Seven na pala.

Tumayo na ako.

Tinignan ko yung dalawang tahimik habang naglalaro ng buhangin "Tara na, Kakain na daw" pagbasag ko sa katahimikan nila.

Tumango si Trisha bago tumayo at naunang pumasok.

"Anyare doon?" Tanong ko kay Juliana.

"Ewan" kibit balikat na sagot ni Juliana.

Sabay kaming pumasok.

Pagyari namin kumain naglabas kami ng tent at tinayo yun sa buhanginan. Yung iba nanguha ng sanga ng puno para ibonfire namin.

Pagyari namin iyos lahat umupo kami paikot sa apoy.

"Nakakamiss yung ganto" simula ni Michelle.

Tama siya nakakamiss kasi busy na kami lahat sa kanya kanya naming gawain. Hindi tulad nung nakaraang taon pag naiisipan naming magpunta rito pumupunta kami. Ngayon? Kailangan pa namin tignan yung Schedule para lang matuloy to.

"Oo nga. Nga pala, Excited na ko sa opening ng Bazzar" sabi ni Zaira. Inabutan niya kami ng mga chips.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano hanggang sa mag saktong 12 na.

Nagising lahat yung inaantok naming katawan dahil sa tanong ni Zaira.

"Guys, Let's Talk About love.. About sa Lovelife niyo" nanlaki yung mata ko sa tanong niya.

Ano kaya pumasok sa isip nito.

"Inaantok na kami" sabi ni Trisha sa kanya.

"Eh hindi pa kasi ako inaantok. Dali na, simula sayo Reyna.. sa inyo ni Ysabelo" lalo nanlaki mata ko sa sinabi ni Zaira.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon