Chapter 14

22 5 0
                                    

Maegan's POV

Pagdating namin kumain kami kaagad.

Kanina pa daw kasi nila kami inaantay. Nasermunan pa kami ni Zaira kasi nagdate pa daw kami ni Mj tapos sila gutom na gutom na.

Ala pala si Mavy tinawagan siya ng Mommy niya emergency daw. Wala din si Juliana.

Pagyari namin kumain nag aya sila sa swimming pool.

Sa lapag na kami umupo kasi hindi kami kasya lahat sa upuan na nasa gilid ng pool.

"Uy spin the bottle tayo" aya ni Zai habang siniset yung camera tapat samin.

Ayan nanaman yung mga pahamak niyang mga laro.

"Past ako" tinaas pa ni Reyna yung kamay niya.

"Ako rin" sunod ni Trisha.

Magsasalita na sana ako pero inunahan na ako ni Zaira.

"Ang kj niyo! Dali na, daig pa kayo ng boys oh" sabay turo niya sa mga boys na magkakatabi.

Bale nakapabilog na kami yung kalahati puro kaming babae tapos yung kabila silang mga lalaki.

Tinapik muna ni Michelle yung balikat ni Zaira bago tumakbo papasok sa loob nila. Pagbalik may dala na siyang bote nilagay niya yun sa gitna bago umupo.

"Ano Truth or dare?" Tanong ni Ysabelo.

Tumingin ako kay Zaira.

Umiling siya "Hahahaha! Puro Truth lang tayo, kaya bawal magsinungaling" sabi niya at tinignan kami isa isa.

Galing talaga ng babae na to. Gumagawa siya ng sarili niyang rules sa laro.

"Ano game kayo?" Tanong samin ni Michelle.

No choice kami kundi tumango.

"Kung kanino tumapat yung nguso ng bote siya yung sasagot, kung sino naman matapatan ng puwitan ng bote siya yung magtatanong" dagdag ni Zaira bago pinaikot yung bote.

Tumapat yung bote kay Johnrick at yung magtatanong sa kanya si Reyna.

"Dalian mo lang ah" sabi ni Johnrick kay Reyna.

Tumango sa kanya si Reyna "Nakakailang Ex kana?" Napataas yung kilay ko sa tanong ki Reyna.

Juskoooo sinimulan niya. Alam ko about lovelife na yung sunod sunod na itatanong. Dipa ko ready malaman ni Mj na crush ko siya.

Help me mga baklaaaaa!

Tawa ng tawa sina Razz habang tinatapik yung balikat ni Johnrick.

"Sagot na tol" sabi sa kanya ni Mj.

"Two" sagot niya. Napanganga naman ako sa sinagot niya.

Like what the fudge! Shockining... Dalawa palang yung nagiging ex niya? Pagtinignan mo kasi si Johnrick aakalain mong Playboy siya.

"Seryoso?" Tanong sa kanya ni Trisha.

"Bakit parang hindi kayo makapaniwala. Kala niyo fuckboy to noh? Hahaha" binatukan ni Johnrick si Denver bago tumango sa tanong ni Trisha.

Loko talaga.

"Next na" sabay ikot ni Johnrick sa bote.

Umiiwas sa mga tanong HAHAHA!

Kay Denver tumapat at ang magtatanong si Michelle.

Tumawa muna si Michelle "Same question, nakakailang ex kana?" Tanong niya.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon