"Tabi dali! HAHAHA" sabi ni Denver tapos sumiksik sa mga boys na nasa likod."Ano nanaman ginawa mo?" Tanong ni Mj sa kanya.
"Hahaha basta" sabay ng sabi niya nun yung paglabas ni Zaira dala yung mga bag namen.
"Yung mga bag" sabi ni Juliana.
Baba na sana siya kaso pinigilan siya ni Denver.
"Nasaan na yung bwesit na yun!? Hoy lumabas ka nga dyan! Bwesit ka iniwan mo nanaman ako" sigaw ni Zaira mula sa labas ng Van.
Habang si Denver tawa ng tawa sa likod.
"Wag kang mag-alala Zai pag naging tayo hinding-hindi kita iiwan" sabay tawa niya mg malakas.
"Ilabas niyo nga yang bwesit na yan! Kakalbuhin talaga kita—Hayst?!" Inis na sabi ni Zaira tapos tumabi na kay Trisha.
Bumusina muna si Mavy bago pinaandar yung sasakyan.
"Par baka mainlove ka kay Zaira sa kagaganyan mo" Napatingin ako kay Razz dahil sa sinabi niya.
Nasa tabi siya ni Mavy na nagda-drive.
"Oo nga par" dagdag ni Ysabelo.
"Wag nga kayo magtanong nang ganyan.. kinikilig si Zaira" saway sa kanila ni Denver.
"Anong kinikilig?! Hindi kaya— Baka ikaw yung kinikilig dyan"balik na sabi ni Zaira sa kanya.
Yung iba nameng kasama naglagay na nang kanya kanya nila earphone.
"Natural lang na kiligin Zai kung ganto naman kapogi yung crush mo" napailing ako sa hinirit ni Denver.
Ewan ko sa dalawang to hindi na nauubusan ng pag-aawayan.
Kinuha ko nalang yung Cellphone ko at binuksan yung mga message.
Nang makadating na kami sa simbahan kaagad kaming lumabas at sabay sabay ng pumasok.
Pumwesto kami sa harapan tahimik lang kami habang nagmi-misa.
Buti nalang nakisama yung mga kaibigan nila.
Sana po maging okay na si tito Samuel.. At alagaan niyo po sana siya. Ganun din po yung family ko at yung mga kaibigan ko..ganun din yung mga family nila.
Nang matapos yung simba nagsindi muna kami ng kandila bago nag-aya sila sa Hospital.
Habang nagbabayahe panay tanong ng mga bakla kay Trisha tungkol sa paglalaro niya sa University League.
Hindi na ako nakipagsabayan sa kanila.
Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas.
"Okay ka lang, Tubig" tinignan ko yung tubig na inabot ni Mj saken bago ko kunin yun.
Nasa likod ko siya nakapwesto, kasi katabi ko si Michelle.
Uminom ako bago tumingin sa kanya "Salamat.."
Pagdating sa Hospital bumaba na kami at pumunta sa kwarto ni Tito.
Naabutan ko doon si Mommy tsaka si Ate.
Bumati muna kami bago umupo sa Sofa.
Buti nalang naka-private room si Tito kaya pwede kahit ilang bisita ang pumunta.
"Ma, Kamusta si Tito?" Tanong ko kay Mommy pag-upo ko sa tabi ni Mj.
Nagpaalam yung mga boys na bibili ng pagkain sumama sa kanila si Michelle,Juliana at Reyna.
"Hindi paren nagigising. Nak, hangga't hindi pa nagigising si Tito Samuel mo doon muna natin patitirahin si Mico sa bahay" tukoy niya sa nag-iisang anak ni Tito. Si Mico 4 years old .
"Eh paano si tita Ma?" Tanong ko.
Hinatak ni Mommy yung upuan at pumwesto sa harapan ko.
"Sabi ni Daddy mo doon muna sa states sila ni Tito mo hangga't hindi pa siya gumising sasamahan muna namen sila ni Daddy ng one month doon, kaya maiiwan kayo ni ate mo sa bahay kasama si Mico" napa-Ahh ako sa sinabi niya.
"Pumayag na si ate ma?" Tanong ko tapos tinignan si ate na nanunuod ng T.V.
"Gusto niyang sumama pero pinagbawalan siya ni Daddy mo.. puro lang daw kasi shopping yung gagawin ni ate mo sa States. Hay! Muntik ko ng makalimutan jona Halika na't susunduin pa natin si Mico sa school niya. Maegan maiwan ko muna kayo rito ng mga kaibigan mo.. wag kang aalis hangga't hindi dumating si Daddy or si tita mo ha" tumango ako kay Mommy.
Nagpaalam ulit sila ni ate bago lumabas.
"Kausapin mo si Uncle Samuel Meg.. labas nuna kami hanapin namin yung iba."tumayo ako sa sinabi ni Trisha. Kinalabit niya si Zaira bago sila lumabas.
Lumapit ako kay tito tapos hinawakan ko yung kamay niya.
Umupo ako upuan na nasa gilid niya.
"Tito gising kana, Andito na si Daddy—sabi mo diba pag nagdebut ako ikaw yung first dance ko kasi wala na si Lolo papa?" Hindi ko na napigilan yung pagtulo ng luha ko.
"Pag-gising mo tito papakilala ko sayo si Mj, Naalala ko nung nagbakasyon kami dito sabi mo saken ipapakilala ko sayo yung maglalakas na loob na manligaw saken.. kaso paano ko mapapakilala e andyan ka naman natutulog. Dalian mong gumising ah para mapagalitan mo si ate kasi lagi niya akong inaaway, Nagiging bully nanaman yung favorite mong pamangkin" pagsumbong ko tapos hinalikan siya sa pisnge.
"Kung gising lang si tito Samuel mo Meg paniguradong matutuwa siya sa kinikwento mo..Pero—*sniff wala e tulog paren siya" lumapit ako kay tita tapos niyakap siya.
"Don't worry tita, strong si Tito alam kong lalaban siya para sa inyo ni Mico, kay Daddy. Kaya sana maging malakas karin" sabi ko habang nakayakap sa kanya "Andito lang kami palagi para sa inyo ni tito" dagdag ko.
Tumango siya tapos humiwalay sa yakap ko at hinawakan yung balikat ko "Dalaga kana. Parang dati lang nagpapakarga kapa samen ni tito mo pag gusto mong manghuli ng alitaptap" natawa ako sa sinabi niya.
Naalala ko yung sinasabi niya.
"Hahaha! Tita matagal na yun" nakanguso kong sabi sa kanya.
"Siya nga pala yung mga kaibigan mo nasa labas.. huminto sa pagpasok nung nakita ako" kaagad akong lumabas sa sinabi niya.
Sumilip ako sa pinto.
Andun nga sila.
"Hoy bakit andyan kayo? Tara pasok dali!" Tawag ko.
Binuksan ko yung pintuan para makapasok sila.
Inilagay muna ng mga boys yun binili nilang pagkain sa table bago umupo sa sofa.
Pinagdikit namin yung dalawang sofa para magkasya kami.
Yung iba naman sa lapag na umupo.
Bakit kasi ang dami namen e.
"Anong oras tayo uuwi?" Tanong ni Johnrick habang kumakain ng Fries.
"Maya maya. Gusto ko land travel tayo" Napatingin kaming lahat sa sinuggest ni Ysabelo.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)