Pag-alis ng tatlo nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano.Sabi ni Ysabelo at Johnrick bago magsimula yung after party ng debut aalis kami.
Kaya lang hindi ko alam kung saan kami pupunta at ayaw nilang sabihin yun saken.
Ewan ko ba sa mga to.
Panay narin tingin nila sa orasan...
Napatingin ako sa paligid ng biglang namatay yung ilaw.
As in wala talagang makikita kundi yung disco light na iba't ibang ilaw lang.
Napasinghap ako ng biglang may humawak sa braso ko.
"Tara na" boses ni Michelle yun kaya tumayo na ako at nagpahatak sa kanya.
Rinig ko din yung bulungan nila Zaira.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Michelle ng makalabas kami.
Tumayo siya at inayos yung sarili niya. Ginaya ko nalang siya.
"Thiz iz itz panzit!" Sabi ni Zai at tinutok yung Camera samen ni Michelle.
"Wag mo akong isama" bawal sa kanya ni Michelle. Kaya saken tinutok ni Zaira yung Camera niya.
"Hoy ano ba yun?" Tanong ko.
"Basta" sabay sabay na sabi nila sumabay pa yung mga lalaki.
"Nabi-bwesit na ako sa inyo ha.. kung hindi MAMAYA yung isasagot niyo, Basta. Kunti nalang magpapasun—"
"Wag ka nga'ng OA dyan. Basta, makisabay ka nalang samen" sabi saken ni Reyna.
Inirapan ko nalang siya tapos humarap sa mga lalaki.
"Saan ba tayo pupunta? Anong oras na oh" sabi ko sa sabay turo sa madilim na labas.
Umiling lang sila saken tapos naglabas ng Cellphone.
Dapat di nalang ako nagtanong diba?
Umupo nalang ako sa gilid.
Wala naman akong makuhang matinong sagot sa kanila e.
Nilabas ko yung Cellphone ko at tinext si Trisha kung nasaan sila.
Napakagat ako sa labi ng mabasa ko yung reply niya.
Basta, Mamaya.
Tinabi ko nalang yung Cellphone at tumingin sa mga kaibigan ko.
Mga busy sila.
Napataas yung kilay ko ng tumalon talon si Zaira at yumakap sa mga girls.
"Readyyyy na daaaaw! Goshhhh ito naaaa!" Sigaw niya habang umiikot-ikot sa kakatalon.
Nag labas ng Cellphone phone yung mga girls at may binasa ATA sila bago sabay sabay na tumakbo papunta saken at hinatak ako patayo.
"Araay! Bakit ba?" Tanong ko sa kanila.
Kunti nalang makakatikim na tong mga to saken.
"Tara na girls" aya ni Ysabelo.
Dahil diko alam kung saan kami pupunta tumabi nalang ako kay Juliana na katabi ni Razz.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya napakunot yung noo ko ng marinig ko yung pagsinghot niya.
"Umiiyak ka?" Tanong ko ulit kaya napatingin na samen si Razz.
"Uy Juliana anong nangyayare sayo?" Tanong niya.
Umiling si Juliana tapos pinaypayan niya yung mukha niya gamit yung kamay "Tears of joy" sagot niya.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Novela JuvenilBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)