Paglapit ko yumakap kaagad ako sa kanila.Umupo kami ni Mj sa tabi ni ate.
"Musta kayo na?" Tumaas yung kilay ko sa tinanong ni ate.
"Seryoso ka ate?" Tanong ko sa kanya.
Umiling siya tapos tumingin kay Mj na nasa tabi ko "Ewan ko sayo. Musta Mj Brother-in-law naba kita?" Tanong sa kanya ni Ate.
Ngumiti si Mj sa kanya "Sana pero liligawan ko muna" sabi niya tapos tumingin saken.
Umiling ako sa kanya tapos tumingin kay ate.
"Happy?" Tanong ko.
"Ganda e.. papahirapan pa si Mj" sabi niya saken.
Sasagot pa sana ako kaso lumabas na yung doctor at tinawag sila Daddy.
Pumasok sila Mommy,Daddy tsaka Tita sa loob ng katabing kwarto ni Tito.
Kaya naiwan kaming tatlo dito sa labas.
"Kala ko ba okay na si tito?" Basag ko sa katahimikan namen.
"Yun na nga e. Saktong pag-alis niyo tumawag saken si Mommy Tapos sinabing nagflat line daw si tito kaya ayun kaagad kaming pumunta dito" paliwanag niya.
"Bakit di mo ako tinawagan?" Tanong ko.
"Kasi nga alam ko na ngayon aamin si Mj sayo.. actually pati ni Mommy tsaka ni Daddy" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya at tumingin kay Mj sa tabi ko.
"Pinaalam mo kila Mommy?" Tanong ko sa kanya.
Kumamot muna siya sa batok bago tumango "Nanghingi ako ng blessing bago kita ligawan" sagot niya.
Tumango nalang ako.
Ewan pero bakit nauubusan ako ng isasagot pag si Mj yung kausap ko.
Nag-excuse samen si Mj nang mag ring yung Cellphone niya.
"Kelan niya pinaalam kela Mommy na manliligaw siya saken?" Tanong ko kay Ate.
"Ewan e.. pero nung Wednesday sinabi saken ni Mommy pumunta si Mj sa office nila ni Daddy at kinausap sila para sa plano niyang ligawan ka.. tawa nga daw ng tawa si Mommy kasi daw maraming kasamang kaibigan si Mj e" napangiti ako sa paliwanag niya.
Hindi ko alam na ganun siya kaseryoso para ipag paalam ako sa parents ko.
"Eh Anong sabi sa kanya ni Mommy tsaka Daddy?" Dagdag kong tanong.
"Payag daw sila.. kasi nakikita daw nila magiging masaya ka naman daw..tapos idagdag pa daw na mabait si Mj" tuluyan na akong napayakap kay ate.
Kinikilig ako.
"Gumanyan kaba nung nagtapat siya sayo? Grabee dika manlang nagpabebe?" Napabitaw ako sa sinabi niya.
"Ate bakit pa ako magpapabebe e crush ko na yun diba? Kaya wag na magpatumpik tumpik pa boomkaraka-karaka na" sabay pa kaming natawa ng magsabay kami sa huling kong sinabi.
Line niya kase yun e nung Highschool life niya pa. Favorite niya kase si Vice Ganda.
"Lokaaa.. Di na ako magtatanong kung anong nangyare kasi mapapanuod ko naman yun. Shh andyan na si Mj" sabi niya sabay turo sa likod ko.
Pinanuod ko si Mj habang naglalakad papunta sa pwesto namen.
Ang pogi niya sa suot niya. White na Long-sleeve tapos bukas yung dalawang botones sa taas nun.. nakatupi rin yung sleeve nun hangganga siko... Nakatucked in yun sa kulay Gray niyang slacks. Tapos black shoes pang ibaba.
"Tumawag si Denver hindi na daw sila makakapunta kase tulog na yung mga girls, Pero pinada niya yung address nung resthouse nila Razz" tumango ako.
"Sa hotel ba kayo mage-stay ate?" Baleng ko kay Ate.
Umiling siya "Sa bahay nila Tito pero.. sasabihin ko nalang kila Mommy na doon ka matutulog sa resthouse ng kaibigan mo. Aalis naba kayo?" Tanong niya.
Tumingin ako kay Mj bago siya Umiling "Hintayin nalang siguro naten lumabas sina Tita para malaman mo yung lagay ni tito mo" tumango nalang ako sa sinagot niya.
Ganun naman talaga yung gusto kong mangyare.
Napatingin ulit ako kay Mj ng isandal niya yung ulo niya sa pader.
Kinalabit ko siya.
Lumingon siya saken pero hindi inaalis yung ulo sa pagkakasandal.
"Dito ka muna sumandal naka mangawit ka" sabi ko sa kanya at tinapik yung balikat ko.
Umiling siya "Okay lang.. baka ikaw naman yung mangalay"
Umiling din ako "Dali na.. Okay lang talaga" sabi ko sa kanya.
Nginitian niya lang ako tapos unti unting sumandal sa balikat ko.
Napalingon ako kay ate ng biglang nagflash yung Cellphone niya.
Pinicturan niya kami.
"Ikaw talaga.. nasa Hospital kaya tayo" saway ko sa kanya.
"Ikaw nga din e.. haller! nasa Hospital din kaya tayo.. Pero okay lang sweet niyo e" sabay ngisi at pakita niya sa Picture namen ni Mj.
Napabangon si Mj ng biglang bumukas yung pinto na pinasukan ni Mommy.
Sabay pa kaming napatayo ni ate ng lumabas na umiiyak si Mommy at tita.
Lumapit at niyakap ni ate si Mommy kaya lumapit naman ako kay tita at niyakap siya.
Si Daddy naman umupo sa tabi ni Mj.
Tinignan ko si Mj habang tinatapik yung balikat ni Daddy.
"Anong sabi ng doctor?" Tanong ni Ate ng magpaalam na yung doctor na aalis.
"Maco-coma si Tito niyo... pag hindi pa siya magigising ng 24 hours from now" sagot ni Tita.
"Coma? Bakit naman umabot sa ganun?" Tanong ni Ate.
Yinakap ko lang si Tita ng umiiyak nanaman siya sa leeg ko.
"Hindi ko alam—" sagot ni tita.
Ilang oras pa kaming nag-iyakan bago nagpasya si Daddy na ihatid si Tita at mommy sa bahay na nila Tito. Sumabay narin kami ni Mj sa kanila paalis para makapag palit kami ng damit at makapag pahinga.
Tinignan ko yung oras 1:23 am na pala.
"Mag-iingat kayo sa bayahe. Mj salamat at sinamahan mo yung anak ko papunta rito, Hindi kami nagkamali ni tita mo para payagan ka na manligaw sa bunso namen" tumango si Mj kay daddy bago sila sumakay sa kotse.
Inantay muna nameng makaalis yung sasakyan nila ba—
"Shocks! Paaano tayo makakapunta sa resthouse nila Razz wala tayong sasakyan" sabi ko kay Mj ng maalala ko na inihatid lang pala kami nila Ysabelo dito kanina.
"Maya maya andito na si Johnrick— Oh Ayan na" sakto yung parada ng sasakyan sa harap namen.
"Pasok na" sabi ni Johnrick mula sa driver seats.
Umupo si Mj sa tabi ni Johnrick kaya mag-isa ako sa likod.
Ayaw ni Johnrick na patabihin si Mj saken kasi daw ayaw niya magmukhang driver ng bagong kasal.
Ay nakoo ewan ko sa lalaking to.

BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)