Chapter 39

8 1 0
                                    


Lalo pang lumakas yung ulan kaya maghapon lang kaming nasa loob ng bahay ni Mico.

Tinignan ko yung orasan 7:35 pm na pero wala parin si ate. Nasa loob na kami ng kwarto ni Mico, pinapabasa ko siya ng story book.

Umayos ako ng upo sa tabi niya.

Kinuha ko yung Cellphone ko at tinext si ate. Inilapag ko yun sa sidetable pagsend ng text ko.

Habang inaantay si ate binasahan ko muna si Mico ng story book para makatulog. Nang makatulog siya kinuha ko ulit yung Cellphone ko .

8:55 pm na pala, anong oras na wala parin siya.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok doon. Dahan dahan akong bumaba sa kama bago binuksan yung pinto.

"Manang bakit po?" Tanong ko ng bumugad si Manang sa harapan ko.

Niyakap niya yung sarili niya "Hindi pa ba nagte-text si Ate mo? Anong oras na, sabihin mo hindi siya masusundo ni Pernan kasi gamit niya yung sasakyan" naga-alalang paliwanag niya.

Sinarado ko yung pinto tapos sumabay ako kay Manang maglakad papuntang baba. Pagbaba namin umupo kami sa sofa. Hindi parin humihina yung ulan mas lalo pa atang lumakas.

"Kanina ko pa nga po tini-text manang wala paring reply. Hindi po kaya nasiraan yun?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin muna siya sa labas bago bumaling ulit sakin "Wag naman sana. Napaka-lakas ng ulan at wala tayong gagamiting sasakyan para sunduin siya" napatango ako sa sinabi ni Manang.

Gamit nga pala ni Ate yung kotse. Yung isa naman naming kotse na kay Daddy yung susi.

Napatingin ako sa orasan 9:20 pm na.

"Wala paba si Jona?" Tanong ni Manong na kau-upo lang sa tabi ni Manang.

Umiling ako "Wala pa nga pong reply sa text ko. Hindi po kaya nasiraan siya ng sasakyan.. Manong?" Tanong ko kay Manong. Nagpaalam si Manang na magtitimpla ng gatas at kape para naman sa kanila ni Manong.

Umiling si Manong "Kakapatingin ko lang nang sasakyan kaya imposibleng masiraan siya. Hindi kaya nag-overnight iyun sa mga kaibigan niya, Hindi kaya?" Ako naman yung umiling sa sinabi niya.

"Hindi iyun pwedeng makitulog sa iba.. pernan. Binilinan siya ng daddy niya na wag aalis nang gabi rito sa bahay dahil walang kasama si Maegan at yung bata" sagot ni Manang at binigyan ako ng isang baso ng gatas.

Ininom ko yun habang nakikinig sa kanila.

Asaan naba kasi tong si ate.

"Oo nga pala. Hala e nasaan na yung batang iyun? Kontakin mo nga ulit maegan... 9:30 na" sinunod ko yung utos ni Manong. Naka-ilang ring yung Cellphone niya pero walang sumasagot.

Kinakabahan na ako.

"Wala parin e.." sinubukan ko paring tawagan si Ate.

Tulad kanina panay parin ring pero hindi niya sinasagot.

"Maegan wala kabang pwedeng hiraman ng sasakyan? Alas dyes na" Napatingin ako sa orasan. 10:01 na.

Binuksan ko agad yung gc namen.

Maegan: Guys!

Trisha: Uy?

Ysabelo: Why?

Razz: Ha?

Zaira: Bakit?

Maegan: Girls patulong naman.

Zaira: Bakit anong nangyari?

Denver: Girls lang bawal boys?

Trisha: Bakit?

Maegan: Pa-contact naman kay ate jona. Hanggang ngayon wala pa e.

Reyna: Anong oras na ah! Baka nag-overnight sa mga kaibigan niya.

Maegan: Hindi siya pwede mag-overnight sa iba.

Mj: Ang lakas ng ulan. Forward mo dito number ni ate mo.

Maegan: 09*********

Trisha: Ayaw sagutin.

Zaira: Ayaw rin sagutin sakin.

Ysabelo: May dala bang sasakyan?

Denver: Baka nasiraan.

Razz: Baka na-stranded.

Napahinto ako sa pagtatype ng may nag-message sakin.

From: Ate

Maegan nasiraan ako.

Tinignan ko sila Manang.

"Si ate mo na ba iyan?"Tanong ni Manang.

"Anong sabi?" Tanong ni Manong.

"Nasiraan daw po siya" sagot ko.

"Sinasabi ko na nga ba! Hala itext mo at sabihin mo sabihin kung nasaan siya!" Hindi na magka-undagaga si Manang.

Tinext ko na si ate kung nasaan siya. Agad niya namang tinext sakin yung lugar.

Binuksan ko yung bago text ni Mj.

From: Mj

Need anything?

Nahihiya man ako pero kawawa naman si ate lalo na madilim daw sa lugar na nahintuan niya.

To: Mj

Pwede kaba ngayon? Okay lang kung bawal.

From: Mj

Yup, Why?

To: Mj

Wala kasi kaming gagamiting sasakyan pagsundo kay ate.

From: Mj

Ahh. Magbibihis lang ako tapos pupunta na ako dyan.

To: Mj

Thank you. Ingat sa pagda-drive.

Sinabi ko na si Manang na si Mj yung naka-usap ko na pwedeng magsundo kay Ate. Nagpaalam naman siya na kukuha daw ng damit para kung sakaling basa daw si ate.

Ako naman umakyat na sa taas.

Saktong upo sa kama nang sunod sunod na tumunog yung Cellphone ko.

Denver: Brad balitaan niyo nalang ako. Di ko na kinaya, Gago ka @Johnrick ikaw dahilan ng Hang over ko bukas.

Zaira: Otw na me.

Dahil diko maintindihan yung chat nila nag-backread ako kaagad.

Nanlaki yung mata ko na nag-plano silang pumunta dito sa bahay.

Kaagad akong nagchat sa gc.

Maegan: Guys! Ang lakas ng ulan wag na kayo tumuloy.

Zaira: Na-ahh andito na ako sa hagdan niyo.HAHAHAHA

Hindi na ako nagulat ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko.

Trisha: Dadaan nalang ako dyan bukas.. May practice e.

Reyna: Me too.

Binaba ko yung Cellphone ko tapos humarap kay Zaira.

"Buti pinayagan ka ni Mommy mo?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya tapos tumabi sa higaan ni Mico.

"Yeah! Si daddy pa nga nag-hatid sakin, Andyan na sa baba si Mj" pagkasabi niya nun dahan dahan kaming tumayo at naglakad palabas.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon