(Program)Three months later..
Busy lahat ng section namin at section nila Trisha para sa program na gaganapin dito School para napiling orphanage.
Pupunta lahat dito yung mga bata sa orphanages at tuturuan namin sila sa mga specialization na napili nila. Naka-ayos na lahat nang gamitin namin. Kami naman nakasuot nang blue'ng Shirt.
"Meg hinahanap ka ni Mj" sabi ni Zaira paglapit niya sakin. May hawak siyang camera kasi siya yung naka-assign sa pagkuha nang Video at Picture sa mangyayari sa Program namin.
Siya naman lagi naka-assign dun.
Tumango ako bago tumayo "Nasaan siya?" Tanong ko sa kanya.
Nginuso niya yung backstage "Nasa likod. Teka, sama ako sayo" sabi niya. Tumakbo siya papunta sa mga kasama niya bago bumalik sakin at naglakad na kami papunta sa backstage.
Sa tatlong buwan na nakalipas naging busy na kami lahat.
Unang una si Trisha.. hindi na namin siya masyadong makausap dahil nagsimula na yung League, Ganun din sina Johnrick at Razz na kulang nalang matulog na sa loob ng basketball court.
Sumunod si Zaira nagkaroon kasi siya nang project na Video presentation nang school.
Si Denver naman busy sa pangungulit kay Zaira. Hindi naman na bago yun e.
Si Michelle naman nagbi-busy-bisihan sa pagtuturo nang skin care routine.
Sina Reyna, Mavy at Mj busy sa pagbabanda.. Maraming School ang nag-invite sa kanila para tumugtog sa opening ng intrams kaya naging abala sila doon.
Kami naman nila Ysabelo at Juliana kayayari lang matapos nang renovation nang Hallway kaya pwede na kaming magrelax.
Pagpasok sa backstage naabutan namin yung tatlo.
"Hello!" Masiglang bati ni Zaira sa kanila. Ngumiti ako tapos tumabi sa upuan ni Reyna.
"Halatang excited e" puna sa kanya ni Reyna.
"Talagang excited ako.. kasi sa ating lahat ako lang yung hindi masyadong mapapagod HAHAHA" sagot niya sabay tawa ng malakas.
"Kung makatawa naman. Sinong may load patext nga" napatingin kami kay Trisha na kapapasok lang.
Nakasuot siya ng Jersey niya buti nalang wala silang schedule na laro ngayon pati yung basketball kaya pwede silang magturo sa mga bata.
"Mavy patext daw" sabi ni Mj kay Mavy na naghe-headbang pa. May nakalagay kasing headphone sa tenga niya kaya siguro hindi niya narinig.
Tinanggal ni Mavy yung headphone tapos kinuha yung Cellphone niya at binigay kay Trisha.
"Nga pala! Kayong dalawa saan kayo galing kahapon?" Nagtinginan kami ni Mj sa tinanong ni Zaira. Nakaturo pa siya samin dalawa.
"Kila Johnrick" mabilis kong sagot.
Totoo naman kasi doon kami galing. Kinausap ko kasi si Johnrick kung bakit parang umiiwas siya samin nung mga nakaraan ang kaso wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Nung hindi ko siya napilit sumagot nag-gala nalang kami ni Mj.
"Mamatey? Naku wag ako! Teka tawagan ko si Michelle, Bokalist ka e" sabi niya sakin tapos tinawagan si Michelle ni-loudspeaker niya pa yun nang sagutin ni Michelle yung tawag.
"Hello Chelle" panimula ni Zaira.
"Oh bakit" sagot ni Michelle sa kabilang linya.
"Saan mo nga ulit nakita si Maegan tsaka si Mj kahapon?" Parang nanakot na tanong ni Zaira. Nakangiti pa siyang nakatingin samin ni Mj.
Ewan ko ba sa babaeng to.
"Sa Mall, Bakit?" Tanong ni Michelle.
"HAHAHAHA! WAla prend, ge bye na" pinatay niya na yung tawag tapos nakapa-maywang na humarap samin ni Mj.
"Wala kayong ligtas dyan pagdating sa chismis" sabat ni Trisha na nakaupo sa pagitan ni Mavy at Reyna.
"Ha wala talaga! So, paki explain yung pa-mall niyong dalawa" sabi niya samin.
Mahinang natawa si Mj tapos siya yung sumagot "Ito na mage-explain na—bakit kasi wala si Denver dito?. Hahahaha kasi kahapon pumunta kami sa bahay ni Johnrick kinausap namin siya kaso wala kaming nakuhang matinong sagot kaya pumunta kaming Mall" paliwanag ni Mj tumango naman ako.
"Ge Okay ako sa sinagot mo, Pero pansin ko lately umiiwas satin si Johnrick noh? Saan ka pupunta?" Tanong ni Zaira nang tumayo bigla si Trisha.
Tinuro niya yung labas "Baka andyan na yung mga bata" sagot niya. Tumango nalang kami sa kanya.
"Problema nun?" Tanong naman ni Reyna.
"Ewan k—"
"Nasaan si Denver?" Putol ko sa sasabihin ni Zaira. Sinadya ko talagang putulin yung sasabihin niya kasi alam kong mapupunta ulit yun saming dalawa ni Mj.
Napangiti ako nang padabog siyang umupo sa tabi ni Mavy na walang pakealam.
"Hahah Oo nga noh? Zai nasaan si Denver?" Mapang-asar na tanong sa kanya ni Reyna.
Natawa kaming dalawa ni Mj nang tignan niyang masama si Reyna. Ang init talaga ng ulo niya kay Denver.
"Hindi ako hanapan nang nawawalang Feelingerong pangit na unggoy" masungit niyang sagot.
"Whooy! Sino yung Feelingerong Pangit na Unggoy aber!?" Sabay ni Denver na naglalakad papunta sa pwesto namin.
Sa dami damin niyang pwedeng marinig yun pa.
"Ikaw.. bakit?" Sagot ni Zaira.
Natawa si Denver tapos nilapag sa mesa yung bag na dala niya.
"Parang hindi naman bagay pang-describe sa gwapo kong mukha yun. Hustisya naman sa ka-gwapuhan ko" paliwanag ni Denver. Nagpaalam muna si Mj na ite-test yung mga instrument sa labas.
"Ha! Ang hangin ata bigla!" Nag-act pa si Zaira na malakas yung hangin tapos tumayo "Maiwan ko na nga kayo may masamang hangin na dumating e" sabi niya habang nakatingin kay Denver bago naglakad palabas. Nagtawanan kami nang sinundan siya ni Denver palabas.
"Loko talaga yun" Umiiling na sabi ni Reyna.
Tumingin ako sa kanya "Ilan kakantahin niyo?" Tanong ko sa kanya nang hindi parin bumabalik si Mj.
"Tatlo. Kami yung mago-opening e susunod sila Denver samin" paliwanag niya.
Napahawak ako sa bulsa ng pantalon ko nang mag vibrate yun.
"Teka sagutin ko lang to" paalam ko sa kanya bago sinagot yung tawag ni ate at lumabas.
"Hello ate?" Sagot ko.
"Anong oras uwi mo?" Tanong niya.
Tumingin ako sa ako sa labas ng stage kung saan gaganapin yung Activity mamaya.
" 'Di ako sure. Hindi pa nagsisimula yung program e. bakit?" Balik kong tanong.
Narinig ko yung boses ni Mico sa kabilang linya.
"Eh kasi may Family Day sila Mico sa Bukas.. ito nga nangungulit para mamili nang susuotin natin. Gusto kang kasama e" napatayo ako ng ayos.
"Ah sige ate pasabi kay Mico pagyari ng Program namin punta tayo ng Mall." Napatingin ako sa Entrance gym nang sunod sunod na may pumasok na madre.
"Sige na ate andito na sila" paalam ko at pinatay na yung tawag.
Pumasok ulit ako sa backstage.
"Guys andyan na sila" pagkasabi nun kanya kanya na silang nag-ayos ako naman lumabas na at pumunta sa pwesto namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/168660909-288-k216775.jpg)
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)