Chapter 6

15 5 0
                                    

Maegan's POV

One week na simula nung kinumprenta namin si Alice at sa buong one week na yun palagi nalang nawawala si Juliana, Hindi naman namin masundan dahil busy kaming lahat sa tinatayong Bazzar.

Lalo na kalaban pala namin yung mga cheerleader ng School.

Pati yung Student Officers tsaka yung ibang player maliban kay Trisha, Razz At Johnrick kasi samin siya ginrupo ni Dean.

"Maegan tignan mo nga, pwede na ba O taasan pa?" Tanong ni Mj habang nagkakabit ng tarpulin ng bazzar namin.

Tinignan ko yung kinakabit niya "Kunting taas nalang then.. okay na yan! " sagot ko.

Ginawa niya yun bago bumaba ng hagdan.

"Wala paba sila Denver?" Tanong niya habang tinitignan yung kinabit niya. Tinignan ko siya puro pawis na siya kahit 9:30 palang ng umaaga. Kanina pa kaming 8 nag aayos ng bazzar namin.

Gosh! Pinagpapawisan siya.. Punasan ko naba?

"Ay nakoo, Bakit kasi yung dalawa pa na yun yung inutusan niyo. Baka nagaasaran nanaman yun kaya matagal" sagot ni Reyna na naglalagay ng bulaklak sa tinayo ng mga boys na bakod.

Garden kasi yung style ng bazzar namin. Busy lahat kasi sa monday na yung opening. Si Michelle at Razz nagpipintura ng mga bakod at dingding ng bazzar, Kami naman ni Mj tiga dikit ng mga Arts at quotes na gawa namin ni Ysabelo at Juliana. Si Denver at Zaira ang nautusang mamili ng mga kulang na materials kaso hanggang ngayon wala pa. Si Trisha,Reyna,Mavy at Ysabelo tiga gawa naman ng mga gagamiting pangdesign.

Si Johnrick pati juliana ang naka assign sa pagkain namin kaso wala si juliana ngayon. Kaya mag isa si Johnrick na naghahanda ngayon.

"Mga mahal kong trabahador! Break muna!" Sigaw ni Johnrick.

Gagong 'to.. Trabahador niya daw kami.

"Sira ulo talaga" bulong ni Mj sa tabi ko.

"Pasalamat siya wala yung dalawa kundi barado nanaman yan" tukoy ko kay Zaira at Denver.

Tumawa si Mj at iling iling na sumabay sakin papunta sa mesa na  kakainan namin.

"Trish wala kang practice ngayon?" Tanong ko.

Umiling siya "Meron, Hindi lang ako nagpractice. Si juliana asaan?" Tanong niya.

Nagtinginan kami ni Reyna.

Nakoo. Ano sasabihin namin?

"Lagi nalang wala si Juliana. Saan ba yun nagpupunta?" Tanong ni Michelle.

Isa pa to. Wala din pala siyang alam...

"A-Ah... A-ano may pinapagawa kasi ako sa kanya sa club.." palusot ko.

Tumingin silang dalawa sakin. At sabay na tumango.

Hayst. May utang sakin yung juliana nayun.

"Uy wala kami ni Mavy mamaya ah" tumingin kami kay Reyna.

"Saan kayo pupunta?" Mabilis na Tanong ni Ysabelo.

Tumingin ako kay Mj sakto naman na nakatingin siya sakin.

Nginitian ko siya.

Yeeei Hahaha..

"Mag papractice kami, Kakanta kami sa monday.. para sa ribbon cutting ng mga bazzar. Diba kasama ka din Mj? " tanong ni Reyna.

Tumingin ako kay Mj.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon