Chapter 3

60 6 1
                                    


Maegan's POV

Two days past..

Webes na at hindi parin kami tapos sa pag iinterview.

Wala namang bago.. ay meron pala nakilala namin ng mga bakla yung mga kaibigan ni Mj.

Then lagi na din kami magkakasama.

Maliban lang kay Trisha na busy para sa pagbubukas ng UNV o University Volleyball League.Napapanood yun live sa TV.

Break time ngayon at tinatamad ako lumabas ng Art Room.

"Maegan dika sasabay samin? Si Juliana?" Tumingin ako kay Michelle na nasa pinto.

Isa pa pala yun lagi nalang nawawala si Juliana para siyang kabote na nawawala at susulpot nalang bigla.

"Dito muna ako.. Hanapin niyo nalang si Juliana, andyan lang yun sa tabi tabi" sagot ko. Kumaway siya sakin bago umalis.

After, i think 10 minutes biglang may kumalabog sa pintuan kaya napatingin ako doon.

"Oh, Bakit andito ka?" Si Mj na may dalang Sandwich at tubig.

Lumapit siya sakin at inilapag yung dala niya sa harap ko.

"Hindi ka sumabay samin, kaya dinalhan nalang kita" nakangiting sabi niya.

Hinampas ko siya sa balikat "Ikaw ah, baka masanay ako niyan" biro ko.

Biro ba talaga?

Bakit parang may something.

"Ikaw talaga. Okay lang na masanay ka, malakas ka naman sakin eh" sabay kindat niya pa.

Jusmeee biglang bumilis tibok ng puso ko.

Normal paba to?

"Hahaha. Kainin ko na ah? Kanina pa kasi ako nagugutom eh, tinatamad lang akong maglakad" pag amin ko. At nagsimula ng kumain.

"Sa susunod text mo nalang ako pag tinatamad ka. Para madalhan kita dito." sabi niya.

Napatigil ako sa pagsubo at tumingin sa kanya.

Jusmeee MJ parang awa mo na... marupok ako.

"Hoy, okay ka lang?" Tanong niya.

Tumango ako at kumain ulit.

"Pinapasabi pala ni Michelle kaylangan daw kayo mamaya sa office. Pagyari mo kumain, hahatid kita doon." Tumango ako at uminom ng tubig.

"Eh ikaw saan ka pupunta? Kayo nila Denver?" Tanong ko bago tumayo para mag ayos ng gamit.

"Sa Gym muna siguro" sagot niya.

"Bakit hindi nalang kayo umuwi? Eh wala naman ng klase?" Tanong ko.

"Napag usapan kasi nila kanina sa canteen. Dadaan daw muna tayo sa Mall" tumango ulit ako.

Malamang si michelle yung nag suggest nun... siya lang naman mahilig magshopping samin eh.

"Okay naba gamit mo, Tara na?. Ako na magdadala" sabay kuha niya sa bag ko.

Hindi naman mabigat yun kaya pinabayaan ko nalang.

Pagyari ko isara yung art room, Sabay kaming naglakad papuntang office. Hindi siya boring kasama kasi madaldal siya, Tulad ko HAHAHA. Kaya nagkasundo kami kaagad.

Hinarap ko siya pagtapat namin sa office "Uy thank you ah. Dami ko nang utang sayo HAHAHA" biro ko sabay kuha ng bag na inabot niya.

"Hindi ah, okay lang yun. Ganun talaga pagmagkaibigan. Sige, pasok kana. Bye.. kita kits nalang mamaya" paalam niya bago tumalikod.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon