Nag-tinginan lang kaming lahat pag-alis ni Trisha."Bili muna kami ni Meagan, kita nalang tayo sa parking lot" hinarak na ako ni Mj paalis.
Tumakbo kami para habulin si Trisha. Pumasok siya sa kotse nila. Kinatok ko yun.
Medyo binaba niya yung bintana "Usap tayo, buksan mo yung pinto" utos ko sa kanya. Napapikit ako ng marinig ko yung paghikbi niya.
Pumasok ako sa loob ng binuksan niya yung pinto. Si Mj pumwesto sa labas ng kotse.
"Shang, Okay lang yan" sabi ko sa kanya bago siya niyakap "Iiyak mo lang yan, mawawala rin yang nararamdaman mo sa kanya" dagdag ko.
"Bakit ba lagi nalang ako nasasaktan! Wala naman akong masamang ginagawa para parusahan nila ako ng ganto! Meg, sawang sawa na ako! Ayoko na!" Umiiyak na sabi niya.
Bumitaw ako sa pagyayakap namin tapos hinawakan ko yung mukha niya "Shhh, Makakalimutan mo rin siya Shang, naalala mo yung kay Hans diba? Mawawala rin yan. Tahan na Shang may laro ka pa mamaya" nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Napapunas ako sa pisnge ko ng may tumulong luha doon.
Kitang kita ko yung sakit sa mga mata ni Trisha.
"Five minutes, Five minutes lang ilalabas ko lang yung sakit. Yung sakit na ipinamukha niya sakin kanina! Ang sakit! Sakit!" Lumabas ako tapos sumandal sa pinto ng sasakyan niya.
"Bakit ka lumabas. Okay na siya?" Tanong ni Mj.
Umiling ako "Nanghinge ng Five Minutes e. Naaawa ako kay Trisha, bakit kasi kaylangan pa ipakilala ni Johnrick yung Girlfriend niya satin? Tsaka akala ko ba si Juliana yung gusto niya?" Sunod sunod na tanong ko.
Huminga ng malalim si Mj "Hindi ko rin alam. Nung isang araw pumunta siya sa bahay tapos sinabing naawa raw siya kay Trisha dahil ni-reject niya, pero sabi niya mas gusto niya si Juliana kesa kay Trisha, Basta ang gulo! Tapos ito. Nalaman namin kanina may ipapakilala daw siya satin" mahabang paliwanag niya.
Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto.
Lumabas si Trisha na namamaga yung mata. "Tara, baka hinahanap na nila tayo" nanginginig pang sabi niya.
"Hindi naman siguro. Diba may laro ka? Hatid kana namin" sabi sa kanya ni Mj. Alam ko na ayaw ni Mj na magsama si Johnrick tsaka si Trisha kaya inaya niya to.
Umiling si Trisha "Maya maya pa naman. Tara na" aya niya. Maglakad na sana siya kaya hinawakan ko yung kamay niya.
Tinignan ko siya "Shang wag mo naman na saktan yung sarili mo. Durog na durog na yung puso mo, pipinuhin mo pa ba? Tama na" seryoso kong sabi sa kanya.
Unti unting tumulo yung luha niya "Bakit pagdating sa ganto ang hina hina ko! Ang tanga ko kasi e, hindi na ako nadala kay Hans!" Umiiyak niyang sabi.
Yinakap ko siya. Sakto namang kita ko sa mga kaibigan naming naglalakad papunta sa pwesto namin.
Hinatak ni Stephy si Trisha mula sa
Pagyayakap ko."Kami na bahala sa bruhilda na to. Ayusin niyo yung boylet niyong kaibigan. Matsutsumbag ko yun" sabi niya bago hinatak si Ella at Trisha paalis.
"Nasaan si Johnrick?" Tanong ni Mj.
"Nasa loob. Tvngina brad may isa pa tayong problema" sabi ni Razz. Tumingin kaming lahat sa kanya.
"Ano yun?" Tanong ni Zaira.
"Ex pala yun ni Alice" sagot niya.
"Shit!!!! Bakit pumatol si Johnrick dun! Hindi ba siya nag-iisip!?" Galit na sabi ni Michelle.
"Ano ba nangyayari kay Johnrick! Akala ko ba kay Juliana siya may gusto, tapos ano? May ipapakilala siya satin—at ang masama pa dun Ex ni Alice!" Galit rin na sabi ni Zaira.
"Walang mangyayari satin kung idadaan niyo lahat sa init ng ulo. Baka may magandang dahilan si Johnrick kaya niya ginawa yun" singit ni Reyna.
"Magandang dahilan! Tingin mo ba magandang dahilan yun para saktan niya ng ganun si Trisha!? Nakita mo ba kanina kung gaano siya nasaktan kanina ha! Reyna kaibigan natin yung pinag-uusapan dito!" Sigaw ni Michelle.
Umawat na si Razz pati si Mj kay Michelle.
"Alam ko, pero sinasabi ko lang wag muna natin i-judge si Johnrick. Hindi pa natin alam yung dahilan niya" pilit na humihinahon na sabi ni Reyna.
"Sana lang maganda yung dahilan niya dahil kung hindi, Ako mismo yung gagawa ng paraan para mag-break silang dalawa" sabi ni Michelle bago nag-walkout.
"Pati ba naman tayo maga-away away pa?" Tanong ni Denver.
"Boys, kausapin niyo naman yung kaibigan niyo. Kung bakit niya nagawa yun, kasi sobrang sakit ng ginawa niya kay Trisha" pakiusap ni Zaira.
Tumango ako "Kami na bahala kay Trisha." Singit ko.
Nagpaalam na kami na aalis. Susundan namin yung tatlo.
Humarap ako kay Mj ng hawakan niya yung kamay ko "Meg text mo nalang ako ha. Mag-iingat ka" sabi niya bago kami tumalikod.
•
•
•
Tahimik lang namin pinapanuod yung laro ni Trisha.
"Hindi na talaga nadala yang si Trisha, buti nalang may laro siya kung hindi, tulad ng dati.. magkukulong nanaman sa kwarto niya yan" basag sa katahimikan ni Ella.
Buti nalang talaga, kasi kung wala siya laro ngayon mahihirapan nanaman sila tita na pakainin at palabasin siya sa kwarto niya.
Bumuntong hininga ako "Ewan ko ba kay Trisha lagi nalang kumplekado yung buhay pag-ibig" sagot ko.
"Hindi naman kumplekado e, ginagawa niya lang kumplekado..gets niyo? Alam niya na walang gusto sa kanya si Johnrick pero ano? Go lang, kahit nasasaktan" dagdag ni Michelle.
"Pero in fairness sa inyo ah, sa one year na wala kami ni Ella, ang matured niyo na pagdating sa mga issue na ganto." Napangiti ako sa sinabi ni Stephy. Ngayon ko lang napansin, naging matured na yung kung paano kami magpayo sa isa't isa, hindi tulad dati na puro biruan lang.
"Kailangan e, kung ganyan ba naman magiging kaibigan mo, ewan ko nalang" sabi ni Zaira.
Napangiti ako "Pag may naging masaya may maging malulungkot naman" dagdag ko.
Tumawa sila ng marealize nila kung ano yung tinutukoy ko.
Kami ni Mj, naging masaya kaming dalawa kasi official na yung relationship namin pero kabaliktaran naman yun nang nangyare kay Trisha.
"Korak! Kaya kayo hinay hinay lang sa pagiging masaya kung ayaw niyo pagsisihan sa huli" pangaral ni Irvin.
"Tagalog!" Sabay sabay kaming napalingon ng isigaw ni Coach yung last name ni Trisha.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Novela JuvenilBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)