Hindi na nagtagal si Mj sa bahay kasi panay na text yung mga kaibigan namin sa kanya.Siya daw kasi yung manlilibre e.
Nagbihis na ako ng pambahay at bumaba sa sala.
Napatingin ako sa labas ng makita kong umuulan.
"Manang sila ate po?" Tanong ko kay Manang nang makita ko siya sa sala na nagwawalis.
"Nasa kusina" sagot niya kaya naglakad na ako papuntang kusina.
Naabutan ko si ateng tinuturuang magbike si Mico.
"Wow! Pahinge si tita Maegan pagnatapos na ah" nakangiti kong sabi bago umupo sa harapan nilang dalawa.
Tumango si Mico tapos bumalik ulit sa paghahalo "Sure tita Maegan!" masigla niyang sagot.
Kumuha ako ng tissue tapos pinunasan yung harina na nasa pisnge niya.
"Tita sabi po ni Mommy mag-aaral daw po ako dito. Kelan po ako papasok?" Tanong niya.
Tinulungan ko si ate ilagay sa oven yung nagawa nila.
"Mics hintayin muna natin yung tawag ni Mommy mo ah.." sabi sa kanya ni Ate.
Tumango si Mico sa sinabi ni ate..buti nalang hindi siya tulad ng ibang bata na kaylangan ipaliwanag lahat.
"Jona naisarado niyo ba yung mga bintana niyo sa taas?" Sabay kami napatingin ni Ate kay yaya.
"Bakit 'ya?" Tanong ko.
"May bagyo ata at ang lakas ng ulan" sagot niya.
Tumingala ako at inisip kung nakasarado ba yung bintana sa kwarto ko.
"Maegan pa-check nga nung akin.. di ko sure kung nasara ko e" utos ni ate.
Lalabas na sana ako ng pumasok si Manong. Actually mag-asawa sila ni Manang may mga anak sila pero nasa probinsya.
"Andito pala kayo, yung emergency light nae-charge niyo ba? Baka kasi biglang mawalan ng power lumalakas na yung ulan sa labas" paliwanag ni Manong.
Tumingin ako kay ate na nagtatanggal ng mga cupcake sa oven.
"Nasa kwarto ko po ata. Maegan icharge mo nalang din yun pagpunta mo sa kwarto ko" utos niya ulit.
Bago pa madagdagan yung iuutos niya naglakad na ako paakyat.
Pumapasok na ako sa kwarto at sinarado yung bintana ko. Kinuha ko yung Cellphone ko nang maalala ko nag-gala pala yung mga bakla.
Nagchat ako sa gc kung nasaan na sila.
Michelle: Nakauwi na kami.why?
Trisha: practice. Bakit?
Maegan: Kala ko gumala kayo.. Chineck ko lang ang lakas kasi ng ulan.
Denver: Wazzup! Andito kami kila Mj.
Reyna: Ang daya kaya pala hinatid niyo kami agad.
Dala ko yung Cellphone ko kinuha ko yung emergency light na nasa kwarto ko at chinarge yun. Pumunta na ako sa kwarto ni ate at sinara yung bintana niya, chinarge ko narin yung emergency light niya.
Bumaba na ako at umupo sa sofa namin sa sala.
Inopen ko ulit yung gc namin.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)