Chapter 55

8 2 0
                                    

( Sino siya? )

Umupo ako sa buhanginan at tumingin sa kumikinang na dagat.

Iniwan ko yung tatlo sa kubo. Ala lang gusto ko lang makapag-isa.

Palubog na yung araw kaya hindi masyadong mainit. Ang saya ng mga ginawa namin kanina, pagyari namin maligo, pumunta kami sa garden house na sinasabi ni Mj at super ganda talaga doon.. sayang lang hindi namin kasama yung iba para makapag-enjoy rin sila.

Napabuntong hininga ako. Monday nanaman pala bukas at back to reality nanaman na maraming problema. Sana lang matapos na tong problema namin.

Napatingin ako sa tabi ko ng may umupo doon.

Nginitian ako ni Mj "Malalim ata iniisip mo" aniya.

Nginitian ko muna siya bago tumingin sa dagat "Hindi naman gaano. Iniisip ko kasi Monday nanaman bukas, iisipin nanaman natin yung problema ni Trisha at Johnrick" paliwanag ko.

"Ahh yun ba? Wag kang mag-alala nakausap na namin si Johnrick sinabihan naming iiwas sa inyo yung Girlfriend niya." Napatingin ako sa sinabi niya.

"Ginawa niyo yun?" Tanong ko.

Tumango siya "Oo para makaiwas narin sa gulo" sagot niya.
Lumapit siya sakin tapos humiga sa buhanginan. Ginawa niyang unan yung hita ko.

Binrush ko yung buhok niya "Alam mo.. naaawa ako kay Trisha" panimula ko. Ramdam ko na nakatitig lang siya sakin kaya nagsalita ulit ako "Kasi alam ko na pangarap niyang makalaro sa championship ng volleyball pero ano? Na-Suspended pa siya ng tatlong laro. At sa tatlong laro na yun pag natalo yung team nila.. wala na, good bye pangarap na para sa kanya" mahabang kong paliwanag.

Tumikhim siya kaya yumuko ako para makita siya "Sa ilang buwan natin magkakasama, alam kong gagawa ng paraan si Trisha para hindi mauwi lang sa wala yung pangarap niya, matatag siyang babae kaya malabong susuko nalang siya agad" aniya.

Tumango ako. "Sabagay pero sana matapos ng mas maaga tong problema natin, hindi pa nga natin alam kung sino yung stalker ni Zaira tapos ito, dumagdag nanaman" sabay tawa ko.

Sana lang pwedeng tawanan yung problema ng matapos na. Ako yung nahihirapan para sa mga kaibigan ko. Kung masakit sakin ano pa kaya yung nararamdaman nila? Doble? Triple? O higit pa doon? Bakit kasi hindi pwede na maging masaya nalang? Na gusto ka ng gusto mo?

"Gumagawa na ng paraan si Denver para makilala yung stalker ni Zaira kaya wag kana mag-alala. Hayst! Sana matapos na to para naman ma-solo kita ulit" napangiti ako sa sinabi.

"Ikaw talaga" yun lang nasabi ko sa kanya.

Bumilis nanaman yung tibok ng puso. Malalim na yung nararamdaman ko sa kanya.

"Ang sweet naman" Napatingin ako sa likod namin.

Umupo sa tabi namin si Reyna at Ysabelo.

"Pwede naman kayong maging sweet kung gusto niyo" sabi ko sa kanila.

Humarap si Ysabelo kay Reyna "Pwede ba yun?"nakangiti na tanong niya.

Natawa ako ng yumuko si Reyna. Kinikilig si Bruha.

"Reyna pahirapan mo muna si Ysabelo bago mo sagutin ha" utos ni Mj kay Reyna.

"Siraulo! Nahirapan na nga ako umamin e pati ba nanaman sa pagsagot niya mahihirapan ako" natawa ako sa sinagot ni Ysabelo.

Bakit kasi ang torpe niya? Loko rin to e.

"Napaka-torpe mo kasi, yan tuloy naunahan ka ni Mj" singit ko.

"Aba! Pagtulungan niyo talaga ako? Sabagay hindi naman ako tulad ng isa dyan, kulang nalang kumain ng tao dahil sa selos" sabay tawa ni Ysabelo.

Napatingin ako kay Mj ng bigla siyang tumayo at humarap kay Ysabelo na tawa ng tawa.

"Past is past bud" aniya at nagsimula na silang mag-asaran.

"Tumigil nga kayo! Para kayong bata" Saway ni Reyna. Tumigil silang dalawa at nagpaalam na kukuha ng inumin naming apat.

Naiwan kaming dalawa ni Reyna. Tinignan ko siya, nakatingin lang siya sa dagat kaya tumingin narin ako doon. Nakakare-fresh ng utak yung dagat.

Ilang oras pa kami nagstay sa garden house ng tita ni ysabelo bago kami umuwi. Habang nasa bayahe nakatulog lang ako, nagising ako ng nasa tapat na kami ng bahay.

Lumabas na ako ng kotse ni Mj. Humarap ako kay Mj na nasa loob na ng sasakyan niya.

"Thank you sa e-special na date" nakangiti niyang sabi.

"Bakit naman Special?" Tanong ko sa kanya.

"Special kasi kasama kita"lumapad yung ngiti ko pagkarinig sa sinabi niya.

Bakit ang sweet ng taong to. Kinikilig tuloy ako. Kese nemen eh.

"Matutulog nalang tayo humirit ka pa talaga. Sige na. Good night Mj, I Love you" kaagad nanlaki yung mata ko ng marealize ko yung nasabi ko.

Napatuptop ako sa bunganga ko at mabilis na tumakbo papasok ng bahay.

Sumandal ako sa pinto.

Totoo ba yung nasabi ko? Nag-Iloveyou ako sa kanya? Whaaa! Bakit ko ba nasabi yun. Ang tanga mo maegan!!! Nakakahiya ka! Whaaaaa! Ano kaya naging reaction ni Mj? Nabigla rin ba siya?

Tumakbo na ako papasok sa kwarto ko.

Napahiyaw ako ng biglang nagring yung Cellphone ko, At dahil lutang ako hindi ko natinignan yung caller basta ko nalang sinagot yung tawag.

"I love you too my Maegan" nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko yung sinabi ni Mj galing sa kabilang linya. Narinig ko yung paghalakhak ni Mj sa kabilang linya bago niya pinatay yung tawag.

Napahawak ako sa puso ko. Parang hinabol ako ng sampong kabayo sa bilis ng tibok nun.

Inangat ko yung Cellphone ko ng magring ulit yun.

Napakunot yung noo ko ng UNKNOWN yung nakalagay doon. Hindi ko alam pero sinagot ko yun at ni loudspeaker.

"Do you miss me Menggay? See you tomorrow" nawala yung bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kilig, napalitan yun ng kaba ng mamatay yung tawag.

Sino to, Bakit kilala niya ako?

•••••

A/N: SEE YOU TOMORROW DAW!! Makikilala naba natin si UNKNOWN sa Next chapter!???

Sino kaya yun?

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon