(Goodbye)Tumakbo ako papalapit sa mga kaibigan naming nag-iiyakan sa upuan.
"Bakit!? Bakit kayo umiiyak?" Tanong ko kay Trisha at Michelle.
Hindi nila ako sinagot pero yinakap nila akong dalawa.
Tumingin ako kay Johnrick at Razz na nasa gilid.
"Pumasok ka nalang sa loob kung gusto mong malaman" Seryosong sabi ni Johnrick at tinapik yung balikat ko.
Kumalas ako sa pagyayakap ng dalawa at tinignan silang lahat na andito sa labas.
"May nangyare bang masama?" Tanong ko. Naramdaman ko nalang na may tumulo na luha sa pisnge ko. Nakatingin lang sila sakin.
Pinunasan ko yung luha ko pero patuloy parin yun sa pag-agos "Wag naman kayo magbiro ng ganyan. Wala namang masamang nangyaring masama kay Mj diba? Su-sumagot na-naman kayo" nagmamakaawa kon sabi ng walang ni-isa nangsasalita sa kanila.
Humahagulhol na napatingin ako sa pinto ng kwarto ng bumukas yun at lumabas si Mavy na bagsak yung balikat.
Tinignan niya ako sa mata "Meg pumasok kana sa loob" mahina niyang sabi na lalong nagpa-iyak sakin.
Mali naman diba yung iniisip ko? Hindi to pwede! Pinapanuod ko lang siya kanina e, sasagutin ko po siya!!! Sana mali yung iniisip kong wala na siya!
Pinunasan ko yung luha ko at dahan-dahang naglakad papasok.
Napahagulhol na ako ng maabutan ko na may nakatakip na ng puting tela sa tao sa kama. Umiiyak narin si Zaira at Denver na nasa gilid nun.
"Me-meg" nanginginig na sabi ni Zaira ng makita ko.
Tumakbo na ako at kaagad na yinakap yung katawan ni Mj.
"Hi-hindi totoo to e! Bu-buhay ka pa! *snift bakit hindi mo ako inantay! Bakit dika lumaban!" Umiiyak na sabi ko sa katawan ni Mj. Nanginginig na binaba ko yung tela hanggang dibdib niya.
Napahagulhol ulit ako ng makita ko yung nakapikit niyang mga mata at yung putla niyang mukha.
"Bakit dika lumaban! Bakit di mo inantay yung pagsagot ko sayo? Bakit iniwan mo ako kaagad!? Bakit!!?" Yinakap ko siya ulit. "Mj mahal na mahal kita. Bakit ngayon pa nangyare sayo to kung kailangan sasagutin na kita. Hindi ko kaya na wala ka" umiiyak na sabi ko.
"Lalong hindi ko kaya pag wala ka" nanigas yung katawan ko ng marinig ko yung boses ni Mj at maramdaman ko yung hininga niya sa leeg ko.
Dahan dahan ako umangat sa pagyayakap sa kanya at tinignan kung totoong buhay siya.
Hinawakan ko yung magkabila niyang pisnge niya "Buhay ka" umiiyak na sabi ko " *Snift buhay ka! Huhuhuhu wag mo na ulit akong iiwan" dagdag ko at yumakap ulit sa kanya.
"Bakit ko naman gagawin sayo yun e ikaw yung buhay ko. Pero ano yung sabi mo kanina?" Inangat niya yung mukha ko tapos pinunasan yung luha ko sa pisnge gamit yung kamay niya. "Yung huli mong sinabi bago ako sumagot" ulit niya.
"Yung Hindi ko kayang mawala ka?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya tapos umiling "Bago yan" sabi niya.
Inisip ko muna yung tinutukoy niya. Napakagat ako ng labi ng maalala ko na.
Yung sasagutin ko siya yung tinutukoy niya.
Nakakagat labi parin ako ng lumingon sa kanya "Na sasagutin na kita?" Tanong ko.
Ngumiti siya tapos tumango. "Sasagutin mo na ba ako?" Malambing niyang sabi.
Umayos muna ako ng tayo tapos kinuha yung papel na dapat ibibigay ko sa kanya kanina.
Doon ko lang napansin na andito na pala sa loob ng kwarto lahat ng kaibigan namin. Pati si Mavy na may benda yung kamay.
Inabot ko yung papel kay Mj. Kaagad naman napakunot yung Noo niya ng mabasa niya yung sulat. Binaliktad niya yun kaya napangiti siya at tumingin sakin.
Baliktad pala yung pagkakahawak niya.
"YES?" Pagbasa niya sa nakasulat.
Huminga muna ako ng malalim at tinignan siya sa mata "Kanina ko pa dapat binigay sayo yan kaso—" huminto muna ako ng umayos siya ng upo. "Alam kong sa ilang months mo na nanliligaw sakin naging driver, chef, bodyguard at yaya ka ni Mico pagpinagsasabihin kita na wag gawin yun pero—tumatanggi ka at lagi mong sinasabi 'OKAY LANG AKO' 'GANTO TALAGA PAGNANLILIGAW' 'WALA KABANG TIWALA SAKIN?' Sa sobrang bait mo naging banko ka narin ng kaibigan natin."huminto ako saglit.
"Sobrang saya ko kasi dumating kayo saming magkakaibigan" tinignan ko yung mga kaibigan ko bago tumingin ulit kay Mj "Lalong lalo na nang dumating ka sa buhay ko, kung dati takot ako gawin yung mga bagay na hindi ako sigurado, ngayon hindi na kasi alam ko andyan ka para i-guide at turuan ako. Sa ilang buwan nating magkasama doon ko lang na realize na kung gaano kahalaga yung mawawala sakin pag pinakawalan pa kita." Huminga ako ng malalim at hinawakan yung dalawa niyang kamay "This time Mj, Tanungin mo ulit ako at sasabihin ko sayo yung nararamdaman ko" sabi ko sa kanya.
"Maegan, will you be my girl?" Tanong niya.
Dahan dahan akong tumango bago sumagot "Yes Mj.. Yes!" Sagot ko bago niya ako hinatak para yakapin.
Napuno narin ng sigaw at tili yung kwarto ng Hospital dahil sa mga kaibigan namin.
"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya Maegan" bulong niya sakin.
"Ako rin, pero magpagaling ka muna para hindi ako mag-alala sayo" sagot ko.
Tumawa siya "Alam mo ba gusto na kitang yakapin kanina habang umiiyak ka na akala mo patay na ako" naningkit yung mata ko sa sinabi niya.
"Speaking, Bakit mo pala ginawa yun ha! Di mo ba alam na pinag-alala mo ako ng sobra!?" Sermon ko sa kanya.
Tumawa siya tapos tinuro yung kaibigan namin "Opps, wag mo ako sisihin sila yung may plano nun" sabi niya.
Tinignan ko yung mga kaibigan namin na tawa ng tawa "Ahh kayo pala yung nagplano, e kung kayo kaya gawin kung patay ha! Nakakainis talaga kayo!" Sabi ko sa kanila pero natawa lang sila.
Tinignan ko yung girls "Tawa pa kayo? Saya niyo na nasira yung plano natin" sabi ko sa kanila.
"Okay lang yan Atleast nasabi mo na kay Mj yung nararamdaman mo" sabi ni Michelle.
"Ang importante nasagot mo na siya" dagdag ni Reyna.
"Pero kailangan niya pang magpagaling, pati ikaw Mavy kaylangan mo ring magpagaling" singit ni Trisha.
Goodbye single word!! Ito na yung last day ng pagiging single ko.
"Oh my god!!!!" Sabay sabay kaming Napatingin kay Zaira ng sumigaw siya.
••••
A/N: ANO NANAMAN KAYANG PAKULO NI ZAIRA!? Good news kaya to o bad news? HAHAHAHA tignan natin sa next chapter.
Thank you guys! I Love you all!!
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)