Chapter 54

4 2 0
                                    

( It's a single date or double date?)

"Saan gusto mong pumunta?" Napanguso ako sa tinanong ni Mj.

Kasasakay ko palang sa sasakyan niya. Tulad ng sinabi niya may date nga kami ngayon.

Wala akong idea. Sa sobrang daming problema na hinarap namin nakalimutan na naming lumabas ng kami lang dalawa.

"Kahit saan" maikli kong sagot. Pinaandar niya na yung sasakyan niya.

"Nagugutom kana ba?" Tanong niya.

Umiling ako kasi kakakain ko lang din naman.

Ngumiti siya sakin tapos tumutok na siya sa pagdadrive.

Napatingin ako sa labas ng bintana nang lumiko siya palabas sa lugar namin. Magtatanong sana ako naunahan niya ako magsalita.

"Pakuha naman nung Cellphone ko sa bulsa" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

Anong bulsa? Wag niyang sabihing?

"Ayoko" mabilis kong sagot bago pa pumunta sa iba yung isip ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Dali na, may tatawagan lang ako" pagpumilit niya.

Umiling ako "Ayoko, ikaw nalang" sagot ko.

"Paano ko makukuha e nagda-drive ako" umiling pa rin ako.

Whaaaa! Baka iba yung mahawakan ko.

Napapay-pay ako sa sarili ko habang nakatalikod sa kanya.

Bakit lalo atang uminit?

Narinig ko yung tawa niya kaya napatingin ako sa kanya "Bakit ka tumatawa?" Tanong ko.

Humarap siya saglit sakin tapos tumawa na naman "Iba nasa isip mo noh? Wag kang mag-alala hindi naman to nangangagat pag nahawakan e" at humalagpak siya ng tawa.

Napatakip ako sa mukha ko at humarap sa bintana. Rinig ko parin yung tawa niya.

Whaaaa! Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha... Lalong umiinit yung pakiramdam ko.

Naramdaman ko yung hawak niya sa balikat ko.

"Humarap ka nga sakin" sabi niya pero nanatili parin ako sa posisyon ko.

"Ayoko, pagtatawanan mo ako" sabi ko.

"Hindi na kita pagtatawanan. Uy, Dali na" pagpupumilit niya. Tinanggal ko na yung kamay ko sa mukha at inayos yung itsura ko bago humarap sa kanya.

Nagkatinginan kami.

Bakit parang ang halay halay ko sa kanya tapos siya tumatawa lang.

"Humarap ka nga sa kalsada baka mabangga tayo" utos ko.

Nginitian niya muna ako bago humarap sa kalsada.

"Pero totoo pakuha nung Cellphone ko" sabi niya.

Nagcross-arm ako "Nasaan ba?" Tanong ko.

Tumawa muna siya tapos humarap saglit sakin "Nasa bulsa nga" inirapan ko siya tapos tumalikod sa kanya.

Nang-aasar nanaman siya.

Narinig ko yung pagtigil ng tawa niya "Nasa bulsa kasi ng bag ko sa backseat" napaharap ako sa sinabi niya. Nakatingin pala siya sakin.

"Bakit kasi hindi mo sinabi agad" sabi ko.

Tinanggal ko yung seatbelt ko at umikot para abutin sana yung bag kaso pinigilan niya ako.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon