Chapter 36

8 2 0
                                    


Kumamot siya sa batok niya tapos yumuko.

"Hahaha! nahihiya ka nga, Lah bakit naman?" Tanong ko ulit.

"Wag ka maingay baka asarin ako ni Denver" saway niya saken "Akala ko kasi hindi mo kukunin" dagdag niya.

Pero imbes na tumahimik lalo akong natawa.

HAHAHAHA SI MJ NAHIHIYA?

"Tol bakit namumula ka? Kumain kab—"

Hindi na natapos ni Mavy yung sinasabi niya kasi natawa naren siya tulad ko.

"Hahaha tangna Jay nagba-blush ka! HAHAHA" tanong sa kanya ni Mavy.

Napahinto ako sa pagtawa ng tumayo siya tapos naglakad paalis.

Nagtinginan kami ni Mavy.

"Hala nagalet" sabi ko kay Mavy.

Umiling siya saken "Sundan mo hindi yun galet" sabi niya tapos lumipat ng pwesto.

Inilapag ko yung bag ko tapos tumakbo para maabutan si Mj.

"Hoy galet ka?" Tanong ko ng maabutan ko siya.

Huminto na siya kaya huminto narin ako.

Humawak ako sa tuhod ko.

Kapagod ah.

"Bakit mo ako sinundan?" Tanong niya.

Tumayo na ako tapos hinarap siya.

"E kasi baka nagalet ka—kasi pinagtawanan kita kanina" mahina kong sagot.

Umiling siya "Hindi ah. hindi ako magagalit sayo" sagot niya.

"Weh? Bakit lumabas ka kung hindi ka galet?" Tanong ko ulit.

"Baka kasi makita ako ng iba na nagba-blush dahil sayo—baka lalo pa nila akong asarin" napapigil ako sa pagtawa sa sinabi niya.

Hahahaha nagblush nga..

"Itoo naman..HAHAHA" hindi ko na napigilan sarili ko na matawa sa harapan niya.

Eh kasi naman first time ko na may napakilig na lalaki tapos si Mj pa? HAHAHAHA E natawa ako e pake mo ba!

Tumalikod siya saken tapos umupo sa unang step sa hagdan.

Sumunod ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Wag mo nga akong pagtawanan" saway niya saken tapos pinantukod niya yung dalawa niyang kamay at tumingala sa langit.

Ginaya ko siya.

Ang dalim na pala.

"Alam mo ba"panimula niya.

Tinignan ko siya saglet "Ang alin?"tanong ko bago tumingin ulit sa langit.

"Na first time kong nagawa to" napakunot yung noo ko sa sinabi niya. "First time lumakas yung loob ko na umamin sa taong gusto ko" Para akong nabingi sa tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Hindi ko alam yung sasabihin ko kaya tinignan ko nalang siya.

Bakit parang ibang Mj yung kasama ko?

"Alam mo ba na hindi pa ako sigurado kung aamin ba ako sayo o hindi?" Natawa pa siya ng mahina "Kasi pakiramdam ko hindi mo ako papayagan na manligaw sayo— tapos dumagdag pa yung kaibigan niyong biker" nanlaki yung mata ko sa huli niyang sinabi.

"Si Jasscell!? Hahaha kaibigan ko lang siya" paliwanag ko.

Tumingin siya saglit saken "Alam ko—pero pakiramdam ko kasi aagawin ka niya saken" Tumingin ako sa langit pagyare niyang sabihin yun.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon