Maegan's POV
Kinabukasan..
Pagpasok sa room dumiretso na ako pag-upo sa upuan ko.
Hindi ko na sila binati kasi hindi naman nila ako napansin.
"Good morning everyone!" bati ni Zai. Kasunod ko lang siyang pumasok.
Nakipag-apir muna siya samin bago umupo.
Dahil wala pa kaming teacher humarap muna ako sa kanila.
"Tuloy tayo mamaya?" Tanong ni Reyna.
"Oo.. sinabihan ko narin yung iba" sagot ni Mj.
Napakunot yung noo ko hindi ko alam yung pinag-uusapan nila.
Wala ba silang balak sabihin yun sakin? Hindi naman nakakapagtampo pero parang ganun na nga. :-(
Humarap nalang ako board.
Sakto namang nakatingin sakin si Juliana.
"Uy.. Anong mukha yan?" Tanong niya.
"Mukha parin pero.. grabe sila ah nakakapagtampo na" sabay turo sa gilid ko.
"Ahh. Yaan mo na. Puntahan nalang natin si Trisha mamaya? Nasa court daw siya eh" tumango ako .
"Nakalabas na siya? okay na yung paa niya?" Taka kong tanong.
Parang ang bilis naman kasi.
Umiling siya "Alam mo naman yun hobby na tumakas sa Hospital.. yun nga tuwang tuwa siya na-move kasi ng two weeks yung opening league"
"Nice! Edi masaya.. for sure makakalaro na siya" sabi ko.
Tumango siya.
Hindi na kami nakapag-usap kasi dumating na yung Teacher namin.
Discuss
Discuss
Activity
Napakunot yung noo ko ng may tumama sa gilid ko.
Napatingin ako sa sahig.
Nakalukot na papel.
Pinulot ko yun at tumingin sa pinanggalingan ng papel.
Nag peace sign sakin si Denver.
"Pabigay kay Mj" sabi niya ng walang boses. Inulit niya pa yun at tinuro si Mj.
Inirapan ko siya bago kinalabit si Mj.
Pagharap niya iniabot ko nalang yung papel at tinuro si Denver.
Hindi ko na sila pinansin.
Bumalik na ako sa pagsasagot.
•
•
•
Sabay kami ni Michelle na nagpasa ng papel.
"Uy nasa court daw mamaya si Trisha.. Puntahan natin?" Tumingin ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Ficção AdolescenteBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)