Chapter 18

10 4 0
                                    

Maegan's POV

Dumaasdus ako paupo sa upuan ko.

Bakit parang ako lang yung nakikita ni Sir? Kahit na Tagalog yung lesson bakit ang hirap sagutin, ang hirap magpaliwanag gamit yung malalalim na salita.

Tumayo na yung mga kaklase namin at isa isa ng lumabas.

Recess na namin tapos Spec. Time! Pupunta na kami sa kanya kanyang Club.

"Tara kunin na natin yung susi kay Jasscel" aya ni Zaira.

Inayos muna namin yung gamit namin tapos sumunod kami sa kanya.

Pumunta kami sa field.

Hindi na sumama si Reyna pati Juliana pupunta na daw sila sa kanya kanya nilang Club. Si Michelle naman pinatawag ni Dean.

Si Ysabelo tsaka Denver nagpresinta na sila yung bibili ng kakainin namin.

Kaya apat kaming natira Ako, Zaira, Mj pati si Mavy.

Paghinto namin sa field... huminto muna kami sa bakal na harang at hinanap namin si Jasscel. Hindi ko siya makita kasi halos lahat ng nagba-bike nakahelmet tsaka Shades.

"Uy dali ang init" reklamo ko.

Medyo mainit yung napwestuhan namin 'di tulad sa gate nitong field may puno na masisilungan.

"Diko nga siya makita eh" sabi ni Zaira habang tinitignan yung mga nagbabike paikot.

"Isigaw mo nalang yung pangalan niya, kung sino yung huminto.. siya na yun" Tumingin ako kay Mavy.

Taba ng utak ah.

"Nakakahiya kaya" napataas kilay ko sa sinagot ni Zaira sa kanya.

Meron pala siya nun? Hahaha kala ko kasi wala eh.

Humarap siya samin "Ang daming tao." Sabi niya sabay tingin sa paligid "Jasscel!" Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.

Tumingin ako sa mga bikers.

Nanlaki mata ko ng nagpepedal na sila papunta sa pwesto namin.

"Gage ka Zai" sabay siko sa kanya.

"Sabi ni Mavy sumigaw ako eh" sabi niya sabay harap na sa harapan namin.

Nagulat pa siya ng makita niya si Jasscel sa harap namin kasama yung mga bikers sa likod nito.

"Uy Maegan.. Zai kukunin niyo na yung susi?" Tanong niya.

Tumango kami kaagad.

Syempre yun naman talaga yung pakay namin eh.

"Oo.. Sa kanya yun eh" tinuro pa ni Zaira si Mavy.

"Sige antayin niyo ako... lalabas lang ako" kinausap niya muna yung mga kasama niya tapos nagpedal siya papalabas ng Field.

Kumaway siya samin.

"Tignan mo to, Pinahirapan pa tayo" bulong ni Zaira at sumunod kami kay Jasscel.

"Bro diba iinvite mo sila?" Tumingin ako kay Mj.

"Oo nga pala. Sama kayo sa sabado ah" huminto kami sa tapat ng locker room ng bikers.

"Saan?" Tanong ko.

"Birthday ng kapatid niya" sagot ni Mj.

Eh? Hindi ba nakakahiya yun? Hindi naman kami kilala.

"Lah? Nakakahiya naman 'Di naman kami kilala ng kapatid mo" tumango ako sa sinabi ni Zaira.

"Kaya nga. Nakakahiya" dagdag ko.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon