Maegan's POV
"Woy, Bakit hindi pa kayo nagsisimula?" Tanong ko kila Juliana.
Kapapasok ko lang sa Art room at andaming tao sa labas.
Sila na yung mag aaudition.
"Kadarating lang din po ni Ate Juliana, Ate Maegan" napatingin ako kay Juliana.
Hala! kala ko kaya hindi siya sumama samin sa canteen kanina kasi pupunta siya dito?
Tsk tsk saan naman kaya to galing..
Tinignan ko si Juliana.. nakaupo siya sa harap ng mini stage at mukhang malalim ang iniisip.
Ano kaya iniisip nito?
Hindi ko na siya pinansin. Humarap ako sa mga kasama namin.
"Officer's Ready na! Magsisimula na tayo" sigaw ko.
Umupo na ako at nagsimula na magInterview.
••••
Pagod na sumandal ako sa upuan hindi pa kami tapos pero 4:00 pm na ng hapon..
"Madami pa ba sa labas?" Tanong ko sa mga kasama ko.
Pari-parihas na kaming mga haggard.
"Marami pa.. pagod na kami" reklamo ng iba.
"Sige bukas nalang. Juliana, pasabi naman sa kanila bukas nalang ulit tayo mag eenterview" tumingin ako kay Juliana nang hindi siya sumagot.
Nakatulala parin bes.
Tinapik ko siya sa balikat "Hoy! okay kalang!?" Tanong ko at medyo nilaksan yung boses ko.
Mukhang hindi niya naman ako naririnig.
Tumingin siya sakin "Ha?" Sagot niya.
Wala lutang si Ateng..
"Sabi ko.. sabihin mo sa mga tao sa labas bukas nalang ulit tayo mag iinterview" ulit ko.
Wala sa sariling tumayo siya at dumiretso sa labas.
Ano kaya nangyayari dun?
Umiling ako... kinuha ko yung cellphone ko para itext sila Reyna na tapos na ako.
Tinago ko yung cellphone at humarap sa mga kasama ko "Guys, kayo na bahala dito, mauuna na ko.. ingat kayo" paalam ko bago lumabas.
"Ay! Kambing na mukhang kabayo. Jusko! papatayin mo ba ako?" Tanong ko sa lalaki na bumulaga pagbukas ko sa pinto ng art room.
"Kanina pa kita inaantay dito magtathank you lang ako sa ginawa niyo kanina sa canteen" sagot niya.
Isa siya sa mga lalaki kanina.
Siya yung Guy na nginitian ko sa Canteen. Parang uminit tuloy yung mukha ko dahil ang lapit niya sakin.
"Ngii.. Wala naman ako ginawa dun dapat kay Trisha ka magthank you, hindi sakin"paliwanag ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/168660909-288-k216775.jpg)
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)