Chapter 46

9 2 0
                                    


"Umamin ako kay Johnrick" mahina niyang sabi.

Napakunot yung noo ko.

"Umamin na?"Tanong ko.

"Ha?" Tanong naman ni Reyna.

"Nang?" Tanong ni Zaira

Huminga siya ng malalim at tumingin samin "Sinabi nang wala munang magsa-side comment ay, pero di niyo kasi maintindihan." naguguluhan niyang sabi.

"Lalong hindi namin maintindihan kung hindi mo sasabihin. Ano ba yun?" Tanong ni Michelle.

"Kaya nga. Inopen mo na yung topic na to kaya panindigan mo"pagtataray ko.

Kumuha siya ng unan tapos pinatong yun sa hita niya.

"May gusto ako sa kanya" mabilis niyang sabi.

Loading..

Loading..

Loading..

Loa— What the hell!

"Huwat!!! May gusto ka kay Johnrick!?" Gulat na tanong ni Reyna.

"Ohmygod!! Loading pa yung isip k, Wait!" Reaction naman ni Zaira.

"Seriously?" Tanong ko.

Hindi ako makapaniwala. Obvious naman sa reaction ko diba?

"Anong sabi ni Johnrick? Anong reaction niya? Nagalit ba o ano?" Sunod-sunod na tanong ni Michelle.

Pinay-payan ko yung sarili ko.

Nagiging Hot na yung topic namin. Kasing Hot ko ganun :-) Char lang.

Tinignan ko si Trisha. Nakapoker-face lang siya.

"Ewan? Nag-sorry lang siya sakin tapos nag-walkout" sagot niya.

"Tsk..tsk isa lang ibigsabihin niyan" singit ni Zaira.

"Ano?" Tanong ni Reyna.

"Hindi kayo parehas ng nararamdaman, In short WALA SIYANG GUSTO SAYO!" Seryosong dagdag ni Zaira.

Sakit! Real talk mga besh!

Binatukan siya ni Michelle.

"Hinay-hinay sa pagsasalita, kaibigan natin tong nire-realtalk mo" saway sa kanya.

"Alam ko" sagot ni Zaira.

Bumuntong hininga si Trisha "Okay lang, kasi alam ko naman na iba yung gusto niya.. si Juliana" aniya.

Totoo ba to? Grabeeeee!

"Hindi ko na kery.. Si Johnrick may gusto kay Juliana?! Tama na muna guys— mahihimatay na ata ako" umarte pa si Michelle na inaatake sa puso.

Pati ako hindi ko na ata kery.

"Ay basta. Hindi na tuloy ako nakapag paliwanag dahil sa reaction niyo. Back to Maegan and Mj na nga tayo" sabi niya tapos tinuro pa ako.

"God! Hindi ko ki-nery yung revelation mo ah" sabi sa kanya ni Michelle bago tumingin sakin "Basta susunduin ko nalang kayo mamaya, sabay sabay tayong pupunta sa venue" sabi niya.

Nagtaas ng kamay si Reyna "Hindi ako makakasabay sa inyo." Aniya.

"Wag niyong sasabihin kay Juliana ah. Sige una na ako" sabi ni Trisha bago lumabas.

"Sabay na ako!" Sigaw ni Michelle. "Babye na" bumeso muna siya samin bago lumakad paalis.

Tatlo nalang kaming naiwan. Ako si Zaira at Reyna. Humiga ako sa tabi ni Reyna. Si Zaira naman tumayo at pumwesto sa computer niya.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon