Chapter 26

13 4 0
                                    


Nakailang ikot na kami sa ilang boutiques wala pading nagugustuhan si ate at Michelle.

Dahil usapang shopping to.. kaya nagkasundo silang dalawa.

Ilang oras na kami dito pero wala parin silang nagugustuhan.

Gusto kasi ni ate pari-parihas kami ng kulay ng long dress pero iba iba yung design. Ang dami na naming dalang paper bag.. puro makeup, Heels tapos yung iba diko na alam.

"Ate Jona nagtext si tita Mara may bagong dating na long dress daw sa boutique niya. Ano goraa us?" Tanong ni Juliana.

Napakunot yung noo ko sa reaction nila ni Michelle. Tumalon-talon pa sila tapos biglang nag-apir.

"Let's go na!!" Sigaw ni ate tapos hinatak si Michelle papalabas.

Napahinto kaming apat.

"Anong problema ng dalawang yun?" Tanong ni Reyna.

"Nagkasundo e, tara na" naglakad na kami.

As asual nasa sasakyan parin kami nila Zaira sumakay papunta sa boutique ng tita ni Juliana.

Akala ko magiging awkward kami habang namimili ng dress. Akala ko ganun parin sila tulad kahapon.. pero puro akala lang pala yun kasi, Pinansin na nila ako. Hehehe syempre masaya ako.

Pagdating namin sa boutique nauna nang pumasok yung dalawa sabay pa nilang hinatak si Juliana.

Binati muna namin yung tita ni Juliana bago umupo sa sofa sa gilid.

Si ate at Michelle yung nakipag-usap kay tita Mara para sa susuotin namin. Tahimik lang ako nakatingin sa kanila.

Maya maya lang may nilabas na yung assistant ni tita Mara na puro Cream color na dress.

"Girls tayo na kayo dalii!" Excited na sabi ni ate. Wala kaming nagawa kundi tumayo.

Pinapila niya pa kami sa harapan niya.

Kunti nalang tong si ate sakin.. bibinggo na siya, ginawa na nga kaming sunod sunuran sa kanya.. Ngayon balak pa ata kaming gawing manikin.

"Grabe talaga si ate jona Hahaha!" umiiling na sabi ni Zai habang nakatingin kay ate na namimili ng dress para kay Michelle.

"Okay na yan Atleast hindi tayo mahihirapan mamili ng susuotin" singit ni Juliana.

"Anong okay? Naiirita na ako sa bunganga, ang ingay ingay" sabi ko sa kanya. Binatukan ako ni Zaira.

"So, naiirita ka din pala sakin pag maingay ako?" Tanong niya.

Tumawa ako tapos umiling "Hindi, natatawa pa nga ako" sagot ko.

"GIRLS TUMAYO LANG KAYO!" Napatingin ako kay ate.

Sigawan ba naman kami.

Wala parin kaming nagawa kundi tumayo.. lumapit siya samin tapos isa isa kaming binigyan ng dress.

Pari-parihas kaming may slit sa left legs.

Tinignan ko yung akin. Long sleeve na offshoulder siya tapos backless siya sa likod.

Tinignan ko din yung sa iba. Backless din yun sa kanila pero yung kay Zaira style tube.. kay reyna naman strap tapos tinatali sa leeg, Kay Michelle long sleeve din kaso yung isang balikat lang hahaha basta diko alam yung tawag e.. di kasi ako mahilig magshopping. Tinignan ko kay Juliana. Patube din kaso may parang strap sa kabilang balikat.

"Sukat niyo na dali! pupunta pa tayong Salon " Dahil dakilang sunod sunuran niya muna kami pumasok na agad kami sa fitting room.

Sinuot ko na yung damit. Jusmee! hindi ba ako magkaka-kabag sa style na suot ko?

Tumingin muna ako sa salamin bago lumabas.

Tinignan ko si ate.

May hawak din siyang dress.

"Wag mong sabihing sayo yan?" Tanong ko sa kanya.

Inirapan niya ako tapos iniladlad yung dress tulad ng design na akin kaso yun paV-neck yung style.

"Hindi noh! Ibibigay ko kay Trisha. Ohmygeee! Ang gaganda niyo! Gosh, wait.. wait! picturan ko muna kayo!" Sigaw niya tapos tinulak niya kami para mag compress.

Nag-isang picture kami tapos nagpalit na ulit na damit namin. Binayaran na namin yung damit tapos nagpaalam sa tita ni Juliana na aalis na.

Bumalik ulit kami sa Mall para kumain pagyari nun pupunta na kami sa Salon.

"So, Girls? Kwentuhan niyo naman ako about sa boys niyo?" Sabi ni ate habang umiinom ng juice. Tapos na kami kumain.

"Anong boys namin? Kalerke ka ate jona ah" sagot sa kaniya ni Michelle.

"Pero totoo? Kasi si Reyna nakita ko na yung boy niya. Si Maegan naman.. i know crush niya si Mj, e kayong tatlo wala? Nga-ngabels parin?" Tanong niya kay Michelle, Zaira pati Juliana.

Yumuko ako sa sinabi niya.. Kelan ba siya malolowbat? Kanina pa siya hyper.

Dahil sa tanong ni Ate nagsimula na sila magkwentuhan tungkol sakin. Galing diba? Parang wala akong pinagke-kwentuhan nila.

Tssk.

Pagyari ng 19338272 years. Nag-aya na si ate pumuntang Salon. Magpapagupit daw siya.

Sumunod kami sa kanya. Suki na pala siya dito.

Pagyari niya magpagupit nag aya na silang umuwi.

"Hihintayin ko kayo sa Condo ko ah, walang mala-late. Sige na Babush! See'ya mamaya" nakipag-beso muna siya tapos nagpaalam na kami.

Hinatid na kami ni Zaira sa bahay, nagpaalam na kami ni ate at nag thank you bago lumabas at pumasok sa bahay.

"Ma?" Gulat na sabi namin ni ate ng makita namin si Mommy sa sofa. Lumapit kami sa kanya ni ate at kumiss.

Nanunuod ng drama.

"Sabi ni Manang umalis daw kayo.. saan kayo pumunta?" Tanong niya.

"Sinamahan ko po sa Mall si Maegan. Mom.. Ang aga niyo po ata, si dad?" Tanong ni Ate. Tinignan ko yung oras. 4:35 na 6:30 yung start ng party.

Napatingin ako kay Mommy ng biglang mag-iba yung Aura niya.

Pinatay niya yung T.V at humarap samin.

"Tumawag kanina yung tita niyo sa probinsya, naaksidente daw si Uncle Samuel niyo" nakatitig lang ako sa kanya "Pumunta si Daddy niy—"

"Hindi ba tayo susunod Mom?" Tanong ni Ate. Umiiyak na siya.

Close nga pala ni Uncle Samuel.

"Sabi ni Daddy mo mag-antay lang tayo ng tawag niya.." sagot ni Mommy. Naiyak narin siya tulad ni Ate.

"Mom, Aalis po kasi kami ni Maegan" nag aalangan na sabi ni Ate.

Hinawakan ni Mommy yung kamay namin.

"Wag niyo ako isipin, Okay? Andito sila Manang.. sige na" kiniss ulit namin siya tapos pumunta sa kanya kanya naming kwarto.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon