( Saturday )
Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga tao sa harapan ko. Kasama ko lahat nang girls dito sa loob ng kwarto ni Zaira.
Kinakabahan ako sa sasabihin ko.
"Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong sakin ni Michelle.
"Kasi—" Huminto ako tapos kumamot sa baba ko.
"Pabitin pa talaga" ani ni Trisha.
"Dalian mo na" singit ni Zaira.
Huminga ako ng malalim tapos tumingin sa kanila.
"Gusto ko na kasing sagutin si Mj" mahina kong sabi.
Napakunot yung noo nila.
Bakit ganyan yung reaction nila?
"Lakasan mo kaya! Hindi ko marinig" masungit na sabi ni Reyna.
"Gusto ko nang sagutin si Mj" pag-ulit ko tapos tinakpan yung tenga ko. Pero hindi sapat yun para hindi marinig yung tili nila.
Ang masama pa doon naghampasan pa sila ng unan.
"Whaaaaaaa!!!! Dalaga na si Maegan!!!!" Sigaw ni Zaira.
"Whooooo!!!! Libreee na yan! Libre na yan!" Sigaw naman ni Trisha.
Napailing ako habang pinapanuod yung kabaliwang ginagawa nila. Yung totoo sila ba yung sasagot kay Mj? Bakit parang sila pa yung kinikilig.
Huminga si Reyna nang malalim tapos tumayo sa kama ni Zaira at tinignan kami isa-isa.
"Relax guys! Wait lang" sabi niya tapos hinatak ako paupo sa gitna nila.
"Kailangan natin pag-planuhang mabuti yung pagsagot mo sa kanya" dagdag ni Zaira.
Tong babae'ng to parang walang problema.
Tumakbo siya tapos kumuha ng notebook at ballpen tapos umupo ulit sa gilid ko.
Si Juliana at Michelle naman dumapa paharap sakin.
"Gusto ko yan! Kelan mo ba balak bakla?" Tanong ni Michelle.
Lumunok muna ako bago sumagot "Mamaya sana" itinaas ko yung kamay ko para patigilin sila sa akmang pag-tili nila.
Tumingin ako kay Reyna na nagpipigil ng kilig "Diba may laban kayo mamaya? Balak ko sana pag nanalo kayo doon ko siya sasagutin" paliwanag ko.
"Nge? Paano pag hindi kami nanalo?" Tanong niya. Nag-iba yun itsura nilang lahat.
"Kaya nga. Busted si Mj ganun?" Tanong naman ni Juliana.
Kaagad akong Umiling "Hindi. Sasagutin ko parin siya syempre" sagot ko.
Pumalakpak si Trisha "Galing ng timing ah wala kaming schedule ng laro ngayon HAHAHA" singit niya.
"balak ko pa namang hindi manuod mamaya" sabi ni Zaira kaya nakatangap siya ng batok mula kay Reyna.
"Aba! Kaya pala umaarte ka na masakit yung puson kasi wala kang balak na manuod" sabi sa kanya ni Reyna.
"Eh kasi naman baka makakuha nanaman ako ng picture tsaka wag ka nga'ng ano dyan! Manunuod naman na ako" sagot ni Zaira.
"Hay nako! Paano set up natin?" Pag-iiba ni Michelle.
Tinignan ko sila "Kayo bahala. Basta sasagutin ko si Mj, okay na sakin" nakangiti kong sabi sa kanila.
Tumikhim si Trisha "Ang corny talaga pagnai-inlove no?" Tanong niya sa mga kasama namin.
"Sus! Porke wala lang nagkakagusto sayo e" pagpaprangka ni Michelle sa kanya.
"Ha! Yan ang akala niyo! Hello! May nagpadala kaya sakin ng flowers nung last game ko"sagot niya.
Napaisip ako bigla. Kelan ba last game nito? Teka! Kahapon yung huli niyang laro.
Pinaningkitan ko siya ng mata "Kahapon? Diba kahapon yung huli mong laro?" Paninigurado ko.
Ngumiti siya at tumango "Oo nga" sagot niya.
"Baka naman fan mo lang" sabi ni Juliana.
Umiling siya "Nope. May letter na kasama at may initial pa ng nagbigay. Teka nga! Bakit napunta sakin yung topic!" Sigaw niya samin kaya natawa kami.
Dragon talaga.
Nagtaas ng kamay si Zaira "Ako bahala sa pagvi-video " sabi niya.
Tumango kaming lahat.
Huminga ako ng malalim "Ayoko na sana nang maraming kaek-ekan guys" sabi ko sa kanila.
"Edi ganto nalang, pagyare i-announce yung nanalo pagkababa na pagkababa ni Mj sa hagdan bigyan mo siya ng papel na may sulat ng YES" Sabi ni Juliana.
"Pwede..pwede, tapos pagtinanong niya kung anong ibigsabihin nun mag-speech ka." Dagdag ni Michelle.
"Pero syempre habang nagi-speech ka, kakanta ako" dagdag din ni Reyna.
"Nice. Wag niyo sabihin sa boys para ma-surprise din sila" singit ni Trisha.
"Oo nga." Sabi ni Zaira bago tumingin sakin "Kery boom naba yun sayo?" Tanong niya sakin.
Bahala na basta maka-OO ako sa kanya Okay na para sakin yun.
Tumango ako "Yeah. Kinakabahan na ako" sabi ko sa kanila.
Natawa naman sila sakin "OA naman nito. Basta mag paganda ka nalang mamaya tapos yung sasabihin mo ihanda mo na" sabi ni Michelle.
Tumayo si Juliana "Guys uwi muna ako, Nagtext si Mommy." pinakita niya muna yung message ni Mommy niya bago naglakad paalis "Text niyo nalang ako kung saan magkikita-kita" sigaw niya at tuluyang umalis.
"Excited na ako!" Sabi ni Zaira.
"Hahaha. Mag dasal ka na sana hindi makatunog yung stalker mo" singit ni Michelle kaya napahinto siya.
"Sana nga. Nakoo pag nakilala ko lang siya—hayst! Hindi ko alam kung ano yung magagawa ko" seryoso niyang sabi.
"Malay mo isa pala samin yun, ano gagawin mo?" Tanong sa kanya ni Reyna.
"Wala.. tsaka may tiwala ako sa inyo at mahal ko kayo" sabi niya.
"Pero mas mahal mo si Denver" mabilis kong sabi tapos yinakap siya.
"Oo—Ano!" Sigaw niya ng ma-realize niya yung pag-OO niya.
Nagtinginan kami "Hahaha ikaw ha! Mahal mo si Denver" asar ni Michelle.
Hinampas niya yung mga kamay namin "Sira hindi! Hindi ko lang narinig yung sinabi ni Maegan kala ko sabi niya MAHAL KO KAYO" may diin niyang sabi.
Umiling ako tapos tumawa "Yieee! wag kana mahiya, Umamin kana" asar ni Reyna.
"Wala nga akong gusto dun! Walaaaaa!" Sigaw niya kaya nagtawanan kami.
"Sussss!" Napatigil ako ng mapansin ko si Trisha na tahimik.
Kaya pati yung mga girls napatingin din sa kanya.
Takang tumingin siya samin "Anong tingin yan?" Tanong niya.
Nagcross arm ako "Bakit tulaley ka?" Tanong ko.
"Ano Mamshie bigat lang ng problema?" Dagdag ni Zaira.
Umiling siya at nag-iwas ng tingin.
"Susss ano nga!" Pagpu-pumilit ni Reyna sa kanya.
"Sa amin ka patalaga naglihim"sabi ko sa kanya.
"Kaya nga..." dagdag ni Michelle.
"Ka— Wala munang side comments, pabayaan niyo muna akong magpaliwanag." Seryoso niyang sabi.
••••
A/N: Ang pakulo nanaman kaya tong sasabihin ni Trisha?
Pabitin pa eh.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)