Maegan's POVSabado na bukas. Inaantay namin si Trisha kasi pupunta na kami sa Mall para mamimili ng gagamitin sa paggawa ng cupcake.
Tulad ng dati by partner ulit yung sakay namin. Bale tatlo nalang kaming nasa labas ng sasakyan.. ako si Mj pati si Mavy yung iba nasa loob na pero mga nakasilip pa sa mga bintana ng sasakyan.
"Wala p— Oh ayun na, Hala! tulungan niyo!" Sigaw ni Zaira nang makita si Trisha akay ng ibang teammates niya.
Agad na tumakbo si Mj pati si Mavy para umalalay. Samantala yung mga nasa sasakyan nagsibabaan ng makita si Trisha na paika ika maglakad.
"Gia anong nangyari?" Tanong ko sa isa niyang teammates.
Inalalayan nilang paupuin sa kotse ni Mav si Trisha. Yung iba binigyan pa siya ng tubig at pinaypayan.
"Mali ng bagsak. Sabi pala ni Coach wag muna masyadong palakarin" sabi niya.
"Thank you ah" tapik ko sa balikat niya bago siya magpaalam kay trisha at umalis.
"Okay kalang?" Tanong ni Mavy sa kanya.
Tumango si Trisha "Malayo sa bituka" sinabayan namin siya ng mga girls.
Sagot niya yan pag nasusugatan at nababalian siya. Malayo daw sa bituka kahit na malala na yung nangyari sa kanya.
Malakas loob niya yun yung pagkakakilala namin sa kanya.
"Hatid na kita sa inyo?" Tanong ni Mavy sa kanya
"Oo nga, kami nalang yung aalis. Pahatid ka nalang kay Mavy sa inyo" sabi sa kanya ni Zaira.
"Titext ko si Tita.. pahatid kana kay Mavy" sabi din ni Michelle sa kanya.
Umiling siya "Sasama ako, Tara na. Kaya ko naman eh" aya niya at umayos ng upo.
Yan yung ayaw namin sa kanya matigas ang ulo.. kung ano yung sinabi niya kaylangan yun yung masunod.
"Ano, Okay lang ba yan?" Tanong ni Mj samin tinuro niya pa si Trisha.
"Hindi natin mapipigilan yan, Matigas ang ulo" sagot ko sakanya.
"Andyan naman si Mavy eh para alalayan si Trisha.. diba?" Sabay tapik ni Denver sa balikat ni Mavy. Tinignan ni Mavy si Denver.
"Tara na. Wag nalang tayo magtatagal baka kasi masubrahan sa lakad, Mamaga" sabi ni Juliana at nauna pa sa Kotse ni Johnrick.
Kasama namin siya ngayon kasi naharang namin kahapon, tapos sinabi namin na napapansin na ni Trisha na lagi siyang wala. Hindi na siyang tumanggi nung ayain namin na sumama siya ngayon.
Takot niya lang mahuli..
Sumakay na kami sa kanya kanya naming sasakyan.
Tulad ng dati sa kotse ako ng Mj sumakay.
•••••
Pagdating sa mall namili kaagad kami ng kailangan.. at symepre hindi mawawala yung kasatan ng dalawa sinamahan pa ni Johnrick,Ysabelo at Razz kaya medyo natagalan kami. Si Mavy naman todo alalay kay Trisha. Si Michelle nagpasama kay Reyna pati Juliana sa Make up store. Kaya kami ni Mj ang taga tulak ng Cart na mga nabili namin.
Hirap ng may mga ganitong kaibigan.. lagi kaming kawawa.
••••
Hinatid na kami ng mga boys sa kanya kanya naming bahay. Nasa kotse lahat ni Mj yung pinabili namin dahil sa bahay kami magluluto.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)