Maegan's POV
Pagyari magrecess at yung mahaba haba namin kwentuhan pumunta na kami sa Art Room.
Pagpasok namin pumunta na kami sa kanya kanya naming ginagawa.
Chineck ko yung mga gawa ng Junior.
Kino-correct ko narin yung mali nila.
"Ate Meg nakuha niyo na po yung pera kay Dean?" Napahinto ako sa ginagawa ko.
Oo nga pala.
"Shems! Oo nga pala! Tin pwedeng ikaw nalang yung kumuha ng pera? nasimulan ko na kasi to eh" sabay turo sa pag-aayos ng ginagawa ng isang junior.
Tumango muna siya bago lumabas.
"Wala si Ysabelo?" Tumingin ako kay Juliana. Siya yung nagche-check ng attendance naming lahat.
Tinignan ko lahat.
Wala nga si Ysabelo.. kasama niya kanina yung boys ah.
"Baka may pinuntahan, diba kasama niya yung mga boys kanina" sagot ko. Tumango nalang siya tapos nagsimula ulit sa ginagawa.
Nagsimula narin ako sa ginagawa ko.
Buong spec. Nagcheck lang ako ng mga paint ng mga junior.
Sabay ulit kaming pumasok ni Juliana sa next class namin.
Andun na silang lahat.
Tulad kanina nag uusap ulit sila.
Nakakapagtampo na hindi nila kami sinasama ni Juliana.
Dumiretso nalang ako sa upuan ko at nag-antay ng next teacher namin.
Tahimik lang ako buong klase kasi hindi naman nila ako inoorient sa pinag-uusapan nila.
Hello kaibigan kaya nila ako..
Kinikilig pa paminsan minsan yung girls.
••
•
"Class P.E tayo tomorrow kaya magdala kayo ng P.E uniform. That's all.. good day class" dumukdok muna ako sa desk ko.
Thursday palang ngayon pero tinatamad na ako pumasok.
"Meg tara na" napaangat ako ng tingin.
Si Juliana.
Tumingin ako sa upuan ng mga kasama namin.
Wala na sila.
"Umalis na may gagawin daw sila" tumango nalang ako.
Inayos ko muna yung gamit ko bago kami naglakad papalabas.
"Kanina pa yung mga yun ah.. hindi nila tayo sinasama" nagtatampong sabi ko.
Binatukan niya ako "Baliw, nagpapaalam naman sila ah. Nagtatampo kapa dyan" inirapan ko nalang siya.
Pagdating namin sa parking lot andun na yun sundo niya kaya pinauna ko na siya.
Nagtext ako sa bahay na magpapasundo kaya nag antay muna ako ng ilang oras.
"Meg" napatalon pa ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko.
Si Jasscell.
"Magugulatin ka pala" sabay tawa niya.
"Hindi ah. Nagulat lang ako sayo" sagot ko.
"Uuwi kana? 'Di mo ata kasama mga kaibigan mo?" Tanong niya.

BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)