Chapter 44

12 3 3
                                    


"Anong nangyare?" Tanong ko.

Unti unti siyang tumingin kasabay nang pag-abot ng box niya samin at yung pagtulo ng luha niya.

"Anong nangyare?" Lumingon ako kay Reyna na kadarating lang. kaagad niyang niyakap si Zaira na umiiyak.

"Natatakot na ako. Hindi na ako natutuwa sa mga picture at sulat na pinapadala niya" nanginginig na boses niyang sabi.

Kaagad na binuksan ni Juliana yung box at isa isang nilabas yung picture doon. Binigyan niya kami ng isa isa. Tinignan kong mabuti yung akin at binasa yung nakasulat sa likod.

Malapit ka nang maging akin.

Tumaas yung balahibo ko pagbasa ko.

"Geez! nakaka-kilabot, Alam naba nila Tita na may stalker ka? Ow! stalker nga ba na matatawagan yan?" Tanong ni Michelle tapos nilagay sa gitna namin yung iba't-ibang kuha ni Zaira. Bawat picture nun may sulat sa likod.

Umiling si Zaira "Hindi. Alam niyo naman yung mangyayare pag sinabi ko diba? Guys, tulungan niyo nalang ako mahanap tong tao nato" pakiusap niya samin.

"Ano pa nga ba. Anong last picture yung kuha niya sayo?" Tanong sa kanya ni Trisha.

Naghalungkat ako ng picture. Kinuha ko yung picture na kuha kanina. Itinaas ko yun at pinakita sa kanila.

"Ito, kuha kanina" sabi ko sa kanila.

Tumayo si Trisha kaya nagulat kami, nagpagpag siya ng suot niya at tumingin samin.

" Wag tayo dito, maglalabasan na" pagsabi niya nun, inilagay namin yung mga pictures sa box at isa-isang tumayo. Nakasunod lang kami kay Trisha.

Huminto kami sa tapat ng room. Wala palang tao sa room dahil nasa Court lahat ng kaklase namin.

Pumasok kami at umupo paikot kay Zaira.

"So, Anong plano natin?" Tanong ko at tinignan sila Isa-isa. Si Trisha at Reyna abala sa pagtingin sa mga picture.

"Kailangan natin makilala nang mas maaga yung stalker ni Zai, para malaman na rin natin kung ano ba talaga yung pakay niya" ani ni Juliana.

Tumango ako. Tama siya, kaylangan naming makilala nang mas maaga kung sino yung tao sa likod nito. Para malaman narin kung bakit niya ba ginagawa yun kay Zaira.

"Any idea kung paano natin sisimulan?" Tanong ni Michelle.

Tumikhim si Trisha "May suspec kana ba o kutob kung sino yang stalker mo?" Tanong niya.

Tumingin ako kay Zaira bago siya dahan-dahang tumango.

"Sino?" Tanong ni Reyna.

"Kaklase natin?" Tanong ko.

Tumango siya " Hindi pa ako sigurado pero feeling ko si Aaron yun.. kasi pati sa Spec time natin may picture ako. Eh siya lang naman yung kaklase nating nagkagusto sakin" paliwanag niya.

Napatango ako. Si Aaron Buena yung tinutukoy niya. kaklase namin siya mula First year, umamin siya kay Zaira nung malapit na mag-end yung klase.. pero maliban dun wala na kaming narinig sa kanya kasi sobrang tahimik niya.

"Sabagay, Tapos parehas pa kayo ng Specialization 'diba?" Paninigurado ni Trisha.

Tumango si Zaira " Oo..." sagot niya.

"Lately may napapansin kaba na kakaiba sa kanya?" Tanong ni Reyna.

"Yung mga creepy na titig.. mga ganun" dagdag ni Michelle.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon