7:00 pmPagpasok ko sa bahay naglakad ako papunta sana sa kusina pero napahinto ako sa paglakad ng mapansin kong nakatingin sakin si Denzel na nakaupo sa sofa namin sa sala.
"Kamusta kayo ng boyfriend mo?" Napakunot yung noo sa binugad na tanong niya sakin. Humarap ako sa pwesto niya.
"Okay naman, Bakit?" Naguguluhan kong tanong.
"Okay lang kayo pagtapos niyang malaman ang lahat? Okay lang sa kanya na yung mahal niyang Girlfriend, may asawa na" nabitawan ko yung mga dala ko pagtapos ko marinig yung sinabi niya. Unti unti ng tumulo yung luha ko.
"Si-sinabi mo?" Utal na tanong ko sa kanya.
Mabilis siyang tumango at ngumiti.
Paano niya nagagawang ngumiti pagtapos ng ginawa niya, kaya ba wala si Mj at Mavy kanina kasi kinausap sila ni Denzel? Yun ba yung importanteng lakad ni Denzel?
"Maegan, bakit ka umiiyak? Akala ko ba oka—-"
"Punyeta Denzel! Pagtapos ng ginawa mo tingin mo magiging Okay kami!!! Ano bang problema mo?! Bakit sinabi mo kay Mj yun ha!!" Umiiyak na sigaw ko sa kanya.
Rinig ko yung nagmamadali ng yabag pababa ng hagdan.
"Diba sabi ko naman sayo kukunin kita, bakit ba naghanap ka pa ng iba e andito naman ako" napapikit ako sa sinabi niya. Kinuyom ko yung kamao ko.
Wala na, sigurado ako sirang-sira na yung relasyon namin.
"Denzel naririnig mo ba yung sarili mo? May boyfriend na ako" umiiyak na sagot ko.
"Noon, kahapon at kanina Oo may boyfriend ka pero sa oras na to wala na Meagan, sa akin ka na ulit" Umiling ako sa sinabi niya.
Napaka-hayop niyang tao. Paano niya nagagawa sakin to? Paano niya ako nasasaktan ng ganto?
Hindi ko alam kung paano ako nakalapit sa pwesto niya basta ang alam ko nasampal ko siyang ng malakas sa magkabilang pisnge.
"Hindi na kita kilala Denzel, Paano mo nagawa to sakin? Sinira mo lahat, pati yung kaisa-isang kasihayan ko sinira mo" yun lang yung nasabi ko bago kinuha yung bag ko at tumakbo palabas ng bahay.
Wala na!
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Umiiyak na umupo ako sa park kung saan ko nakita noon na umiiyak si Ajohn.
Nilabas ko lahat ng sakit ng dibdib ko.
Nanginginig na tinawagan ko yung Cellphone ni Mj pero wala na, patay na yung Cellphone niya.
Napahawak ako sa puso ko.
Sobrang sakit pala talaga sa puso pag sayo na mismo nangyayare yung ganito noh?
Akala ko walang katapusang kasayahan na yung saming dalawa pero bakit naging ganto?
Bukas ba pag gising ko okay na kaming dalawa?
Hindi ko na alam yung susunod na nangyare dahil bigla nalang sumikip yung dibdib ko at bigla dumilim yung paligid.
••••
Hindi ko alam kung ilan araw akong tulog. Pilit kong iminumulat yung mata ko pero ayaw parin nitong dumulit. Pinakiramdaman ko yung kamay ko at dahan dahan mo yung ginalaw.
"Ohmygod! Tumawag kayo ng doctor! Bilisan niyo!" Kumirot yung puso ko ng marinig ko yung boses ni Zaira.
Andito sila? Ibig ba sabihin nun andito rin si Mj?
Nag-alala kaya siya sakin, dinadalaw niya kaya ako?
"Maegan, Maegan!" Tuluyan ko ng minulat yung mata ko.
Kumurap kurap ako at hinanap yung taong gusto kong makita.
"Maegan wag kang umiyak, makakasama sayo yan" nilingon ko si Reyna. Umiiyak ba talaga ako? Bakit parang manhid na yung katawan ko.
"Wag ka muna magsalita." Utos ni Michelle sakin.
"Guys labas muna tayo" rinig kong boses ni Ella. Nakita ko pa yung paglapit ng Doctor sakin bago ko maramdaman yung unti unting pagbigat ng talukap ko.
Matatakasan ko ba yung problema ko sa gantong paraan? Gusto kong makausap si Mj pero paano?
Hindi ko pa alam kung ano yung kalagayan ko.
Dapat ko pa bang alamin na malala na to.
••••
Months passed... ( November)
Napahawak ako sa bag ko.
Ilang buwan ko na ba siya hindi nakikita? Isa, dalawa? Ni-hindi ko manlang siya nakausap. Hindi ako nakapag-paliwanag sa kanya.
Tumingin ako sa orasan ng Cellphone ko. Magsisimula na pala yung last subject ko.
Imbes na pumasok dumiretso ako sa Art Club. Inilapag ko yung mga dala ko at kumuha ng materials para mag-painting.
Pumikit ako at nagsimulang mag-paint nang nararamdaman ko.
Bakit kung kailangan sobrang fall na fall na ako doon pa nangyare to samin?
Naiisip niya rin ba ako sa mga oras na to? Ganun ba siya kagalit sakin para hindi niya pakinggan yung paliwanag ko.
Unti unti kong idinilat yung mata ko ng maramdaman ko yung sunod sunod na pagtulo ng luha ko. Lalo akong napaiyak nang makita ko yung naiguhit ko.
Ilang mukha naba ni Mj yung naiguhit ko? Sa nakalipas na mga buwan na hindi ko siya nakikita ito na yung nakasanayan ko, sa pamamagitan nito nalalabas ko yung sakit na nararamdaman ko.
Umiyak ako ng umiyak at inalala kung paano ako naging tanga para lang makausap siya paglabas ko ng Hospital.
May pagkakataon na natulog ako kasama ni Razz sa labas ng bahay nila Mj para lang makapag-paliwanag sa kanya pero wala, walang Mj na lumabas. Yung mga sumunod naman na araw pumunta kami sa office nang Mommy at Daddy niya pero wala, walang Mj na nagpakita. Ilang buwan narin siyang hindi pumapasok.
At sa nakalipas na buwan na yun naging patapon ako. Hindi ako kumakain, hindi lumalabas ng kwarto, hindi ko rin kinakausap yung mga kaibigan ko kung hindi tungkol kay Mj.
Napapikit ulit ako at humawak sa puso ko.
Deserve ko naman masaktan diba? Bakit kasi hindi ko naalalang nakasal pala ako. Bakit ba kasi naglaro kami ni Denzel nang ganun kung hindi ko naman paninindigan. Sobrang sakit lang kasi maling pagkakataon pa dumating si Denzel para sabihin yun, sa pagkakataon pang hindi ko na kayang wala sa tabi ko si Mj. Sobrang laki ng nawala sa pagkatao simula nang mawala si Mj. Sobrang laki ng apekto niya sakin, yung tipo na tinanong ko na yung sarili ko kung bakit pa ako nabuhay ko wala naman siya sa tabi ko, kung hindi ko naman siya makikita at hindi kami magiging okay dalawa.
Ang sakit sakit sa pakiramdam na hindi manlang niya ako hinayaang makapagpaliwanag, basta nalang siya umalis nang walang nakakaalam na ulitimo mga kaibigan namin nababaliw na kahahanap sa kanya.
"Maegan!" unti unti kong idinilat yung mata ko at nang maramdaman ko yung higpit ng pagyakap ng mga kaibigan ko sakin.
Mas lalong tumulo yung luha ko sa pagyakap nila.
Ano kayang mangyayare sakin kung wala tong mga kaibigan ko.
Baka kung wala sila pinaglalamayan na ako ngayon sa sobrang bigat ng dinadala kong problema.
••••
A/N: Happy 600+ Reads. Hwaaaaa! Lumalaki na yung WP FAM KO :-) Sobrang saya ko! Thank you mga bessywaps!
Thank you din kay famidee sa pag gawa ng mga cover ko :-) Sorbang luv talaga kita e. HAHAHAHA!

BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)