Chapter 57

13 1 0
                                    



Hindi ako makapaniwalang kaharap ko na yung ilang araw ko na gustong makita.

Hindi ko akalaing si Denzel pala yung taong panay ang message sakin.

Ewan pero na-disappoint ako sa ginawa niya.

Ipinakilala siya ni Mommy kay Mj at sinabi niya rin na kababata ko si Denzel. Ipinaliwanag rin ni Mommy kung bakit umuwi sila nang maaga. Imbes na maging masaya, kinabahan ako kasi iiwan nila si Denzel kasama namin dito sa bahay.

Magkahawak parin kami ng kamay ni Mj. Tahimik lang siya simula kanina.

"Maegan hindi kaba masayang andito si Denzel?" Tanong ni Mommy.

Gusto ko sanang sabihin na Hindi kaso, napaka-bastos ko naman kung gagawin ko yun.

Ngumiti ako para ipakita na masaya ako "Oo naman Mom, Bakit naman hindi" sagot ko.

"Ahm Mj pwede ba kitang makausap?" Napatingin ako kay Daddy bago tumingin kay Mj.

"Kakabahan naba ako?" Bulong ni Mj.

Natawa ako kasi naramdaman ko yung paghigpit ng hawak niya.

Ito palang yung unang beses na makakausap niya si Daddy sa personal na boyfriend ko siya.

Nginisihan ko siya tapos nginuso si Daddy na naglalakad papuntang garden.

"HAHAHA! Ewan ko sayo para namang hindi mo nakaka-usap si Daddy sa Video call. Dali na sumunod ka na sa kanya" utos ko bago binitawan yung kamay niya.

Nagpaalam muna siya samin bago naglakad pa-sunod kay Daddy. Si Mommy naman nagpaalam na magpapalit ng damit.

Napatingin ako kay Denzel.

Bakit parang maling idea na naiwan kaming dalawa?

"Menggay wag mo namang iparamdam na disappointed kang makita ako" napakunot yung noo ko sa sinabi niya bago siya tumawa. "Hindi mo ba ako na-miss? Ilang years tayong hindi nagkita. Two, Three? Tuluyan mo na ba akong kinalimutan?" Nagtaasan yung balahibo ko sa tono ng pananalita niya. Parang may ibang ibigsabihin yung pag-uwi niya dito.

Hindi ako nagsalita pinagmasdan ko lang siya, Siya ba talaga si Denzel? Bakit parang malayong malayo sa Denzel na kilala ko. Ibang iba sa ugaling kinalakihan ko kasama siya.

"May pakay ka tama? Hindi ka magpapakita sakin na walang dahilan" matapang kong sabi.

Pinanuod ko lang siyang tumatawa.

"Umuwi ako dito para kunin yung naiwan ko" mabilis niyang sagot.

Naiwan? Kung may naiwan siya dapat doon siya sa bahay nila pumunta,hindi dito.

"Wala kang naiwang kahit ano dito" sagot ko.

Tumayo siya tapos umupo sa tabi ko "Kung gamit ang pag-uusapan, Wala akong naiwan.. Alaala Menggay, Alaala yung gusto kong balikan" mahina niyang sabi.

Napakunot yung noo ko. Anong ibig niyang Sabihin?

Umatras ako unti "Wag mo nang guluhin yung usapan. Ano ba talaga kailangan mo?" Tanong ko.

"Ikaw Meagan ang kailangan ko. Hindi mo naba natatandaan? Kasal tayo!" Nabingi ako sa sinabi niya.

Kasal kami, Paano nangyari yun?

Tumayo na ako at umupo sa inalisan niyang upuan kanina.

Bakit ang gulo!!! Paanong nangyaring kasal kami? At hindi ko matandaan kung paano nangyari yun, mga bata pa kami.

Umiiling na tumingin ako sa kanya "Nagpapatawa kaba!? Paano tayo magiging kasal e mga bata pa tayo!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses.

Napaka-imposible ng sinasabi niya. Pagyari niyang umalis ng walang paalam at magtago ng ilang taon, magpapakita siya sakin ngayon at sasabihing kasal kami!

"Hindi mo ba matandaan? Pwes! Ako yung magpapa-alala sayo ng mga panahon na kinalimutan mo" tumayo na ako.

Hindi ko na kaya yung mga naririnig ko.

"Napaka-imposible ng sinasabi mo Denzel! Kaya mo ba ako ginugulo sa message dahil kala mo maniniwala akong kasal tayo!? Masaya na ako Denzel, wag mo na sirain" seryoso kong sabi.

"Hindi ako papayag. Una kang naging akin Menggay, sa akin ka dapat maging masaya" umiiling na tumalikod ako pagyari ng sinabi niya.

Nababaliw na siya!

Dumiretso ako sa garden pero si Daddy lang naabutan ko doon. Sinabi niyang lumabas na si Mj kaya tumakbo ako papunta sa parking lot pero wala na yung kotse niya.

Bakit umalis siya na walang paalam?

Kinuha ko yung Cellphone ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makatanggap ako ng message mula sa kanya at sinabing may emergency sa bahay nila. Ni-replyan ko siya bago naglakad papunta sa kwarto ko.

Kailangan kong umiwas kay Denzel kundi mahahawa ako ng kabaliwan niya.

Nag-handa na ako para manuod ng laro ng Volleyball.

•••••

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon