(Suspended?)
Tinutuptop ko yung ballpen ko sa arm chair habang nakikinig ng lesson. Kanina pa nagsisimula yung klase namin pero walang pumapasok sa utak ko.
"Class dismissed" tuluyan na ako dumukdok sa upuan ko ng marinig ko yung sinabi ni Sir.
Spec. Time na pero tinatamad pa ako maglakad.
"Pst! Meagan!" Lumingon ako sa nagtawag sakin. Si Mj sakbit niya na yung bag niya.
Napatingin ako kay Johnrick na kalalabas lang. Umiiwas pala siya samin simula nung pinakilala niya yung Girlfriend niya, mabuti na yun para magkalayo sila ni Trisha.
Tumayo na ako at inayos yung gamit ko bago ko, sinakbit ko yun at sumunod sa kanya.
"Kanina ka pa hindi nakikinig ng lesson ah" napakagat ako ng labi sa sinabi niya. Paano niya nalaman?
"Nakikinig kaya ako" palusot ko.
Naramdaman ko yung braso niya sa balikat ko "Sinungaling. Kanina tinitignan kita, sa left side na nagsusulat si Sir pero sa right side ka parin nakatingin. Ano lulusot ka pa?" Tanong niya. Kilala niya na talaga ako "May problema ka ba?" Dagdag niyang tanong.
Umiling ako "Iniisip ko yung mga kaibigan natin. Para na silang may nakakahawa na sakit, panay ang iwasan" paliwanag ko.
"Magiging okay din sila" pagpapagaan niya sa loob ko.
Tumango nalang ako "May spec. Ka diba? Ge okay na ako dito" sabi ko sa kanya at huminto.
"Hatid na ki—"
"Vaklah! Ay, kasama pala si Jowa. Hello Mj" bati ni Stephy sa kanya. Tinanguan lang siya ni Mj.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanya.
"Wala, nakita ko kayo e. Diba instrument ka?" Tanong niya kay Mj. Tumango ulit si Mj sa kanya.
Nagulat ako ng hawakan niya sa braso si Mj "Sakto! Taraa sabay na tayo. Meagan pahiram ng jowa mo, babye!" Natawa ako ng hatakin niya paalis si Mj. Kumaway ako sa kanilang dalawa. Narinig ko pa yung tawag ni Mj sakin.
Napailing nalang ako. Dito na pala nag-aaral si Stephy tsaka si Ella nagtuturo sila sa mga senior ng mga natutunan nila sa States.
Naglakad na ako papunta art club.
Napahinto pa ako ng marinig ko yung boses ni Alice. Hinanap ko yun, nanliit yung mata ko ng makita ko sila ni Juliana na nagtatawanan.
"Oy Meagan!" Bati ni Juliana. Tinanguan ko lang siya pero hindi inaalis kay Alice yung paningin.
Masama yung kutob ko sa kanya lalo na sa Ex niya.
Napansin siguro ni Juliana na nakatingin ako sa kasama niya kaya lumapit siya sakin "Pinapasok ko, wala naman tayong gagawin ngayon e. Okay lang ba?" Naga-alangan niyang tanong. Pumikit muna ako bago tumango.
Naglakad na ako papunta sa upuan ko at pabagsak na umupo. Dumuktok ako sa mesa ko para matulog.
Sobrang sakit na ng ulo ko dahil sa problema sa mga kaibigan. Kelan ba matatapos yung gulo? Hayst!
"Gisingin niyo ako pag-aalis na kayo" bilin ko sa kanya bago pumikit.
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog.
•
•
•
Naalimpungatan ako dahil sa pagyugyog sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/168660909-288-k216775.jpg)
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)