Chapter 50

20 2 4
                                    

(Meet Johnrick's Girl)

"Dyan ka nagse-selos? Hahaha" sabay turo ko kay Stephy na tuwang tuwa sa panunuod. "Nukaba! E babae yan" sabi ko sa kanya. Humawak ako sa braso niya tapos malambing na yumakap.

"Kahit na lalaki parin siya, Sino ba yan, pati yung kasama niya" Tanong ni Mj.

Tumawa muna ako tapos tinuro si Stephy "Siya si Stephen, Stephy for short. Tapos yung isa si Irvin, Ella pag gabi, hindi niyo sila nakilala kasi last year pinadala sila ng School natin sa states para doon pag-aralan yung mga specialization nila" paliwanag ko.

Tumango siya tapos inayos yung ulo ko na nakasandal sa dibdib niya, humarap ako sa court. "Kala ko may lumalapit pa sayong ibang lalaki maliban samin e" tumawa ako sa sinabi niya. Ganyan siya ka-baliw sakin kulang nalang itali niya ako sa katawan niya para hindi kami maghiwalay. Pero okay lang naman sakin yun kasi sabi niya nga pagnasasakal niya na ako sa paraan niya ng pagiging sweet sabihin ko lang sa kanya. Handa naman daw niya baguhin yun para sakin.

Napaayos ako ng upo ng may tumabi samin.

"Late naba ako?" Si Trisha kasama si Michelle.

Umiling ako tapos tinuro yung scoring machine. Lamang ng apat yung school namin at kalahati na ng 4rt quarter.

"Hindi pa naman, diba may laro ka? Bakit andito ka?" Tanong ko sa kanya.

Hinatak niya ako tapos bumulong "Gusto ko kasi panuorin si Johnrick" sabay hagikhik niya. Nakalimutan ko, may gusto parin pala siya kay Johnrick kahit alam niya na may ibang gusto yung tao. Iwan ko ba sa babae'ng to.

"Bahala ka. Ng—"

"Vaklaaaaaah!!!!" Sigaw niya ng makita si Stephy tsaka Ella.

Tumalon talon silang tatlo at umikot ikot habang humihiyaw.

"Yung totoo? Kaibigan ba natin yan?" Tanong ni Zaira na umupo sa inalisan na upuan ni Trisha.

"Hahahaha. Kung makapagsalita, teh ganyan ka rin" sabi ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin bago bumaling kay Denver na hinatak siya. "Aray! Bakit ka ba nang hahatak!" Reklamo niya.

"Samahan mo ako" hindi na nakatanggi si Zaira kasi hinatak na siya ni Denver paalis.

Napatingin naman ako kay Mj,Ysabelo at Mavy na pare-parehong hindi mapakali.

"Naaano kayong tatlo?" Tanong ko sa kanila.

Kumamot ng ulo si Mj "Bakit andito si Trisha?" Tanong niya.

Napataas yung kilay ko sa tinanong niya.

"Gusto niyang manuod e, may problema ba?" Tanong ko.

Tumango si Ysabelo "Malaki" sabay na sagot nila ni Mj. Si Mavy naman tahimik lang.

"Ano ba yun?" Tanong ko.

Nagturuan pa si Mj tsaka Ysabelo kung sino yung magsasalita.

"Ngayon ipapakilala ni Johnrick yung Girlfriend niya satin" singit ni Mavy. Napanganga ako sa sinabi niya.

"Ohmygod! Dapat wala si Trisha dito!?" Sabi ko sa kanila.

"Kaya nga nagulat kami dumating siya. Paano yan?" Tanong ni Mj.Habang nag-iisip ng plano humarap muna ako kay Trisha na tawa ng tawa.

Hanggang ngayon pa rin ba masasaktan ka parin dahil sa lalaki? Bakit kasi sa alam mong hindi ka sasaluhin ka nagkakagusto, bakit ang tanga-tanga mo pag dating sa pag-ibig.

Humarap ulit ako sa boys "Hindi na natin mapapaalis yan." Sabi ko sa kanila.

Tumango si Ysabelo "Gulo to mamaya" aniya.

Habang papalapit ng papalapit yung oras lalo kaming hindi mapakali.

Sino kaya yung Girlfriend ni Johnrick? Akala ko ba may gusto siya kay Juliana? Ang gulo!

"Gosh! Malapit na!" Kinakabahan kong bulong kay Mj.

Hinawakan niya yung kamay ko "Wag kang mag-alala. Kilala ko si Johnrick alam ko may maganda siyang dahilan kung bakit niya gagawin to" sabi niya sakin.

Tinignan ko siya "Siguraduhin niyang maganda, itataya ko yung kasiyahan ni trisha dito tapos para lang pala sa wala, tsaka siguraduhin niyang desinte pa yung babae na ipapakilala niya satin" paliwanag ko.

"Meg hindi tayo pwedeng mangealam sa buhay nila. Ang magagawa lang natin suportahan silang dalawa, lalo na si Trisha" sabi niya.

Napasulyap kaming dalawa kay Trisha. Kausapan niya parin yung dalawang bakla.

Alam na naming lahat na ngayon ipapakilala ni Johnrick yung Girlfriend niya kaya hindi na kami mapakali. Si Zaira at Denver nag-aaway sa tabi ni Mavy, Si Michelle naman kausap si Mavy,Ysabelo at Reyna.

"Gosh tapos na!!!" Sigaw ni Zaira.

Tinigan ko yung court, tapos na nga at panalo yung team namin. Hindi na kami nakapag-focus sa laro kasi mas inintindi namin yung mangyayare mamaya.

Tumayo na kami at sumunod kay Trisha papunta sa loob ng court.

Iko-congrats niya pa ata si Johnrick.

"Shocks lagot!" Bulong ni Zaira sa tabi ko. Katabi niya rin si Michelle.

"Lagot talaga. Zai sabayan mo si Trisha" utos ni Michelle. Agad naman niya yung sinunod.

Huminto muna kami sa tapat nila Johnrick kasi may sinasabi pa sa kanila si Coach.

"Nice Andres! Congrats!" Napatingin lahat ng teammates ng basketball team ng sumigaw si Trisha.

Ohno!

Wala na kami nagawa kundi sumunod sa kanya. Binati namin yung team. Tinignan ko si Johnrick. Bakit parang wala naman siyang ipapakilala? Wala nga lumalapit sa kanyang babae e. May bumabati pero wala manlang lumalapit maliban kay Razz na tufo ngisi kasi ang daming babae nagpupunas ng pawis niya.

"Luv! Congrats!" Sabay sabay kaming napalingon ng may sumigaw mula sa likuran namin.

Nanlaki yung mata ko ng tumakbo yung babae tapos kaagad na yumapos kay Johnrick. Tengene besh kaharap lang nila si Trisha.

Tinignan ko si Trisha kaagad na dumilim yung aura niya. Naramdaman ko yung tapik ni Mj sa balikat ko bago kami naglakad papunta sa harap ni Johnrick.

Lahat kami nakatingin sa kanilang dalawa. Yung babae parang walang pakealam kung makayapos at makahalik kay Johnrick. Hinawakan ko yung kamay ni Trisha.

"Okay lang ako" mahina niyang sabi. Alam ko nasasaktan siya.

"Ba-brad! Pakilala mo naman kami, siya na ba yun?" Nag-aalangan na tanong ni Denver.

Hinawakan ni Johnrick yung balikat ng babae tapos hinarap samin. Napatingin ako sa braso ni Johnrick na nakaakbay sa babae.

"Guys, Si Pearl Girlfriend ko" napayuko ako ng naramdaman ko yung unti unting pagbitaw ni Trisha sa kamay ko.

"Na-nice, Cong-Congrats. Una na pala ako guys, ma-may laro pa pala kami" nanginginig niya sabi bago naglakad paalis.

•••

A/N: Kawawa naman si Trisha :-(

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon