Kinabukasan..9:30 am—Saturday
Wala sa mood na bumangon ako.
Napuyat ako kaiisip sa sinabi ni Michelle kagabi bago kami maghiwalay-hiwalay.
Sino ba yung nasasaktan ko? Sino yung tinutukoy niya?
Naglakad ako papunta sa Cr at naghilamos.
Pagyari maghilamos at mag toothbrush tinignan ko muna yung sarili ko sa salamin.
"Ano ba yung ginawa mo ha! Sino ba yung tinutukoy nilang nasasaktan mo?" tanong ko sa sarili ko.
Pinunasan ko yung mukha ko bago lumabas.
Bumaba ako sa kusina para kumain.
Sakto naman na andun si ate.
"Oh, inabot kanina ni Reyna.." binigay niya sakin yung card— invitation "May date ata sila nung pogi niya kasama e dina pumasok" Tumingin ako sa kanya.
Kinuha ko yung invitation.
"Wala bang siyang sinabi? Kahit ano?" Tanong ko.
"Wala.. bakit magkakaaway kayo?" Aalis na sana siya–pero nung hindi kaagad ako sumagot umupo ulit siya.
"Ewan" maikli kong sagot.
"Anyare ba?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Chismosa talaga.
"Chismosa ka talaga noh?!" Sabi ko sa kanya.
Kinuha ko yung tinapay na kinakain niya at kanain yun.
"Grabe ka! Malay mo makatulong ako" uminom muna ako.
Tinignan ko siya "Kasi ate.. nagsimula to nung Wednesday, bigla nalang nila ako hindi pinansin hanggang kahapon.. pero nung pinuntahan naman namin si Trisha sa court naguusap usap naman kame. Basta ang gulo 'te, bigla nalang nila kami hindi pinansin ni Juliana.. hindi nila kami kinakausap.. lalo na ako, hanggang kanina" paliwanag ko.
"Baka naman may ginagawa kayo? Ikaw, baka naman may ginawa ka" napaisip ako sa sinabi niya.
"Yun na nga ate e.. wala akong matandan na nagawa kong masama sa kanila.. tapos kagabi bago kami umuwi tinanong ko sila kung may problema ba" sagot ko.
"Oh anong sabi?" Tanong niya.
"Wala daw.. pero wag daw ako magbingi-bingihan at magbulag-bulagan, nakakasakit na daw ako dahil sa kamanhidan ko, kagabi pa ako nababaliw sa sinabi ni Michelle sakin ate.. Hindi ko maintindihan" sabi ko sa kanya.
Kasi naman. Bigla na nga silang hindi namansin tapos ako pa yung may kasalanan. Diba dapat ako yung magalit? Kasi hindi nila kami pinapansin ni Juliana.
"Oo nga ang gulo" natawa pa siya.
Inilapag ko yung invitation sa mesa.
"Kaya nga nagdadalawang isip ako kung pupunta pa ako mamaya e" simaan ko siya ng tingin ng batuhin niya ako ng cookies.
"Tanga kaba!? Edi lalong nagalit yung mga kaibigan mo sayo! Pumunta ka tapos pag ganun parin sila sayo kumpruntahin mo ulit.. sabihin mo hindi mo kamo sila maintindihan.. kung bakit sila nagagalit sayo" tumango ako.
"Himala ate matino ka atang kausap ngayon.. at nag bigay kapa ng advice ah" puna ko sa kanya. Bigla nagbago yung aura niya tapos tumayo bigla. Natawa naman ako.
"Ikaw epal ka talaga! Kung kelan seryoso na ako dun ka hihirit ng kagagahan mo! Balaka nga dyan! Daanan mo ako sa kwarto pag-aalis kana" bilin niya bago umalis.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)