Maegan's POV
Buong maghapon akong tumambay sa loob ng bahay.
Tinignan ko yung orasan 4:30 na.
Uwian na kaya tinignan ko yung Gc namin.
Nagchat si Denver hindi daw sila makakasama ng mga boys kasi may pupuntahan.
Saan naman kaya mga pupunta tong mga to?
"Maegan pasabi kay Mommy pupunta ako sa Birthday party ni Jane ah" si Ate habang pababa hagdan.
Nakadress siyang blue.
"Itext mo nalang ate.. baka matulog narin ako maya maya" sabi ko sakanya habang nagsscroll sa Facebook.
Hindi siya sumagot..Umupo siya sa single sofa namin.
Humiga naman ako sa inuupuan ko.
*Beeeep
"May bisita ka?" Tanong ko sa kanya.
Umiling siya "Malamang wala paalis nga ako diba?" Sarcastic niyang sabi. Inirapan ko siya.
Umiral nanaman yung ugali niya.
"Hello ate jona!" Napatayo ako nung marinig ko yung sigaw ni Zaira.
Sila lang pala yung dumating.
"Uy hello? Goraa na ako ah. Kayo na bahala dyan" paalam ni ate at lumabas.
Umupo naman sila Zaira sa sof. si Trisha lang kulang.
"Kala namin patay kana eh" binato ko si Reyna ng unan.
Siraulo talaga.
"Patay agad? Gaga nilagnat lang ako. Bakit andito kayo?" Tanong ko.
"Pasalamat ka nga dinalaw ka namin eh. Oh pinapabigay ni Ma'am yan daw yung design na gagawin niyo sa hallway" sabay bato ni Michelle ng Enveloped sakin.
"Isang araw lang ako nawala.. panibagong stress nanaman" sabi ko sa kanila.
"Hoy Zai! Busy sa cellphone ah" puna ni Juliana kay Zaira.
Napatingin ako kay Zaira.
Busy nga sa Cellphone.
"May nagtext kasi sakin.. Nagsesend ng picture. Actually nung nakaraan niya pa ako sinesendan ng stolen picture ko" sabay pakita ng mga picture.
Hala! Ang creepy kasi simula nung nag arcade kami hanggang sa bahay nila may picture siya.
"Kelan payan?" Tanong ko.
"Bago magsimula yung opening ng Bazzar. Tinatanong ko kung sino siya kaso ayaw niya magpakilala" paliwanag niya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi samin?" Tanong ni Reyna kinuha niya yung Cellphone ni Zaira.
Tinignan nila ni Michelle yung mga picture doon.
"Ang creepy ah hanggang sa inyo may picture ka" sabi ni Michelle.
"Kaya nga. Wala naman kaming napapansin ni Denver na may nakasunod samin pag hinahatid niya ako"paliwanag niya ulit.
"Alam na ng mga boys? Ni Trisha?" Tanong ko.
Umiling siya "Hindi pa. Kala ko kasi natural lang na nagsesend ng picture sakin kaso yun nga nakakatakot na kasi parang lagi na siyang nakasunod sakin" paliwanag niya ulit.
"Eh anong balak mo?" Tanong ko at tinulungan si manang na maglagay ng finger food sa table.
Nagsibaba na kami sa sofa at sa lapag na umupo.
"Ewan pa. Ayoko naman sabihin kay Mommy alam niyo naman yun" sabi niya habang kumukuha ng pagkain.
"Sabihin nalang natin sa iba para naman aware sila diba? Tsaka malay mo may napapansin na pala sila nakasunod sayo lagi" paliwanag ni Michelle.
Tumango kami.
Pwede rin yung sinabi niya.
"Hayst. Basta." Sagot niya.
Nagkwentuhan at kumain lang kami hanggang sa mga inantok na at nag aya na magsi-uwi.
••
•
Ibinilin ko nalang kay manang yung sinabi ni ate bago ako umakyat sa kwarto.
Naglinis muna ako ng katawan bago humiga sa kama.
Kinuha ko yung Cellphone ko at nagsimula magbasa ng mga chat sa Gc.
Syempre maingay nanaman yung mga bakla yung boys hindi mga online siguro hindi pa nakakauwi.
Nagchat ako at tinanong kung asan yung mga boys.
Sumagot sila Reyna at sinabing nambabae daw.
Tsk. Tsk. Hindi pa nga ako umaamin kay Mj nambabae agad siya?
Gumulong ako sa hinagaan ko.
Sakto naman na may nagtext sakin.
Unknown number kaya binuksan ko yun.
From: 09————————2
Good evening, Jasscel here pasabi sa friends mong lalaki nasa akin yung nahulog na susi ng isang nilang kasama sa bar diko na nasauli nawala kasi sila agad, Thank you.
Napadapa ako pagbasa ko.
Sa bar? Ibigsabihin nagbar sila Mj?
Sinave ko yung number ni Jasscel.
To: Jasscel
Good evening din. Sige, sasabihin ko tomorrow. Thank you din.
Sent.
Minention ko yung mga boys at Iniscreenshot yung message ni Jasscel at pinasa yun sa Gc.
Agad naman nagsipagreply yung mga bakla at nagtanong kung bakit alam ni Jasscel yung number ko.
Oo nga noh? Paano niya nalaman Number ko. Pagkakaalala ko ako yung binigyan ni Ajohn ng number ni Jasscel kaya paano ako nagkanumber sa kanya.
Hindi ko sinagot yung tanong nila
Kasi kahit ako hindi ko alam yung isasagot sa tinanong nila.Nagchat si Trisha at sinabing wag na mag oorder ng T-Shirt kasi binilhan niya na kami.
Bukas namin makukuha sa Souvenir shop.
Hindi niya daw kasi alam yung size namin.
Umabot ng 10 pero hindi parin online yung mga boys.
Siguro lasing na yung mga yun.
Pero bakit kaya sila naglasing?
Si Mj kamusta na kaya? Namiss ko siya ah, kahit isang araw ko lang siyang hindi nakita.
Nilagay ko na yung Cellphone ko sa table tapos umayos na ng higa.
Pumikit na ako at natulog..
••••••
Three updates pang bawi sa matagal na update ^__^
Thank you sa mga readers ^__^
Follow, Comment and Vote!!
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)