Chapter 21

12 4 1
                                    

Maegan's Pov

Umupo ako sa tapat ng Bintana ng kwarto ko.

Nakaayos na ako nag aantay nalang ako ng chat sa mga bakla kung papasok na sila.

Tumingin ako sa jacket na hawak ko.

Pinasuot pala ni Mj yung jacket niya sakin kagabi at sabi pa ni manang siya pa yung nagbuhat sakin papunta dito sa kwarto ko.

Habang kinikwento yun ni manang diko napigilan na kiligin kaya ayun.. nalaman niya tuloy na may gusto ako kay Mj pero sabi ko secret lang namin yun Hahahaha.

Malalagot ako kay Daddy eh.

Pero mga teh kinilig talaga ako. Binuhat ako ni Mj? Like what the puk diba? Binuhat ka ng crush mo at pinasuot pa yung jacket niya sayo.HAHAHAHA

Napahinto ako sa pagdi-daydream ko ng umilaw yung Cellphone ko.

Kinuha ko yun.

Si Jasscell.

From: Jasscell

Hey, Goodmorning.. Nakapag-isip kana? Hehehe still waiting to your answer :)
See'ya :-)

Oo nga pala.. Saan nga pala ako sasama?

May nagtext ulit si Reyna.

Binasa ko yun.

Nasa room na daw silang lahat.

Tumayo na ako at kinuha yung bag ko bago lumabas.

Nagpaalam muna ako kay Manang bago lumabas at sumakay sa sasakyan.

Habang nasa byahe binabasa ko yung mga Comments sa Video nung nangyari kay Trisha.

May nag-upload kasi sa Group sa Facebook namin.

Buti nalang walang teacher na kasali sa group namin na yun.

Pagdating namin sa school bumaba na ako sa sasakyan.. nagpaalam muna ako kay manong bago naglakad papunta sa room.

Hawak ko pa din yung jacket ni Mj.

Pagpasok ko Tumingin silang lahat sakin.

Nginitian ko lang sila at nagtuloy tuloy na pasok papunta sa upuan ni Mj.

Nakayuko siya.

Inilahad ko yung jacket sa harap niya.

Unti unti siyang tumingala.

"Thank you" nakangiti kong sabi.

"Yeeeeeeiiiiiiii!"

"Ehem ehem"

"Ubo ubo!"

"Daming langgam mga teh!"

Pagkuha ni Mj sa jacket niya nakataas na kilay akong tumingin sa likuran ko.

Nanlaki mata ko ng lahat ng kaklase ko may hawak ng Cellphone at nakatutok yun samin ni Mj.

"Sweet ah.. baka may gusto kayong sabihin samen" nginisihan ko lang si Zaira at umupo sa upuan ko.

Baliw talaga.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon