Chapter 12

19 4 1
                                    

Maegan's POV

"Isa pa! Isa pa!" Sigaw namin pagyari kumanta ni Mavy.

"Jusmeee nakakakilig yung boses ni Mav" natawa ako sa reaction ni Zaira.

"Uy may Denver kana—-Aray!" Daing ni Juliana pagtapos siyang batukan ni Zaira.

"Pag may nakarinig sayo, Feelingerong frog pa naman yun" sabi sa kanya ni Zaira.

"Wag nga kayong maingay, Sasayaw na yung Dance Club oh" bawal sa kanila ni Juliana.

Tumingin kami sa stage. Nasa harapan kami nakapwesto, may mga bakanteng upuan sa tabi namin kasi doon dapat uupo yung mga boys kaya lang hanggang ngayon wala pa sila. Si Mj,Reyna at Mavy for sure naman na nasa backstage sila.

Si Trisha, sasabay na dapat samin papunta rito kaso bigla siya pinatawag ni Ms. Dela Fuentes yung teacher ng Dance club. Nagtaka nga kami kasi bakit bigla silang nag-usap.

Basta ang alam namin ayaw niya ng sumayaw. Kaya nga naghinayang kami kasi kung kelan sikat na siya sa tawag na Double T pag dating sa sayaw e umayaw naman siya.

"Uy yung bebelabs mo yun ah" turo ko kay Zai ng makita ko si Denver malapit sa hagdan ng backstage. May kausap siya si Mj.

"Baduy! Kadiri kamo. baka andyan lang din yung mga boys sa backstage kasi kasama nila kanina si Denver sa stall eh" sabi ni Zai.

Sabagay.. baka andun sila sa loob.

"Punta tayo?" Tanong ko.

"Wag na nakita mo naman na si Mj kanina eh, Hala! Kinikilig hahahaha" hinampas ko siya braso.

Pero totoo talaga, Kinilig ako kanina habang naggigitara siya habang kumakanta si Mavy.

"Sakit ah" reklamo niya habang himas himas yung braso.

Inirapan ko siya bago tumingin sa Stage.

Pumwesto na yung mga dancers at nagstart ng sumayaw.

Ang galing nilang lahat.. pero hindi na tulad nang dati..

Bandang kalagitnaan na ng performance ng sayaw bigla nalang nag vibrate yung cellphone ko.

Binuksan ko yun at binasa yung text ni Trisha.

Napatayo agad ako ng mabasa ko na kausap niya daw si Alice ngayon.

"Uy hindi pa tapos, Saan ka pupunta?" Tanong ni Michelle.

Sasabihin ko ba? Kaso pagsinabi ko andito si Juliana.. baka magkagulo.

"Ah-punta muna ako sa canteen. Libre ko kayo ng tubig" hindi ko na inantay yung sasabihin nila mabilis na ako tumakbo papaalis.

Tinext ko si Trisha kung asaan sila.. ilang minuto pa ako nagantay bago siya nagreply.

Nasa volleygym daw sila.

Tumakbo na ako papunta doon.

Gosh! sana hindi ko maabutan na may bangas yung isa sa kanila.

Napahinto ako sa gym ng makita ko naka upo si Trisha habang nakatayo naman sa harap niya si Alice habang nakapatong yung isang paa sa upuan nanasa pagitan nilang dalawa. May kaakbay din siyang babae.

Lumapit ako sa kanila.

"Anong ginagawa mo Alice?" Tanong ko sabay sipa sa upuan na tinatapakan niya. Nagulat pa siya pero kaagad siyang tumayo ng ayos.

Napahiyaw yung babae niyang kaakbay. Kilala ko yung babae, Kaklase namin siya.

"Eh nakakapikon yang si Trisha eh, balak pa atang sulutin tong bata ko" kaagad nanlaki yung mata ko.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon