Chapter 60

23 3 2
                                        

( I miss him )

"Mga inday! Ito na ba lahat ng kailangan?" Tanong samin ni Stephy.

Andito kami sa mall para mamili ng gagamitin para sa surprise birthday party kila Michelle at Reyna. Sabay sila ng Birthday kaya wag na kayo magtaka na hindi namin sila kasama, si Trisha rin wala kasi busy sa training niya sa volleyball. Diba nga natalo sila nung last game.

Huminga ako ng malalim.

Yun yung araw na nasira ang lahat. Araw na nawala si Mj sakin.

"Meg tara na daw!" Napakurap ako sa tawag sakin ni Zaira. Napagat ako sa labi ng makita ko nakatingin pala sila sakin.

Buti nalang andito sila sa tabi ko para mabawasan yung pag-iisip ko kay Mj. Pero minsan hindi ko rin maiwan maiyak pag kumpleto kami lahat. Kasi naalala ko yung kulitan at asaran namin pag magkakasama. Hayst hanggang kailangan ba ako magiging ganito?

Tumango nalang ako at sumunod sa kanila. Habang namimili yung dalawang vaklah ng kakainan nakatahimik lang ako.

"Tara dito nalang tayo" napahinto ako sa harap ng resto na napili nila. Naalala ko, Dito kami  kumakain ni Mj pag may free time kami, lalo na pag maaga niya ako sinusundo sa bahay.

"Oppps, change destination tayo" sabi ni Zaira at hinatak ako paalis.

"Hindi niyo naman kailangan mag-adjust para sakin e" Napahinto sila sa sinabi ko.

"Nukaba! Hindi kami naga-adjust noh! Ayaw lang talaga namin doon diba?" Kita ko yung paglaki ng mata ni Juliana sa iba. Dahan dahan naman silang tumango.

Pinunasan ko yung luha ko "Nakakainis kayo! Bakit ba lagi niyo nalang ako iniintindi? Kasalanan ko naman lahat ng to kaya hindi niyo na kailangan mag-alala. Hindi niyo na kailangan madamay sa problema ko" pinunasan ko yung luha ko habang hatak hatak ako ni Zaira papasok sa Mcdo.

Umupo kami sa pinakasulok.

"Mag-oorder na ako, kausapin niyo yan" bilin ni Ella bago umalis.

"Maegan kahit anong sabihin mo damay parin kami sa problema mo. Para saan pang naging magkakaibigan tayo? Tsaka kung meron mang may kasalan dito si Denzel yun hindi ikaw" paliwanag ni Zaira.

"Siya lang naman yung dahilan nito. Kung hindi sana siya dumating edi sana masaya tayo nagpa-plano para sa Birthday surprise para sa dalawang bruhilda." Dagdag ni Juliana.

"Wag kang mag-alala Meg. Gumagawa na ng paraan yung team paw patrol para alamin kung nasaan si Mj" tukoy ni Stephy sa mga boys.

"Sobrang laki na nang naitulong niyo sakin. Pakiramdam ko tuloy sobrang nakakaawa na ako. Pero Sobrang thankful ko parin na andyan kayo para kahit pa-paano makalimutan ko kahit saglit si Mj" sabi ko sa kanila.

"Nukaba! Kaya nga pinanganak kami ng magulang namin para maging dakilang distraction sa mga kaibigan naming sawi sa pag-ibig" singit ni Ella na kadarating lang kasunod niya narin yung mga pagkain namin.

"Alam mo gurl, kesa madamay kami sa pag-iyak mo. Kumain nalang tayo tapos mamaya mag-simula na tayo magplano para sa Birthday party nung dalawa" tumango ako sa sinabi ni Stephy.

"Let's shibooog na!" Masayang sabi ni Zaira at nagsimula ng kumain.

Tinignan ko si Zaira, Sana ganyan rin ako kasaya kahit na may problema.

••••

Tawa ako ng tawa habang pinapanuod yung ginagawa ni Ella at Stephy.

Pag-galing namin sa Mall dumiretso kami sa bahay nila Stephy para sana mag plano para sa Birthday nung dalawa kaso dahil dakilang baliw sila, nauwi kami sa pagsi-swimming.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon