Maegan's POV
7:00 ang call time para sa opening ng Bazzar.
Andito pa ko sa bahay. Nakabihis na ako inaantay ko nalang mag 7:20 para makaalis na, ayoko mauna dahil alam ko kahit 7 yung pinag usapan namin 7:30 yun mga dadating. Ala eh Filipino time sila.
Nakahanda na lahat ng Cupcake, Cake at cookies ako yung magdadala. si Mj naman yung sa Juice at soft drinks na paninda namin.
Nga pala, Nauna na si Reyna, Mavy at Mj sa school magpeperform kasi sila kaya kailangan nilang maaga pumasok.
Kaya nga ang ingay ng gc namin dahil excited na pumasok yung mga bakla kasi gusto daw nila marinig yung boses ni Mavy pagkumakanta.
"Bunso, Akala ko ba 7 ka aalis. Bakit narito kapa?" Napalingon ako kay Mommy na pababa ng hagdan.
"Ma, 7:30 po yun magsisipag pasukan kaya mamaya na po ako papasok, Aalis kana po?" Tanong ko. Lumapit ako sa kanya at nagbeso.
"Oo. Pasabi kay Ate mo puntahan ako sa office mamaya. God! Sige na malalate na ko. Galingan niyo sa pagtitinda, Pasabi sa mga boys magpapogi sila para maubos yung mga ginawa niyo kahapon. Byee" tumango ako kay mommy. Kiniss niya ako sa Noo bago umalis.
Hehehe kinwento ko kasi sa kanya yung parusa namin sa mga boys.. akala ko nga magagalit tapos sasabihin na unfair yung ginawa namin. Pero nagulat ako nung tumawa lang siya pati si Daddy.
Tinignan ko yung oras 7:15 na.
Nagtanong ako sa gc kung asaan na sila. Lumabas na ako at tinawag si manong. Mga On the way na sila. At para sigurado nagpasend ako ng picture nila habang nasa bayahe, Yung daan.
Mahirap na aba! Yung iba kasi yung On the way na sinasabi nila maliligo palang.. Maganda na yung sure sure.
"Maegan, Ilalagay naba namin ito lahat sa sasakyan?" Tumango ako kay manang at tinulungan sila maglagay ng mga cupcakes sa sasakyan.
Nagpaalam na ako kila manang bago umandar yung sasakyan. Binuksan ko lang yung bintana.
"Ate Maegan! Ate maegan!"
"Manong pahinto po muna" sabi ko kay manong ng marinig kong may tumawag sakin mula sa kasabay namin kotse.
Lumipat ako sa kabilang bintana para makita kung sino yun.
Si Ajohn.
Kumaway siya sakin.
"Good Morning Ajohn" bati ko sa kanya.
"Good morning din po ate, Papashok ka po sha school niyo po?"tanong niya.
Tumango ako "Oo eh, Ikaw din eh papasok ka rin sa school mo" sabi ko na mapansin ko nakasuot siya ng uniform.
"Opo. Sha-shabi mo po magpi-play tayo" napangiti ako sa sinabi niya.
Hindi niya talaga makalimutan.
"Umalis kasi si ate kahapon eh. Bawi nalang si ate sa susunod" sagot ko.
"Yan po ba yung house niyo? Pede po visit ko ikaw diyan tapos.. tapos sha inyo nalang po tayo magplay" sabay tawa niya.
Napahinto siya sa pagtawa ng pagbawalan siya ng Uncle niya.
"Oo ba! Sige, kaso kailangan na ni ate pumasok eh. Ikaw din kaylangan mo na pumasok, baka malate ka" sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sakin. May kinuha siya sa wallet ata ni Uncle niya at binuksan yung pinto ng kotse nila at tumakbo papunta sakin.
Binuksan ko yung pinto ng sasakyan namin.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)