Chapter 56

8 1 0
                                    

( Mr or Ms unknown? )

Kinabukasan...

Pagpasok ko sa room kaagad akong napasimangot. Bakit wala yung mga kaklase ko! Ano bang meron, Wala bang klase ngayon?

Kinuha ko yung Cellphone ko. Pagbukas ko agad na bumungad sakin yung remainders na may laro pala ngayon Basketball at Volleyball team.

Bakit ba nakalimutan ko na walang klase ngayon. Haysst!

"Hoy bruha! Ano hindi ka magpapadaan" napaigtad ako ng may bigla nalang may nagsalita sa likod ko.

Lumingon ako doon. Yung dalawang vaklah, yung tunay ah.

"Ay Tulaley lang? Padaan girl" tumabi ako para makadaan si Ella. Epal din to eh.

"Vaklah kunin mo narin yung akin ah" utos ni Stephy bago humarap sakin. "Lunes na lunes lutang ka gurl. Masama yan, baka buong linggo ganyan ka" inirapan ko siya.

"Hindi naman. Saan kayo pupunta?" Tanong ko.

"Magpapasa lang ng notes, tapos manunuod ng Basketball.. hindi kaba nila nasabihan?" Nakakunot niyang tanong.

Itinaas ko yung Cellphone ko "Kabubukas ko lang ng cp e. Sabay na ako sa inyo" sabi ko ng tumabi na samin si Ella.

•••

"Go! Fafa andres!!! Whoooo!" Malakas na sigaw ni Stephy with matching talon pa.

Andito na kami sa Gomez NHS dito kasi ginanap yung laro ng basketball tapos mamaya namang 5 sa Araneta yung laro ng Volleyball, sayang lang kasi 1st game na hindi makakalaro si Trisha.

"LQ kayo?" Tanong ni Michelle habang nakaturo saming dalawa ni Mj. Nasa kabilang dulong upuan kasi siya umupo katabi sina Mavy at Denver.

Umiling ako "Hindi ah" sagot ko.

Nahihiya kasi ako sa sinabi ko sa kanya kagabi kaya hindi ako tumabi.

"Weh? Wag kami teh! Kung hindi kayo LQ kanina pa dapat yan andito.. nakatabi sayo" singit ni Reyna.

Hindi kasi nila alam e... Pagdating ko palang dito kanina iniwasan ko na si Mj kasi naman, nahihiya talaga ako sa sinabi ko kagabi.

"Bakit bawal ba maghiwalay kami minsan ng upuan?" Tanong ko sa kanila. Kung hindi ko sila sasagutin paniguradong mag-gagawa ng scenario to sa mga utak nila. Ma-issue sila mga teh!

"Mga Vaklah!!! Tignan niyo daliiiii!!!!" Nagulat kami ng biglang sumigaw si Stepy sa harap namin tapos hinatak kaming mga babae patayo.

"Araay! Ano ba yun!?" Tanong ko.

Itinuro niya yung bench ng team namin kaya napatingin ako doon.

Nanlaki yung mata ko sa nakikita ko.

"Ohmygosh!!! Totoo ba yung nakikita ko!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Zaira.

Pati ako hindi makapaniwala sa nakikita ko.

"Jusmeyo!! Nasisiraan na ata siya ng bait" dagdag rin ni Ella.

Totoo ba talaga to? Si Trisha pinupunasan ng pawis si Andres na nasa harap mismo ni Johnrick!? Another problem nanaman ba to?

"Awatin niyo ako!! Masasambunutan ko talaga yang babae'ng yan!" Gigil na sabi ni Ella tapos umakto na nagpapapigil samin.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon