Chapter 53

10 2 2
                                    

(Aylabet!)

Saturday

Umupo ako sa sofa namin sa sala at pinapanuod yung pagkukulay ni Mico.

"Tita Meagan ano po kulay ng cloud, blue po ba o green?" Natawa ako sa tinanong niya.

Tinuro ko yung kulay blue "Blue mico, kasi yung green sa tree yun"paliwanag ko nag-simula na siyang magkulay ulit.

Humiga ako sa sofa. Makakapag-pahinga na ako araw, wala problema at walang magulo.

*Ding dong!

Napakunot yung noo ko ng marinig ko yung pag-doorbell. Sino naman kaya yun?

Tumayo na ako at binuksan yung pinto.

Bumugad si Mj na nakangiti. Ngumiti ako pabalik sa kanya. Wala naman kaming usapan na magkikita ngayon.

"Special delivery for my special someone" nakangiti niyang sabi at inabot yung dala niya.

"Ano to?" Tanong ko ng makuha ko yung paper bag mula sa kanya.

Nginisihan niya ako "Buksan mo" sabi niya. Kaagad kong binuksan yun, nanlaki yung mata ko ng makita ko yung laman.

"Wow! Binilhan mo talaga ako ng ganto!?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Tumawa siya tapos tumango "Yup. Nag-grocery kasi kami ni Mom tapos nakita ko yan, naalala kita kaya binili ko" nakangiti niyang sabi sakin.

Humawak ako sa braso niya tapos hinatak siya papasok.

"Yeeeii talaga? Thank you sa maraming choco-choco" malambing kong sabi sa kanya.

"Basta para sayo" sagot niya bago umupo sa tabi ni Mico. "Hi bud! Ano ginagawa mo?" Tanong niya kay Mico.

Iniwan ko sila, naglakad ako papunta sa kusina. Nilagay ko yung binili niya sakin sa ref. Naglabas rin ako ng pwede naming kainin.

Kinuha ko yung tray at naglakad papunta sa sala. Napahinto ako saglit ng makita ko nagtatawanan yung dalawa.

Nagsimula ulit ako maglakad at nilagay yung tray sa harap nila.

"Bakit kayo tumatawa ha?" Tanong ko sa kanila. Lumapit sakin si Mico at pinakita yung drawing niya.

"Look tita, sabi ni Tito Mj kamukha mo daw yung drawing ko" sabi niya. Tinignan kong mabuti yung drawing niya.

Nanlaki yung mata ko ng makita ko yun. Shocks! May future si Mico! Hawig ko nga yung drawing niya.

Yinakap ko siya "Ang galing naman ng baby namin. Wait picturan natin tapos isend natin kay daddy mo" tumayo ako at kinuha ko yung Cellphone ko. Pinicturan ko yung gawa niya at sinend yun kay Tito.

"Sabi sayo e magugustuhan ni tita mo. Halika dito, ako naman yung e-drawing mo" aya sa kanya ni Mj pero Umiling si Mico.

"Na-ahh tito Mj, pwede niyo po ba ako turuan lumangoy?" Mahina niyang tanong.

Tumingin ako kay Mj at Umiling siya naman yung tumango.

Bakit siya umu-OO e wala siya damit na pamalit.

"Next time nalang Mics. Walang dala si Tito Mj na damit e" sabi ko, kaagad namang sumimangot si Mico.

"Meron ako sa sasakyan. Ano tara na?" Nakangiting tanong ni Mj. Tuwang tuwa si Mico na umakyat sa taas para magpalit ng damit.

Tinapik ko yung balikat ni Mj kaya napatingin siya sakin.

"Seryoso ka? Pwede naman next time nalang o bukas" sabi ko.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon