Chapter 30

15 4 2
                                    


Wala na nga kong mahihiling pa

kundi ikaw..

Ikaw ang kailangan ko

Sa simple na katulad mo ang buhay ko'y kumpleto na..

Ikaw lang sinta

Unti unting tumayo si Mj pero nanatiling nakayakap saken.

Humiwalay ako sa pagyakap sa kanya ng maramdaman kong may tumulong luha sa leeg ko.

Hinawakan ko yung mukha niya at hinarap yun saken.

"Bakit umiiyak ka? 'Di ba dapat masaya ka?" Tanong ko sa kanya at pinunasan yung luha sa mata niya.

Ngumiti siya tapos pinunasan din yung luha "Dapat pala Will you be my girlfriend nalang tinanong ko" natawa ako sa sinagot niya.

Siraulo talaga.

"Sabi ko sayo par e... dapat yun nalang yung tinanong mo" sigaw ni Denver mula sa gilid namen.

Humarap ulit ako kay Mj

"Bakit kasi hindi yun yung tinanong mo" biro ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla siya ulit lumuhod "Pwedeng take two? Yun nalang itatanong ko" natawa ako sa sinabi niya.

"Hoy hindi pwede yun.." sigaw ni Zaira.

Tumayo ulit siya tapos yinakap ako kasabay yun ng pagsabay niya sa kanta ni Mavy.

Simple lang ang pangarap ko

Mahalin ang katulad mo

Sana ay mapansin mo dahil

Simple lang ang pangarap ko

Maging ikaw at ako..

Ang tanging ligaya ko

Simpleng tulad mo..

Yumakap din ako sa kanya at sumabay sa kanta.

Simple ang pangarap ko

Mahalin ang katulad mo

Sana ay mapansin mo dahil

Simple lang ang pangarap ko

"Maging ikaw at ako.. Ang tanging ligaya ko... Simpleng tulad mo" napapikit ako habang nakayakap sa kanya ng ibulong niya yung huling lyrics "Simpleng tulad"

Sobrang saya ko sa ginawa ni Mj hindi ko alam kung anong tamang sasabihin sa kanya.

Basta isa lang ang sigurado ako.

MAHAL NIYA AKO!

"Hoy tama na yan, Group hug!" Sigaw ni Zaira.

Magkayakap kaming humarap sa mga kaibigan namen.

Akmang tatakbo na si Zaira papunta sa pwesto namen ng hawakan siya sa braso ni Denver at siya yung yinakap.

Nagtawanan naman kaming lahat.

"Whaaa bitawan mo ako!" Sigaw ni Zaira.

"Wag ka ngang magulo pabayaan mo na sila" saway sa kanya ni Denver.

Lumapit samen si Michelle siya na yung may hawak ng camera.

"Picture muna kayo" sabi niya.

Tinignan ko muna si Mj bago ngumiti sa camera.

Natawa naman ako ng makita si Trisha na nakasakay na sa wheelchair tulak tulak siya ni Mavy kasabay nila si Razz,Ysabelo pati Johnrick.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon