Naabutan namin sa baba si Mj kausap si Manang at Manong."Taray! bakit parang naiinggit ako? Parang gusto ko narin magka-lovelife" agad akong napatingin kay Zaira dahil sa sinabi niya.
Grabe talaga tong babae na to.
"Zai inaantay ka lang naman ni Den—"
"Shuuut! Ayoko marinig yung pangalan ng feelingero na yun—Change topic na agad.. kayo nalang dalawa yung mag-sundo kay ate jona" paliwanag niya tapos umakbay kay Manang na may hawak na damit.
"Oh hala! Ito yung damit, Lumarga na kayo lalong lumalakas yung ulan. Mag-iingat kayong dalawa" aniya at inabot yung damit sakin. Kinuha yun ni Mj tapos tumango kila Manang.
"Aalis na po kami" paalam niya bago humarap sakin.
Nagtataka naman akong tumingin din sa kanya.
"Mag-Jacket ka malamig sa labas" mahina niyang sabi kaya napatingin ako sa suot niya at nila Zaira. Nakajacket silang lahat.
"Oh ito.. mabuti nalang at nagbaba ako ng extrang jacket" sabi ni Manong tapos inabot sakin yung jacket. Tinulangan pa ako ni Mj mag-suot kaya si Zaira kulang nalang maglumpasay sa kilig.
Mas kinikilig pa talaga siya kesa sakin e.
Nagpaalam ulit kaming dalawa bago lumabas. Sabay kaming sumakay sa kotse niya at pinaandar niya na yun paalis.
Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan habang bumabyahe, Bakit kaya umulan? Kanina okay naman yung panahon.
"Meg Free kaba bukas?" Lumingon ako kay Mj nang magsalita siya.
Tumitig muna ako sa kanya bago sumagot "Siguro. Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Ah—Aayain sana kita lumabas" napangiti ako ng humina nanaman yung boses niya.
Nahihiya nanaman siya.
"Date? Inaaya mo akong mag-Date?" Tanong ko sa kanya.
Kita ko yung unti-unti niyang pagtango. Hindi ko na napigilan na matawa.
"Nahihiya kaba sakin?" Tanong ko.
Tumingin siya saglit sakin tapos tumingin ulit sa daan "To be honest, Yes.. pero alam ko naman na walang patutunguhan kong mahihiya ako. Hindi kita maaya mag-Date. So?" Balik niyang tanong.
Ngumiti ulit ako "Sure.. pero hati tayo sa gagastusin sa date natin" suhestyon ko. Agad naman siyang umiling.
"Ayoko. Ako yung nag-aya kaya ako yung gagastos" sagot niya.
Napalabi ako tapos tumingin sa daan.
"So, pag ako yung nag-aya mag-date ako yung gagastos?" Tanong ko. Umiling ulit siya.
"Ako parin" sagot niya.
Napacross-arm na ako.
"Bakit naman? Dapat ako na yung gagastos doon kasi ako yung nag—"
"Lalaki ako Maegan, at tungkulin kong ilibre yung taong nililigawan ko" sagot niya.
Tinitigan ko siya "Pag tayo na ba.. ikaw parin yung gagastos o share na tayo?" Nahihiya kong tanong.
Tumingin siya sakin nang nakangiti bago binalik sa kalsada yung atensyon.
"Say Yes para malaman mo" at ngumiti siya nang nakakaloko.
"Hahaha ewan ko sayo" yan lang nasabi ko hanggang makarating sa lugar na binigay ni ate.
Nang makita naming yung kotse lumapit kami sa pinto na nakabukas. Nakita ko si ate na basa na nakaupo doon.
"Hoy! Anyare sayo?" Sigaw ko sa kanya kasi malakas na yung ulan.
Kaagad napalingon si ate samin.
"Agh Thank God, Akala ko hindi niyo ako mapupuntahan" sabi niya.
"Ano po ba sira nang kotse Ate Jona?" Tanong ni Mj sa mula sa driverseat.
Napakamot si ate tapos tumingin kay Mj.
"Actually hindi siya sira, Naflatan lang ako kaso hindi ako marunong magpalit ng gulong" paliwanag niya.
Napailing nalang ako.
Hindi sa hindi siya marunong magpalit ng gulong ayaw niya lang madumihan kaya ayaw niyang gumawa.
Napalingon ako kay Mj nang buksan niya yung pinto ng kotse niya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Aayusin ko yung gulo" sagot niya.
"Bukas nalang mababasa ka walang kang da—"
"Nagdala ako ng extra Shirt.. Ibigay mo na kay ate Jona yang mga damit na hawak mo para makapag-palit na siya habang nag-aayos ako ng gulong sa likod" Napatingin ako sa likod niya nang suongin niya yung malakas na ulan.
"Hindi kami nag-kamaling payagan siyang manligaw sayo, He's nice and Cool man" kumento ni ate. Humarap ako sa kanya tapos binato yung damit mula sa inuupuan ko kaagad niya naman yung nasapo.
"Sweet rin siya" dagdag ko sa sinabi niya.
Sumenyas siya na lilipat sa likod para magbihis kaya tumango ako.Tinignan ko si Mj mula sa side mirror ng sasakyan.
Eksperto niyang pinapalitan yung gulong nang sasakyan namin hindi niya alintana yung lakas nang ulan.
Baka magkasakit siya.
Ilang saglit lang nakita ko yung pagtayo niya at pagbalik niya nang mga gamit sa compartment ng sasakyan. Naglakad na siya papalapit sakin.
"Okay na. Nagbibihis parin si ate?" Tanong niya.
Tatango na sana ako kaso nagsalita na si ate.
"Tapos na?! Geeez thanks Mj kung wala ka siguro hanggang ngayon nakatengga parin ako dito.. Salamat talaga" pagpapasalamat ni ate tapos pinaandar na yung sasakyan.
"Kasi naman ate mag-aral ka na kung paano magpalit ng gulong para sa susunod ikaw na yung magpapalit at para hindi na tayo maka-istorbo ng tao" sermon ko sa kanya.
Napatigil ako ng tumawa si Mj "It's okay Maegan kung para naman sayo, Okay lang sakin" lalo ako napatahimik sa sinabi niya.
Hanggang sa byahe namin pabalik sa bahay nakatingin lang ako sa labas. Ewan, pero ang lakas ng tama sakin nung sinabi niya sakin.
Ganun niya ba talaga ako ka-gusto? Hayst Mj bakit para hindi ata kita deserve. Bakit parang kulang ako para sayo.
Bakit parang sobra-sobra ka pa sakin? Nahihiya ako sa sarili ko na baka hindi ko masuklian lahat ng mabuting ginagawa mo sakin.
Natatakot ako na baka masanay ako na lagi kang nasa tabi ko tuwing kaylangan kita.
Sana maantay mo yung tamang oras,araw at panahon na sagutin kita.. doon manlang maparamdam ko sayo kung gaano ka kahalaga
Sakin tulad nang pagpapahalagang ginawa mo sakin."Tooo Cheesy! Arghhg!"napatuptop ako sa bibig ko nang mapasigaw ako bigla.
"Maegan are you okay?" Naga-alalang Tanong ni Mj. Unti-unti akong tumango habang nakahawak parin sa bibig ko.
Bakit kasi sumigaw ako? Hay ewan nababaliw na ata ako sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)