Chapter 32

12 3 5
                                    


Lumabas na ako sa Cr.. kayayari ko lang maglinis.

Buti nalang alam ng mga girls yung size ko.

Sila pala yung namili ng mga susuotin namen ngayon.

White T-shirt yung suot ko at maong na short. Hindi naman yun kaiklian.. sakto lang.

Tulog na yung mga kasama ko sa kwarto. As asual yung mga girls.

Dalawang kama yung nasa kwarto magkatabi sa kaliwang kama sina Reyna at Zaira kaya naglakad ako palapit sa tabi ni Juliana.

Nagpatuyo muna ako ng buhok bago natulog.


Kinabukasan...

Pangalawa ako sa mga nagising samen.

Ako at si Zaira palang yung gising yung dalawa tulog paren.

Tumayo na ako.

"Meg teka— ito pala yung damit mo oh" tumayo si Zaira at kinuha yung damit ko.

Nakaligo na kasi siya.

"Thanks" sabi ko bago abutin yung damit.

Pumasok na ako sa cr at naligo.

Habang nagbibihis napatigil ako sa pagtuyo ng buhok ko ng umingay sa labas.

"Hindi kayo gigising! Tayoooo!" Napailing ako ng marinig ko yung boses ni Michelle.

Andito na pala sila.

Lumabas na ako.

Natawa ako ng maabutan kong pinagpapalo ni Michelle ng unan yung dalawa pang tulog.

"Opps. Good morning Meg—Blooming like newlyweds ah" napahawak ako sa pisnge ko.

"Hahahaha. Kinikilig, Hindi pa naman kayo ah! Pahirapan mo muna bago mo sagutin ha" tinawanan ko siya.

"Syempre dapat tayo din ligawan ni Mj—By the way Kumusta si Uncle mo?" Tanong niya umupo ako sa gilid ng hinihigaan ni Reyna.

Gising na sila pero hindi pa sila bumabangon.

"Sabi ni Doc maco-coma daw si Tito pag hindi siya nagising in 24 hours." Bumuga ako ng hangin "Wala pa akong balita simula ng umalis kami kagabi" dagdag ko pa.

"Asaan si Trisha?" Tanong ni Reyna bago siya tumayo at pumasok sa cr.

"Nasa baba, Hindi kakayanin kung aakyat ng hagdan e" sagot ni Michelle.

"Tayo na girls! Magsisimba daw tayo tapos didirestso sa Hospital" sabi ni Michelle kaya tumayo na si Juliana.

Nagpaalam yung dalawa na lalabas kaya tumayo na ako para mag-ayos.

Inantay ko munang matapos mag-ayos si Reyna at Juliana bago kami lumabas.

Pagbaba namin dumiretso kami kaagad sa kusina doon kasi maingay e.

"Good morning Maegan" Napatingin ako sa pwesto ni Mj.

Nginitian ko lang at tinanguan.

"Nahiya pang sumagot para namang others e" natawa ako sa sinabi ni Denver bago umupo sa tabi ni Zaira.

"Edi Good morning Mj" sagot ko.

"Yown, Maegan alam mo ba—"

"Isa pang salita ipapasak ko tong buong plato sa bibig mo" natawa kami ng pasakan ni Mj si Denver ng tinapay sa bibig para tumahimik.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon