Maegan's POV
Pagkagising ko nagpaalam ako magjogging kila mama.
Nagjogging muna ako ng dalawang beses sa buong Village bago umupo at nagpahinga sa mini park sa loob lang ng village.
"Snift* Huhuhu *Snift" napalingon ako sa pinanggagalingan ng umiiyak.
Boses ng bata.
Tumayo ako at naglakad papunta sa likod ng padulasan. May nakaupong batang lalaki habang hawak yung tuhod niya.
Hindi naman siguro tyanak to noh? Maliwanag naman na eh.
Tsaka may maputi bang tyanak?
"Hello? Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
Narinig niya siguro ako kaya dahan dahan siyang humarap sakin.
"Shi-Shino *snift Ikaw?" Humihikbi niyang tanong.
Siguro kanina pa siya iyak ng iyak kasi medyo paos na yung boses niya.
"Pwedeng umupo?" Tanong ko habang nakaturo sa tabi niya. Agad akong naglakad at umupo sa tabi niya.
Naglabas ako ng extra panyo at tubig at inabot sa kanya yun "Ako si ate maegan.. Inom ka muna, Bakit umiiyak ka? Asaan si Mommy at daddy mo?" Tanong ko habang inaalalayan siyang uminom.
Tinitigan ko yung bata. Mukang anak mayaman, Maputi medyo namumula yung mukha siguro dahil sa iyak siya ng iyak tapos malinis parin yung suot niyang damit.
"Shi Mommy po? Wala po sha.. Nasha work po shi mommy, Shi daddy po nasha bago po bahay namin" natawa ako sa sinabi niya. Bulol ata sa S eh.
Ang cuteee!
"Gusto mo hatid kita sa inyo? Baka kanina kapa hinahanap ni daddy mo" sabi ko sa kanya.
Umiling siya "H-Hindi po ako hanap daddy.. Kashe andun uncle kaushap niya, Hi-Hindi sha payag magplay kami ng toysh ni-ni Uncle Huhuhuh" at umiiyak nanaman siya.
Halaka!
Hinimas ko yung likod niya." Uy tahan na baby.. Uy tahan na, Hindi marunong magpatahan si ate eh.. Jusmee! Tayo nalang ni ate yung maglaro gusto mo? Tumahimik ka lang"sabi ko kaagad naman siyang tumahimik kaiiyak.
Bata nga talaga Oo.
"Ta-talaga po *Snift" tanong niya
Kumamot muna ako ng ulo bago tumango.
Anak ka ng.. Nagjogging lang ako mukha napasama pa.
Humarap ako sa bata "Oo. Basta turo mo kay ate yung bahay niyo para maihatid kita ah.. tapos uuwi muna si ate para magligo tapos babalikan kita para maglaro tayo. Okay ba yun?" Tumango siya bago tumayo at hinatak ako.
Habang naglalakad kwento ng kwento tong bata. Ni hindi nga ako makasingit ng tanong kasi sunod sunod yung pagsasalita niya.
Hindi ba to tinuruan ng magulang niya na wag makikipag usap sa hindi kilala?
"Alam mo ate, Pogi shi Uncle tapos.. Tapos pogi ulit sha hahahaha" sabay halakhak niya.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Fiksi RemajaBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)