Chapter 5

21 5 0
                                    


Maegan's POV

Kinabukasan..

"Ma, Si Maegan may taga hatid na pag uwi" napatingin ako kay Ate.

Halaa!

Kumakain kami ng almusal, kaharap ko si Mama at si Ate Jona. Wala si papa siguro maaga yung meeting.

"Bunso?" Tanong ni mama.

Yung boses niya na naninigurado.

Saktong tapos naman na ako kumain kaya uminom muna ako bago tumingin sa kanya "Ma, Friend ko lang yun. Galing kasi kaming Mall nila Zai tapos sinama namin sila. kasama din niya yung mga kaibigan niya, Eh saktong madadaanan niya 'tong bahay kaya sumabay na ako" pagsisinungaling ko sa huli kong sinabi.

Hindi naman magagalit si mama, Siya pa nga mismo nagsabi samin ni ate  na masarap magkaroon ng kaibigan na lalaki pag highschool kasi may magtatanggol sayo sa mga loko loko. At hindi ka agad maliligawan.

"Sus, Manliligaw niya kamo yun ma " singit pa ni ate

"Jona?!" Bawal ni mama sa kanya.

Kala mo ha. Ganyan talaga si Ate pagdating sakin. Kj.

"Pero nak, Gusto ko silang makilala.. At makita. Pati sila Trisha, namimiss ko na yung mga bata na yun. Bakit ba kasi hindi mo sila inaaya dito?" Tanong ni mama sakin.

Close silang lahat kay mama.. Kaya nga pag andito yung mga yun parang sila na yung anak ni mama kesa sakin. Feeling at home yung mga yun.

"Naku Ma! Busy sa mga club, Tapos si Trisha busy rin para sa pagbubukas ng new Season ng UVL" sagot ko "Pag may extra time sila ma, dadalhin ko dito" tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"Malalate na po ako. Byee ate, Bye ma" kiniss ko si mama tapos tinapik ko nalang yung balikat ni Ate bago tumakbo palabas.

Sumakay na ako sa kotse bago tumango kay Manong para umalis papuntang school.

•••••

Bored na nakatingun ako sa Board. Nagsusulat lang kami ng Lecture dahil wala si Ma'am pero bawal kaming lumabas.

"Pst uy!" Napalingon ako sa bumato sakin ng Papel.

Lokoo to ah!

"Bakit?" Tanong ko kay Zaira

"Nakita mo na sa bulletin board mukha natin?" Tanong niya. May hawak pala siyang camera tapos nakatutok sakin yun.

"Hindi pa. Wag mo nga itutok sakin yan" saway ko sa kanya.

"Okay lang yan, Pangit ka naman HAHAHA" kinuha ko yung binato niya sakin at binato ko yun pabalik sakanya.

Sira ulong to! Okay lang sana kung unti lang nanunuod ng Vlog niya eh.

"Bakit wala si Juliana?" Tanong ko sakanya.

Wala kasi si Juliana, Nagtetext naman yun pag hindi papasok o 'di kaya pag may emergency.

Wala si Michelle. Excuse siya kasi may pina-sketch si Dean na jersey para sa mga player..

"Oo nga. Lagi nalang nawawala yung batang yun, hanapin natin mamaya ha" saktong sabi niya nun tumayo yung president ng subject namin at sinabing pwedeng ng lumabas kaya tumayo na kami at naglakad papalabas.

"Asaan kaya yun?" Tanong ko.

"Uy wait niyo ko!" Napahinto kami sa paglakad.

Oo nga pala si Reyna pa Hahaha.

"Saan kayo pupunta?" Tanong niya.

"Hahanapin si Juliana" napahinto siya sa sinagot ni Zaira.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Eh kasi" tinignan niya kami.

"Pabitin pa, Ano nga?" Tanong ni Zaira sa kanya.

Hinatak niya kami paupo sa malapit na bench.

"Wag niyo munang sasabihin kay Trisha ah. Kasi kanina pagpasok ko, Si juliana sinusundan si Alice papuntang Math park. Kaya ayun.. sinundan ko siya. Tapos, Huli kong nakita.. Magkaharap silang dalawa. Hindi ko na punakinggan yung pinag usapan nila kasi malalate na 'ko kaya tumakbo na ako papasok" paliwanag niya.

"Hala ka! Paano yan?" Tanong ko.

Problema nanaman 'to.

"Ewan ko rin eh. Gusto niyo kausapin natin si Juliana?" Tanong ni Reyna.

Umiling si Zaira "As if naman na aamin yun. Si Alice na kausapin natin" sabi niya.

"Ehh.. Paano si Trisha? Sasabihin ba natin?" Tanong ko.

"Wag na muna siguro.. alam mo naman yun Allergic kay Alice. Tayo nalang tsaka hindi rin yun papayag na kausapin natin si Alice" paliwanag ni Zaira.

"Tara, hanapin na natin habang breaktime pa"aya ni Reyna.

Sabay sabay kaming naghanap kay Alice. Sa Canteen, Sa room niya, Sa parking lot sa Library pero wala.

Napakagala naman nun.

"Ay nako! Asaan ba yun? Napakagala naman nun. Buti nalang Spec. Time natin" sabi ni Zaira.

"Uy saan kayo pupunta?" Napatingin kami sa likod namin.

Si Denver pati si Mavy.

"Wala lang. Gala gala lang ganun" pagsisinungaling ni Zaira.

"Bakit.. hindi paba kayo nakakagala dito sa school niyo?" Takang tanong ni Denver.

Ay nakoo magsisimula naman yung dalawa.

"Ano ba pakialam mo!? Eh trip namin maggala" sagot ni Zaira.

"Highblood masyado" bulong ni Denver.

Napangiti ako..

Ang cute nilang dalawa HAHAHAH.

"Uy boys, Maiwan na muna namin kayo ha. May pupuntahan kasi kami eh, Babye" sabay hatak samin ni Reyna.

Naglakad kami papuntang Math Park. Saktong nakita namin si Alice na nakaupo kaya nilapitan namin siya.

Andito lang pala siya.

"Hindi mo talaga siya titigilan noh?" Bungad ni Reyna sa kanya.

Agad siyang nag angat ng tingin samin. Nagulat pa siya tapos tumingin sa likuran namin.

" 'Wag mong antaying isama namin yung hinahanap mo. Alice, hanggang kelan mo ba lolokohin yung kaibigan namin ha?" Tanong ko sa kanya.

Umiling muna siya sakin bago ngumiti "Wag niyo nga kaming pakialamanan" sagot niya.

"Tigas rin ng mukha mo noh? Samantala dati nagmamakaawa ka na palayuin namin sayo yung kaibigan namin. Tapos, Ngayon? Sasagutin mo ako ng wag namin kayo pakialamanan" galit kong sabi sa kanya.

"Iba yung dati sa ngayon Maegan. Tsaka pwede ba wag niyo na ulit akong lalapita, Baka makita pa kayo ni Trisha" sabay tayo niya.

tatalikuran na sana niya kami ng hatakin ulit siya ni Zaira paharap.

"Wag mong antaying gawin ulit ni Trisha yung ginawa niya sayo dati Alice.. At pag nagkataon, sisiguraduhin namin na hindi ka na makakalabas ng hospital" banta ni Zaira sa kanya.

Nginitian niya lang kami at naglakad paalis.

Bago pa man siya tuluyang makalayo humarap ulit siya samin

"Hindi lahat ng bawal na pagmamahalan na pagbabawalan" makahulugan niya sabi bago kami tuluyang alisan.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon