Chapter 42

9 3 0
                                    

(Program 2)

"Ate Maegan! Bakit po hindi katulad nang sa inyo" napangusong sabi ni Lory sakin.

Napangiti ako at lumapit sa kanya. Isa siya sa mga bata na tinuturuan ko.. Siya naman yung pinaka-madaldal sa lahat pero okay lang kasi ang cute niya.

Kumuha ako sa nang upuan tapos umupo sa tabi niya. Tinignan ko yung gawa niya.. Dapat sunflower yung ipi-paint niya kaso parang nag-iba parang naging araw na ewan.

"Ate bakit ka tumatawa?" Nakanguso niya ulit na tanong.

Tinignan ko siya at ngumiti "Ano ba nasa isip mo habang nagda-drawing ka?" Tanong ko sa kanya.

Lalong humaba yung nguso niya sabay tingin sa sinag nang araw "Araw po, kasi gusto ko po nang liwanag tsaka masaya po ako pag-nakikita yung araw tuwing umaga" nakangiti niyang paliwanag.

Kinuha ko yung ginagaya niya tapos nilagay yun sa likod namin. Humarap ulit ako sa kanya.

"E 'di iyon yung iguhit mo. Alam mo Lory sa pag-guhit hindi natin kailangan nang pag-gagayahan, basta nasa utak at isasapuso mo yung pag-guhit magiging maganda yung kalalabasan" nakangiti kong paliwanag.

"Pero bakit po kanina ginagawa ko po yung bulaklak.. pero araw po yung kinalabasan?" Tanong niya ulit.

Hinawakan ko yung balikat niya "Kasi nga sinasabi ng utak mo sa puso mo na araw yung gusto mong iguhit kaya ayan, naging araw yung kinalabasan" paliwanag ko ulit. Tumango-tango naman siya.

"Ate pag nagda-drawing ka po ba may ginagayahan karin?" Tanong niya ulit.

Umiling ako "Wala. Pero meron ako pinag-gagayahan sa isip ko. Siya yung nagsasabi sakin kung ano yung ida-drawing ko tapos pinapaganda naman nito" sabay turo sa puso niya.

Nagulat ako nang bigla siyang yumakap sakin "Ate, Gusto ko po maging katulad niyo" sabi niya.

Napangiti ako tapos hinaplos yung buhok niya "Lory mas magiging magaling kapa kay ate paglaki mo." Sabi ko sa kanya.

Humiwalay na siya sa pagyakap sakin tapo kumuha ulit ng brush.

"Tama ka ate. Mas gagaling pa po ako sayo" confident niyang sabi tapos nagsimula ulit sa pagkulay.

Tumayo na ako tapos hinawakan siya sa ulo.

"Hahaha tama lory mas mahihigitan mo pa si ate" sabi ko sa kanya bago pumunta sa ibang bata para iguide sila sa pag-guhit.

Habang naka-upo katabi nang mga kasamahan ko bigla silang nag-ubuhan kunwari tapos tumingin sa gilid ko kaya napatingin din ako doon.

"Ang sweet naman pala nang manliligaw" sabi ni Dianne.

Inirapan ko siya tapos tumingin kay Mj na kakaupo lang sa tabi ko.

"Kain ka muna" sabi niya tapos nilagay yung dala niya sa harap ko.

Kinuha ko yun tapos binuksan. Sandwich.

"Kumain kana?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya "Yep, pagyari nung tugtog namin"sagot niya.

Nag-ahh lang ako tapos hinati yung sandwich na dala niya.

Kumuha ako ng extrang plato tapos nilagay yun sa harapan niya naligay ko narin dun yung hinati kong sandwich.

"Saluhan mo ako" sabi ko tapos nginitian siya.

Sabay namin kinain yung dala niya.

"Hahatid kita mamaya ah" sabi niya nang matapos kaming kumain.

Tumango ako "Okay. Aalis nga pala kami nila ate, pupunta kaming Mall" sabi ko. Kinuha ko yung mga pinagkainan namin tapos niligpit yun.

"Anong gagawin niyo dun?" Tanong niya tapos nagsalumbaba sa harap ko.

Sumadal ako sa inuupuan ko "Mamimili kami nang damit para sa Family day ni Mico bukas" sagot ko.

"Hindi ka papasok bukas?" Tanong niya.

Nagkibit balikat ako "Ewan. Diko pa alam kung anong oras e" sagot ko.

Umayos siya ng upo "Sama ako" Napatingin ako sa sinabi niya.

"Wag na, tsaka baka may gig kayo" sabi ko sa kanya.

Umiling siya " Sama na ako wala naman kaming tugtog bukas" pagpupumilit niya.

"Wag na"

"Sama na ako"

"Wag na"

"Sasama nga ako"

Tinignan ko siya "Bahala ka." Yun lang nasabi ko sa kanya.

Ang kulit naman kasi.. kulang na nga lang doon siya matulog sa bahay pag walang pasok e. Hindi ba siya nananawa sa pag mumukha ko?

"Ate Maegan! Ate Maegan!" Napatingin kami kay Lory na tumatakbo palapit sa pwesto namin.

Nang makalapit si Lory samin tumayo si Mj at pinaupo si Lory sa inupuan niya kanina. Umupo siya sa mesa.

"Bakit Lory?" Tanong ko.

"Kasi po natapon yung pintura sa damit ko" nakanguso niyang sabi kaya napatingin ako sa damit niya. May pintura nga.

"Ano bang ginawa mo?" Tanong sa kanya ni Mj. Napatingin sa kanya si Lory tapos tumingin ulit sakin.

"Boyfriend niyo po?"sa halip na sagutin yung tanong ni Mj nagtanong siya sakin.

Natawa naman si Mj  "Hindi pa. Saan mo natutunan yung boyfriend, boyfriend na yan ha?" Tanong ko sa kanya.

Nakakapagtaka naman kasi alam niya yung mga ganyan e puro madre yung kasama niya at take note kaidaran niya lang ata si Mico.

Kumamot siya sa tukling ng ilong niya bago humagikhik "Narinig ko lang po kila ate Mina Hehehe wag po kayo maingay kay Sister ate Maegan ah. Bagay po kayo hehehe" dagdag niya. Napatingin ako kay Mj nang lumakas yung tawa niya.

"Bagay ba talaga kami ni ate Maegan mo?" Tanong ni Mj sa bata.

Tumingin muna sakin si Lory bago tumango "Opo. Kuyang pogi wag mo sasaktan si ate Maegan ah, sabi ni Sister pag sinaktan daw po ng boy yung girl bad daw po yun" mahaba niyang paliwanag.

Napangiti ako.

Nag-Squat si Mj sa gilid ni Lory para magpantay sila. Hinaplos niya pa yung buhok ni Lory.

"Wag kang mag-alala Lory aalagaan ko si ate Maegan mo." Tumingin siya sakin "Kasi siya yung tipo ng babae na pinapahalagahan at hindi iniiwan" sabay kindat niya sakin.

Napangiti ako at napahawak sa puso ko.

Napakahalaga nang mga salitang lumalabas sa bibig niya, na para bang napakahalaga kong tao sa buhay niya.

Napakurap ako nang maramdaman kong may humawak sa dibdib ko kung asaan andun yung puso ko.

Si Lory.

"Ang bilis po nang tibok ng puso niyo ate" sabi niya sakin.

Humarap siya kay Mj "Kuya ganto rin po ba yung tibok ng puso niyo tulad nang kay ate?" Tanong niya at sabay kaming tumingin kay Mj.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon