Chapter 1

87 8 5
                                    

Maegan's POV

Monday..

Naiinip na ako kakaantay sa pagdating ng mga kasamahan ko na mga Visual Arts.

Kanina pa ko andito sa Art Room pero wala parin sila.

"Asaan kaya yung mga yun?"sabay kamot sa baba ko.

"Ate Maegan!" Napatingin ako sa pinto.

Si Jana isa sa mga Junior na tinuturuan ko sa pagpipinta.

"Uy Bakit ngayon kalang? Asaan yung iba?" Sabay tingin sa likuran niya.

Baka mga nagtatago lang.

"Nasa club room po. Kanina ka pa po inaantay nila Ma'am doon, Pinasundo ka nga po nila sakin e" sagot niya

Naknang.. kaya pala 'alang dumating sa mga inaantay ko dahil inaantay rin nila ako. Hay! Buhay nga naman, Oo.

"Eh kanina ko pa kayo inaantay dito eh. Tara na" sabay kaming naglakad palabas papuntang gym.

•••

"Ma'am andito na po si Ate Maegan!" Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa pinto ng isigaw yun ni Jana.

At jusko po rudy tumingin lahat ng tao samin... andami guys, promise.

Hindi pa pamilyar yung iba.

Kinawayan ako ni Ma'am Aly na nasa stage kaya nakayuko akong tumakbo papaakyat doon.

"Kailangan talagang may special entrance ka pa noh?" Sarcastic na sabi ni Trisha nang tumabi ako sa kanya. Naka jersey siya siguro maglalaro to.

"Syempre Special ako e" pabiro kong sagot.

"Special Child" nawala yung ngiti ko sa sinabi niya.

Tinignan ko pa yung iba naming katabi sa upuan. Mga leader/President ng iba't ibang club.

Tumingin ako sa kaliwa ko ng tumayo si Trisha, Si Michelle na busy sa pag-aayos ng sarili niya.

"Anong meron?" Tanong ko

Huminto siya sa pagmemake up at tumingin sakin "Hindi mo na receive chat namin sayo? Ngayon yung simula ng Audition para sa bagong mga members ng club" paliwanag niya kaya tumingin ako sa mga students na nakikinig sa sinasabi ni ma'am Aly.

Nagpadausdos ako sa upuan ko.

Ito yung nakakatamad sa pagiging president ng Club eh. Yung magja-judge ka mag hapon.

"Ehh.. Ang aga naman ata?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nga, Diko nga alam kay ma'am eh tapos hindi rin tayo nakapagmeeting" singit ni Zaira na katabi ni Michelle.

"Eh ang sabi ni Coach sakin may Big play daw tayo na gagawin.. tinanong ko nga kung anong connect ng sports sa play na gagawin eh, nadamay pa kami dito" dagdag ni Trisha na kakaupo lang.

Oo nga pala hindi namin siya kaklase kasi SPS siya.. kung samen may kinalaman sa Arts sa kanila naman puro Sports, Nasa dulong room yung sa kanila.

Kinuha ko yung tubig niya at ininom yun. Agad niya naman akong sinamaan ng tingin.

"Painom lang. Hindi ba pwedeng bukas nalang?" tanong ko sa kanila.

Sabay sabay silang umiling.

"Club's Leader pumunta kayo dito!" tawag ni Ma'am samin. Sabay sabay kaming tumayo at lumapit sa kanya.

"Ma'am saan sila pupunta?" Napatingin ako kay Reyna at tumingin sa tinitignan niya.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon