2:30 pm..Nakapikit ako habang nakikinig sa kwentuhan ng mga kaibigan ko sa loob ng sasakyan.
Tulad ng sinabi ni Ysabelo Land travel kami ngayon.
Si Mj yung nagda-drive.
"Bukas busy-busihan nanaman kami ni Maegan para sa renovation ng hallway" napadilat ako sa sinabi ni Juliana.
"Magpapractice na ako bukas" singit ni Trisha kaya tumingin lahat sa kanya.
"Sure na okay na ba yung paa mo?" Tanong sa kanya ni Mavy.
"Kaya nga Shang? Diba naka wheelchair ka palang kahapon?" Dagdag ko.
"Tsk. Okay na ako—Bakit parang ayaw niyo ata akong paglaruin ha?" Napatigil yung iba sa ginagawa nila dahil sa sinabi ni Trisha.
"Hoy! wag ka nga OA dyan, Iniisip kalang naman namin. Paano pag lumala yan ah tapos tuluyan ka ng hindi makapaglaro?" Tanong sa kanya ni Zaira.
"Kaya nga. Baka lalapit lapit ka samin tapos sasabihin.. Sana pala nakinig ako sa inyo" dagdag ni Reyna.
"Hay, Ewan ko sa inyo. Basta magpapractice ako bukas. Pag hindi ko naman kaya titigil ako e" tumango nalang kami sa sinabi niya.
"Change topic tayo. Mj bakit parang hindi mo naman nililigawan si Maegan e" nanlaki yung mata ko sa tinanong ni Michelle.
Nakita ko yung pagngiti ni Mj sa Sidemirror.
"Chill muna kayo" sagot niya habang nagda-drive.
"Wag nga ganyan yung pinag-uusapan niyo. Hindi ako nakakarelate" natawa ako sa siningit ni Zaira.
"Sus parang kanina lang panay ka kwento tungkol sa love" sabat ni Juliana.
"Yun naman pala e. Zai Ligawan mo ako para pagsinagot kita maka-relate ka sa pinag-uusapan nila" sabat naman ni Denver.
Here we go again!
"So, ako pa talaga yung maga-adjust ganun! Kapal ah. babae pa talaga manliligaw sayo? Kapal mo naman prend!" sagot ni Zaira.
Tumawa si Denver tapos humarap sa inuupuan ni Zaira.
"Edi ako yung manliligaw sayo para naman hindi ka na mag-adjust para saken" sabi niya sabay kindat.
Natawa naman ako.
Kinikilig talaga ako sa dalawang to.
"Yucccck! Wag mo na nga'ng gagawin ulit yun nakakadiri!" Sabi sa kanya ni Zaira.
Kami naman tawa lang ng tawa habang nanunuod sa kanila dalawa.
"How about kiss Zai mandidiri ka parin ba o kikigin na?" kaagad kaming napatigil dahil sa tinanong ni Denver.
How about kiss Zai?
How about kiss Zai?
How about kiss Zai?
Napahawak ako pisnge ko.
Bakit ako kinikilig sa tinanong ni Denver kay Zaira.
"Tangna par. 2 points kana napa-tahimik mo nanaman si zaira" sabi ni Razz kaya napatingin ako kay Zaira. Nakatingin lang siya sa labas.
Hahaha kunwari pa pero kinikilig na yan HAHAHAHHAHA.
"May bonus pa! Lahat ng girls napatahimik mo" sabat ni Johnrick.
"Ikaw kaya sabihan ng ganun dika tatahimik?" Napatingin ako kay Zaira ng marinig ko yung pag-hikbi niya.
Hala bakit siya umiiyak.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Подростковая литератураBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)