Kinabukasan...Maaga akong pumasok dahil ngayon yung simula sa renovation ng hallway.
Nag-civilian nalang ako.
Madudumihan din naman kasi kung mag-uuniform pa ako.
Naglakad ako papuntang Art Club.
Napahinto ako ng maabutan ko si Ysabelo tsaka Juliana sa loob.
"Good morning. Aga naten ah" bati ko sa kanila bago umupo sa upuan na nasa harapan nilang dalawa.
"Yeah— Meg hindi pala papasok si Clarisse" napa-pout ako sa sinabi niya.
"Nge, Paano yan tayo nalang tatlo? Kung ganun magsimula na tayo. Ysabelo palabas na naman nung mga paint— Juliana tara ilabas na natin yung mga gagamitin" tumayo na kami tatlo at sinimulan yung paglalabas ng mga gagamitin.
Buti nalang mga may nagdatingan pa na kasama namen kaya natulungan kaming magbuhat papunta sa MAPEH department. Doon muna kasi kami unang magpa-paint.
Pagdating doon pinag-usapan muna naming tatlo kung paano hahatiin yung gagawin.
Si Ysabelo yung nakapag-usapang magpipintura ng puti sa lahat tapos si Juliana naman bahala sa mga quotes na kaylangan. Ako naman yung design bale pag nakayare ng mabilis si Ysabelo tutulong siya saken.
Pumwesto na kami sa kanya kanya nameng gawain at nagsimula na sa pagpipintura.
••
•
Wala pa kami sa kalahati ng buong hallway na MAPEH DEPARTMENT pero pagod na kami at tanghali na.Umupo ako sa hinandang upuan ni Ysabelo para kung sakaleng magpapahinga kami.
Pinunasan ko yung pawis ko at tinignan ko yung dalawang na kakaupo lang.
"Wala pa tayo sa kalahate pero pagod na ako" reklamo ni Juliana.
"Buti nga hindi masyadong mainit tsaka buti ka'mo sinarado yung daanan..kung hindi—nakoo lalong hassle" dagdag ko sa sinabi niya.
Natawa naman si Ysabelo tapos inabutan kami ng chips.
"Bakit hassle ba nung gumawa kayo dati?" Tanong niya.
Umiling ako "Ewan pero parang.. hindi lang naman kami gumawa nung nakaraan e kasama namin yung mga dating senior, di tulad ngayon mas marami yung junior kesa sa ating senior" paliwanag ko.
Tumango-tango naman siya.
"Pero bakit pala parang biglaan yung renovation?" Tanong naman ni Juliana.
"Last year pa kasi dapat ito ni-renovate kaso lang hindi natuloy yung bisita, ewan lang ngayon" sagot ko.
Napa-ahh lang sila.
"Maegan!" Napatingin ako sa harang na malapit sa pwesto namen.
Si Andres
"Bakit!?" Tanong ko.
Sumenyas siya kung pwedeng pumasok kaya tumango ako.
Maya maya lang andito na siya sa pwesto ko. Bumati siya sa dalawa.
"Bakit?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Si Trisha ba papasok na ngayon?" Tanong niya. Tinignan ko yung oras lagpas 10 na ah.
Tumango ako "Sabi niya magpapractice na daw siya e, wala ba sa court?" Balik kong tanong sa kanya.
Umiling siya tapos kumamot sa batok "Hindi pa ako pumupuntang court e. Hahaha" napangiwi naman ako sa sinagot niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/168660909-288-k216775.jpg)
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)