Maegan's POV
Dahil sa kabaliwan namin kagabi, Late kaming lahat nagising.
Uuwi dapat kami bago maglunch kaso napuyat kami kaya 1 na kami nakadating sa kanya kanya naming bahay. Kaya yung 1 na napag usapan dapat na mag gagawa kami ng mga Cupcakes naging 2 kaya yung mga kasama ko kanya kanyang nakahalata dito sa bahay.
Ang tagal dumating ng mga boys.
Tinignan ko sila isa isa.
Parehas nakadapang natutulog si Zaira at Trisha sa Carpet na nasa lapag. Si Michelle naman nakaupo habang nakadukdok yung ulo sa mesa, Tulog din syempre. Si Juliana at Reyna nasa kusina kumakain.
Kawawa naman yung mga kaibigan ko.
Wala sina mommy at daddy nasa trabaho, si ate naman nasa galaan.
Kaya kami nila manang yung natira dito sa bahay.
*Beeeeeep!
Napatingin ako sa labas.
Busina ng kotse.
Tatayo na sana ako para tignan kung sino yung dumating ng biglan namang nagsalita si manang mula sa garden namin.
"Oh hala't ako na yung magbubukas" ngumiti ako kay manang bago tumango.
Sakto naman yung labas ni Reyna at juliana galing kusina. Syempre may dala silang pagkain na nasa plato.
"Sila nayun?" Tanong ni Reyna at umupo sa lapag kung saan natutulog sila Trisha.
"Siguro, Ano yan?" Tanong ko at tinignan yung kinakain niya.
Ay Nova, Ayoko
Umiling ako at kumuha sa plato ni Juliana na kauupo lang sa tabi ko.
"Manang sino yun?" Tanong ni Juliana kay manang na kapapasok lang.
"Sila na ata yung inaantay niyo, Nariyan rin yung poging binata nung isang gabi dito. Yung bisita mo maegan" nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Manang.
Andyan na nga sila.
"Bakit wala pa?" Tanong ni Reyna habang nakatingin sa likod ni Manang.
Kumamot ng ulo si manang "Mga nahihiya ata. Sinabi ko na sumunod sakin eh. Hala, Sige sunduin niyo na para maihanda ko na yung gagamitin niyo sa kusina" tumango kami kay Manang bago sabay sabay na lumabas tatlo.
Hindi na namin ginising yung tatlo. Dagdag ingay lang yun Hahaha! tsaka magigising rin naman yun pagnag ingay na yung mga boys.
"Uy bakit ayaw niyo pa pumasok?" Bungad kong tanong sa anim paglabas namin.
Mga nakasandal pa sa kotse nila.
Sosyalin sari sariling sasakyan. Si Mavy tsaka Denver nakashades pa.
"Pano 'tong dalawa nahihiya pang pumasok" sabay turo ni Denver kay Mavy at Mj.
"Asan yung iba, Kayo lang?" Tanong ni Mavy.
Umiling kami "Nasa loob, Mga tulog. tara na, pasok na kayo" aya ni Juliana.
![](https://img.wattpad.com/cover/168660909-288-k216775.jpg)
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
Teen FictionBefore anything else, let's talk about love! Series # 1 (Maegan Malinao)