Chapter 4

32 6 2
                                    


Maegan's POV

Pagpasok.. dumiretso agad kami sa malapit na Restaurant.

Mga gutom kasi yung mga boys.. Lalo na si Razz, always gutom.

Habang kumakain pinaliwanag namin sakanila yung bazaar na sinasabi ni Dean. Nagsuggest din sila kung ano yung pwedeng ibenta at karamihan doon puro kalokohan.

"Eh kung Cookies,cheesecake and Cake nalang kaya? Diba marunong naman tayong lahat magbake, girls? Then, Yung mga boys.. kayo yung gagawa ng Stall natin"suggestion ko sa kanila.

Tumingin sila sakin.

"Nice Maegan! Oh ano payag ba kayo?" Tanong sa kanila ni Zaira.

"Syempre naman" sagot ni Razz

"Basta talaga pagkain ang bilis mo pumayag" sabi ni Mavy sa kanya.

Kaya natawa kaming lahat.

Oo nga basta talaga pagkain tong si Razz.. Go lang!

"Hahaha! Ysabelo ikaw na magsketch ng itatayong stall ah, Patulong ka nalang sa girls para sa design" tumango si Ysabelo sa sinabi ni Mj.

"Yun.. Patulong ka nalang kay Reyna" dagdag ko.

Nagtinginan kaming dalawa ni Mj at ngumiti.

Hehehe. Enebeeee..

"Hoy anong ngitian yan ha!" Puna ni Johnrick samin. Agad naman akong umiling.

Chismoso.. Panira!

"Tara na, TimeZone tayo" aya ni Denver. Tumayo na kami at maingay na pumunta sa TimeZone.

Hehehe nakalibre kami. Si Mavy yung nagbayad ng kinain namin.

••••

"Razz laban tayo" aya ni Johnrick kay Razz sa basketball machine.

"Ge—"

"Wait lang! Sali kami.. Dapat may Dare pagtalo" napatingin kami kay Zaira.

"Anong Dare naman Zai?" Tanong ko.

"Ano yun?" Tanong ni Denver.

"Para maiba naman Girls Vs boys. Kayo laban samin" sagot niya at hinatak pa kami sa tabi niya.

"Ge.. Payag!" nakangiting sabi ni Juliana.

Hehehee lalakas ng loob kasi Taong TimeZone kaming magkakaibigan. Dati..

"Hahaha! Ano naman yung magiging dare sa talo?" Tanong ni Mj.

"Kayo bahala." Nakangiting sabi ni Zai "Pag isipan niyo yung papagawa niyo samin pagnatalo kami" pagtuloy ni Zaira "Tapos pagiisipan namin ipaparusa namin sa inyo, Ge meeting meeting muna kayo" utos sa kanila ni Zai bago siya lumapit samin. Bumilog kami sa kanya.

"Ano nanaman yang naiisip mo?" Tanong ni Trisha sa kanya.

"Oo nga. Baka kalokohan nanaman yan" dagdag ko.

Masyado mataba yung utak ni Zaira kaya nakakakaba yung pinaplano niya.

"Basta. HAHAHA" sagot niya lang.

"Loko ka Zai" sabi ni Reyna sa kanya.

"Ano yung papagawa natin sa kanila?" Tanong ni Juliana.

"Ito na nga. Pagnatalo natin sila. Naiisip ko pagsusuotin natin sila ng Pink na T-Shirt sa pinaka Event natin. tapos, dikitan natin yun ng papel na may sulat na FreeHugs para maraming mamiling girls satin.HAHAHA" napangiti kami sa sinabi niya "Ipepwesto natin sila sa harap ng Stall natin"dagdag niya pa.

Let's Talk About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon