Makalipas ang pitong taon.
LEUWAN'S POV
Tumingin ako sa labas ng mataas na building na iyon. Napakahaba ng pitong taong na inilagi ko rito sa Dubhai. Nagtrabaho ako pero hindi ko man lang naisip na umuwi ng Pilipinas dahil sa kaiiwas kay VeneXity.
Hinarap ko ang buhay na wala siya... pero hindi sa kanyang alaala.
Nandito pa rin ako at umaasa na magkakabalikan kaming dalawa.
Pero sa tagal ko rito, imposibleng hintayin pa rin niya ako sa panahong ito.
Baka nga mayroon na siyang asawa at anak.
Baka ako na lang ang umaasa at tuluyan na niya akong kinalimutan.
"No one can replace Leuwan in my heart... He will always be my one and only..."
Tandang-tandang kong sabi ni Xity habang nakikinig ako sa kabilang linya ng telepono.
Kinuntsaba ko ang kanyang mga kaibigan para lang malaman ko kung mahal pa ba niya ako o hindi na.
Hanggang ngayon, bilanggo pa rin ako ng nakaraan.
Hindi ko pa rin napapatawad ang aking sarili sa ginawa kong kasalanan.
Puwede ko naman siyang tawagan pero hindi ko nagawa.
Sa tingin ko, ito na ang tamang panahon para muli kaming magkita.
Kung magkita kami ngayon at wala na talaga akong pag-asa...
Kailangan ko na rin sigurong mag-move on...
Nag-impake na ako ng aking gamit.
Uuwi na ako ng Pilipinas.
Hinawakan kong mabuti ang aking passport.
Kinuha ko rin ang aking jacket.
Sinagot ko ang tawag sa aking telepono habang naglalakad papunta ng departure area ng airport. Maaga akong nag-check para siguradong hindi ako mahuhuli sa biyahe.
"Leuwan, sigurado ka na ba sa gagawin mo?"
"Yes, Boss... Sana nga po, matagal ko na itong ginawa"
"Kung anu't anuman ang mangyari, bumalik ka dito sa S&C Construction. You will always have a spot in our company"
"I'll give you a ring right away ,Sir."
"God bless sa pag-uwi...Balitaan mo na lang kami pagkadating mo"
"Areglado , Boss"
Big boss ko ang tumawag sa akin.
Matagal akong nagtrabaho sa S&C Construction bilang Chief Engineer .
Malaking kawalan ang pag-alis ko sa kompanya kaya hangga't maaari ay gusto nilang manatili ako dito.
Pero tinapat ko na sila.
"Gusto ko na rin pong magkapamilya. Tumatanda na rin po ako."
Iyon eh kung naghihintay pa rin sa akin si VeneXity.
INTERNATIONAL AIRPORT, PHILIPPINES....
SUNDAY 3:00PM
Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, kinuha ko ang aking coat at maliit na clutch bag.
Binuksan ko iyon at kinuha ang aking cellphone.
Pumindot ng numero.
"Hello,Mommy. I'm home"
"Leuwan..."
"Yes, Mommy. It's me, Leuwan"
"Leuwan, di ka man lang nagpasabi na uuwi ka na"

BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...