Meet the Gang

2.2K 53 0
                                    

"TOL PASA!"

Pinasa sa akin ang bola then beng!!!!! another three points na naman...Score 36-34 kami ang nanalo.

"Oh panu ba yan natalo na naman kayo,anu ba yan! ganun niyo na ba kamahal ang title niyo na pagiging " loser" ha." I said to them while wiping my sweat. Binigyan naman ako ng isa sa mga kabarkada ko bottled water. Palibhasa hindi naglaro,naging audience lang sa " madugo naming laro".

"Pinagbigyan lang ulit namin kayo kasi parang iiyak ka na kanina nung ang laki ng lamang namin sa inyo.Hahaha" sabi ni Drake. Yabang talaga kaya ayun binato ko nga sa ulo ng bottled water, meron pa ngang konting laman..Sakit nun sigurado..

"Ulol! Kung tutuusin nga si Rodj lang lagi ang nakakapuntos, ang sabihin mo talagang lalamya lamya ka lang , palibhasa kasi puro babae ang kasama kaya yan tuloy nahawaan ka na yata ng pagiging weakling nila."

"Anung weakling ha? Kita mo ba to ( sabay pakita ng kanyang itinatagong abs) weakling bang matatawag ang me 6 na pandesal ha." Sabi ni Drake.Pero in peyrnes naka 6 packs ang loko pero sorry siya hindi ako katulad ng ibang babae na kulang nalang ay maglaway na parang aso kapag nakakakita ng abs.

"Yuck pare pandesal ang tawag mo diyan?! Akala ko kasi hopia! ang liit kasi!" Hahaha at ang loko mukhang asar na, namumula na kasi ang mukha niya. Nice one!

"Hopia pala ha,alam mo tol willing naman ako na ipahawak sa iyo to eh (referring sa kanyang "pandesal " daw) hindi mo na kailangang magpakahirap na insultuhin ako dahil ang abs ko parang 7-11,, 24/7 na open para sa mga babaeng may gusto.

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo,kahit magunaw pa ang mundo hinding hindi ko yan pagnanasaan, makita ko pa nga lang yang" hopia" mo feeling ko babangungutin na ako."at inemphasize ko pa yung word na hopia.

"Ganun pala ha,pwes babawiin mo yang sinabi mo pag nahawakan mo na ito" at lumapit siya sa akin, pero kahit may pagkasutil ang bida niyo,conservative pa rin ito kahit papaano,. . .kaya eto ako ngayon dinaig pa si flash sa sobrang bilis kong tumakbo.Walanjo! Hinabol narin niya ako pero sorry siya mas mabilis ata ako sa kanya,, nakalimutan niya ata na runner ako nung high school.

Paikot ikot lang kami sa buong court. Basketball ang PINAGKAKAABALAHA ko.. oh diba kapag hindi ka ba nga naman mangitim,,at yes,puro lalaki ang mga kabarkada ko. Never akong nagkaroon ng babaeng friends dahil naniniwala ako na mas loyal ang mga lalaki na maging kaibigan. Mas straight to the point ang lalaki pagdating sa bagay bagay, na tipong sasanihin talaga nila sa inyo lahit masakit sa kalooban. . unlike girls,sa harap akala mo ang close close niyo,me endearment pang nalalaman sa isa't isa pero kapag nakatalikod na, halos siraan ka sa iba.

At dahil nasa mood ako ngayon,ipapakilala ko na rin sila,

Yung nagbigay sa akin ng tubig . .si Lance Zamora yun. Ahead siya sa akin ng isang taon.Anak  ng may ari ng isa sa  pinakamalaking travel agency sa bansa. Kung appearance naman, well isa lang ang masasabi ko 'GWAPO',,, kayo ng bahala kung anu sa inyo ang description ng gwapo. He's taking up of Chemical Engineering.oh diba ang layo ng course niya sa business nila.

Siya lang naman ang the " nice guy" sa aming grupo yung tipong sa sobrang pagka nice niya, ayun madami lang namang umiyak na babae,,,mga assumera. . .Akala lang naman kesyo na tinulungan sila o whatsoever na may kinalaman sa word na 'nice' nag assume na type daw sila kaya in the end nganga sila.

Lovelife niya.,ayun ZERO. Ewan ko ba dun sa lalaki na yun,masyadong mabait eh .

Next, si Drake Nicolas Salvador. Isa siyang half half,.... half Filipino --Half Filipina.---

Deh joke lang, he's half Chinese and half Filipino. Ang mother niya ang Chinese kaya isa siyang dakilang chinito, buti nalang namana niya ang height niya sa kanyang ama at pati ata lakas ng sex appeal nakuha din niya. . He's taking up of Business Administration dahil for sure siya ang magmamana ng business nila which is a chocolate factory. Hindi lang puchu puchu yung factory nila dahil nag eexport sila sa halos lahat ng bansa sa Mundo. Meron din siyang kapatid na babae si, Blanca,sa pagkakaalam ko fourth year high school na..

Ako'y Inlove sa isang Nerd?!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon