Jelly

1.1K 40 0
                                    

Edited (04/02/15)

"ANONG GIRLFRIEND HA!" halos umecho na sa buong kwarto ang sigaw ko..

"WAAH!! Hindi ba?!! SORRY PO!!"

Ako?! Magiging girlfriend ni Nerdo?!

(Malanding k: Why not?!Pinagnanasahan mo nga yung tao eh! Hihihi)

Argh!

"H-hindi a-ako girlfriend ni N-nerdo!" Bakit naman ako nauutal?!

"Sorry po! Waah! Sorry din Pres! Akala ko kasi magjowa kayo!!! Ang sweet sweet niyo kasi..KYAAAHH!!!" Eh?! May gana pa siyang kiligin!

"Hoy Nerdo!patahimikin mo nga yang galamay mo" pero pagtingin ko...

"Uy!Nerdo!" Pumitik pa ko sa harap niya.Nahipan ata ng masamang hangin..

"A-ahh...ahmmm" (kamot sa ulo)

Ang cute niya pala pag natataranta..

.

.

.

Sh*t!

"Tayo na nga!" Kung anu ano nang pumapasok sa utak ko.

"Bye bye! Ingat kayo ha?!" Sigaw ni Ms.Nerdo..niyaya ko siya pero tumanggi..dun daw siya sasabay sa mga kaibigan niya..akalain mo yun,,may nakakatiis pa pala sa kaingayan niya.

-----

Alam niyo ba yung pakiramdam na yung mga kasama mo mga mukha ng wasted habang ikaw parang wala manlang pumatak kahit isang pawis sayo.. dahil ganun na ganun ang pakiramdam ko!!

"Grabe! Nakakapagod magpractice! Masyadong strict si coach! Buti nalang at nadaan sa kagwapuhan ko kaya nakapagbreak kami!" Lumberto

"Asa ka tol! Ako kaya ang gumawa ng paraan!" Isa pa tong si Drake.

"Hey! As far as I know..si Lance ang nakiusap sa coach niyo..don't deny it, , I'm also at the gym practicing" si maputlang higad.

"It doesn't matter kung sino ang may gawa..ang mahalaga nakapagpahinga tayo..how about you Michie I've heard that you're in charge for the upcoming pageant"

Si Michie kasi ang katabi ni Lance..

"Urgh! Giving me so much stress!..I need a facial na!" I look at Michie.mukha namang ok na siya kahit papano..o ganun siya kagaling magtago..."hey Yuu? How's being the students council President?" nagulat ako..hindi dahil sa President si Nerdo..alam ko na  nga diba nung last chapter pa..nagulat lang ako dahil siya ang naginitiate ng tanung..parang wala lang nangyari kung titingnan mo sila ngayon...kanina ko pa napansin ha..Magkatabi sila! Oo MAG-KA-TA-BI..ok na ba sila?nagkausap na kaya? O baka....

(Miss A: selos much)

"Fine" tinitingnan ko lang din ang reaksiyon ni Nerdo..mukhang wala narin naman akong napapansin na kakaiba..

"Ako naman naenjoy ko ang pagpapractice namin! Ang sesexy ng mga nasa dance troupe kaya gaganahan ka talaga magpractice!" Hindi lang pala kalahi ni Lumberto to..si Drake din..

"We're not asking you"

"WAAH! Ate! Inaapi na naman ako ni Kuya!" Ugh!

"How about you Jobel? How's your day?" Nang iinsulto ba tong Rodj na to?? Alam naman niyang ako lang ang TAMBAY dito!

"Hahaha..siguradong busy yan sa kakatitig sa mga estudyanteng busying busy!" Tinitigan ko ng masama si Drake..may araw ka din.

"Pssshh.." kinain ko nalang yung manok sa plato ni Lumberto..." WAAH!Honey! Bakit mo kinain yan! Panis na yan!"

Bugsh!!

"HAHAHAHAHAHA!"ang lakas ng tawa nila..well except kay Rodj at Nerdo..mga nakamute.

Naibuga ko yung manok sa mukha ni Lumberto..kasalanan niya yan..

"Yuck ka Honey! Bakit pa sa napakagwapo kong mukha!"

"G*go ka eh! Anong panis ha! Baka gusto mong sayo ko to isubo!"

"Jinojoke lang naman kita Honey eh" then pout....Yuck.

"Pssh.." hindi ko nalang siya pinansin...Wait?! Bakit parang may nahagip ang mata ko?

Lingon

Lingon

Ahhhh...si Ms. Nerdo pala...dito rin pala sila sa canteen kakain..hmm...inpeyrnes  mukhang mga normal naman yung mga kaibigan niya.

Nakita niya akong nakatitig sa kanya kaya ayun wagas makakaway.akala mo namamaalam lang..

"Uy Honey! Sino yung kumakaway na yun?" Chismoso ka talaga kahit kelan..

"Si Lianara Dimaalila"

"WHAT! May binully ka na naman!"

Nabatukan ko nga.."Bingi ka ba! DIMAALILA ang sabi ko hindi my alila!"

"Ang cute naman ng apelyido niya" EPAL talaga  si maputlang higad

"Wow hanep! Nadagdagan ka na naman ng kargo!"

"What the?! Anung kargo ka diyan!"

"Relax Jo..what he meant, may bago ka na namang nakilala..nakakatuwa ka Jo..bakit ba sa tuwing wala kami sa paligid mo..may nakikilala kang bago.."

"Accidentally ko lang siyang nakilala..lalampa lampa kasi"

"Parang si Banyo Queen! Aksidente mo lang din nakilala!" at may lumipad na tinidor sa kanya..

"Bakit mo ginawa yon ha!!Pwew! Muntik na ang napakagwapo kong mukha!!Buti nalang nakailag ako  kundi maraming susugod sayo!"

"What did you call me?!"

"Banyo Queen! Kasi lagi kang nambabara!"

"You coocoo brain!" Naghabulan talaga sila.

----------

"HAY NAKU ATE! NAKAKABADVIBES TALAGA YUNG BABAENG KATABI NI PRES KANINA!! SINO NGA BA YUN?!"

"Si maputlang higad"

"AH YUN NGA!! NAKAKABANAS PATI YUNG PANGALAN! ANG BANTOT! PANGALANAN BA NAMAN SIYANG MAPUTLANG HIGAD!" at halos lumagapak na ko sa kakatawa dito..Alam kong nagtataka kayo kung bakit ko kasama na naman tong babaeng may diperensiya din.. Aba! Pagkatapos ko ba naman kumain hinila na agad ako! Ang lakas ng loob niya! Ni hindi pa nga ko nakakainom!

"Oh bakit tumatawa ka Ha?!" Tinaasan pa ko ng boses! Hindi ba to natatakot sakin?!

Hindi ko akalaing nabobopols din pala ang mga nerdo minsan?! O siya lang talaga?

"Matalino ka ba o matalinaw lang? Sino namang matinong tao ang magpapangalan sa kanya ng maputlang higad ha..tawag ko lang yun sa kanya TAWAG.." Diyosmiyo!

"Ahhh,.hihihi..ganun ba..Kdot!"

Anu daw? Kdot???

"So as I was saying..nakakainis talaga siya!Kung makadikit kay President akala mo isa siyang living bulldog superglue! Grr..kung makahawak kay Pres. Akala mo candy di Pres. na aagawin sa kanya! .tapos alam mo ba..pasimple pa siyang sumusulyap kay Pres! Akala niya makakaligtas siya sa mga mata ko!" Natural apat mata mo..sabihin niyo nga..nag eevolve narin ba ang mga nerd ngayon?

"Ganun na talaga yun..kaya nga siya isang maputlang higad diba. Masyado siyang makati, hindi titigil hangga't walang nalalandi....ewan ko nga ba dun..sa dinami dami ng gwapo sa University kay Nerdo pa nagpupumilit.." at bigla naman siyang napatingin sakin..Oh bakit kakaiba makatingin to??

"Ang bitter mo naman magcomment!! Pero....Uuyyyy!!! Aminin! Nagjejelly ka!!!"

Ako'y Inlove sa isang Nerd?!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon